#01KeepGoing

16 2 0
                                    

Inaamin ko ang tingin ko noon sa mga taong may depression, ay sila yung pinakamahihinang tao sa mundo.
Na wala ng ginawa kung hindi ang magpakain at magpakalunod sa kalungkutan.
Pero isa palang pagkakamali yun dahil ngayon masasabi ko sila yung  mga taong  malalakas, matatapang at tunay na matitibay.

Nagagawa  nilang mabuhay kahit na ayaw na nila.
Hindi sila masaya pero hindi rin malungkot bagkus ang masakit eh nababalot sila ng emptiness sa buong pagkatao nila.
Sila yung mga taong gigising sa umaga para matulog ulit.
Dahil ang pagtulog para sa kanila eh hindi nalang basta pagtulog bagkus isa itong paraan para makatakas, makatakas sa pagiging numb.
Being numb to emotions, being numb to life.
Marami sa kanila wanted to talk about it, gusto nilang sumigaw, gusto nilang humiyaw at gusto nilang magwala pero ang tanging nagagawa nalang nila ay bumulong at magpanggap na okay lang sila.

Marami dyan ipinagsisigawan sa buong mundo na may depression sila.
Pero yung totoo at masakit eh   depression exist without knowing it.
Kaya sa mga  taong may depression diyan na patuloy na lumalaban  saludo ako sa inyo.
Sa mga taong kinakaya pang magtrabaho, mag-alaga at mag-alala para sa kanilang pamilya at kaibigan, yung mga taong  na nagpapanggap na okay lang sila pero yung totoo ay nakikibaka sila sa unimaginable pain sadyang kahanga hanga kayo.

Kaya please keep going, patuloy tayong magtiwala at maniwala sa itaas.
This not the end, this not the end, things are yet to happen and Life is yet to go.

MS. A NOTES

SANA MAKATULONG AND COMMENT LANG PO KAYO PARA SA SUSUNOD NATING TOPIC.

WELCOME PO KAYO SA PAMILYA KO SA PAMILYA AZI

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

This Is LifeWhere stories live. Discover now