Killer number one:

24 1 0
                                    

The killer eye

Maxine's pov

Naghihintay kami ngayon sa aming guro upang simulan ang umaga.

"Max antagal naman yata ni maam?" Reklamo ni alexa

"Hindi ka talaga marunong mag-hintay noh?" Sabi naman ni cassy

Naghintay pa kami saglit ng may pumasok. Ang buong akala namin ay si maam ngunit lalaki ang pumasok sa klase.

"Good morning" masigla nyang bati sa amin.

Isa-isa nya kaming nginitian at tinignan.  Aakalain mo nga namang mala angel ang muhka nito dahil sa kagwapuhan na taglay nya pero sorry hindi ako madaling magtiwala.

"Hindi daw dadating maam! Free time!" Sigaw ni mika nakapapasok lang

Agad din naman silang naghiyawan natigil ito ng makita nya na may nakatayo sa harapan.

"Sino ka? " tanong ni mika ng maka recover sa kakatalon na para bang bata.

"Sorry my name is alexander diaz, nice to meet you" sabi nya

Nakangiti pa ito habang nagpapakilala. Hindi ko alam pero i find his smile scary and uncomfortable. Nag simula silang mag-bulungan kaya nagsalita na agad ang aming presidente.

"Oh. Welcome to our section, the one and only infinity section." Nakangiting sabi ni mika

Tumango naman yung alexander saka humanap ng upuan. 

"Beh ang gwapo nya! " Bulong ni alexa

Umirap nalang ako't yumuko. Naramdaman ko namang may-tumabi sa akin kaya napaangat ang ulo ko.

"Hi! May nakaupo naba rito? " tanong nya

Tanging iling lamang ang sinagot ko sa kanya. Pansin nuo bang snob ako?  Simple lang naman eh hindi ako nagtitiwala sa kanya. Tahimik syang naupo sa vacant seat sa kaliwa ko. Tinignan ko naman si alexa na kasalukuyang nagiging kamatis na ngayon.

Napayuko nalang ulit ako at hindi na nagsalita. Napaangat nalang ulit ako dahil narin sa katamaran.

"Katamad naman" sambit ni alexa

Napakamot nalang ako sa batok at napaisip.  Ano bang pwedeng gawin?

"Hmm laro kaya tayo! " Suhestyon ni dino ang nangunguna sa mga kalokohan sa klase

"Ano nanaman bang kalokohan yan gino? " Iritang tanong ni mika

May ilang minuto pa nang dalawin kami ng katahimikan ng bigla nalamang nagsalita si dito.

"Killer eye! " sabi nya

Agad naman kumunot ang mga noo namin.  Killer eye? 

"Ano bang pinagsasabi mo? " tanong ni dina kambal ni dino

"Hindi mo ba alam yun kambal? " tanong ni dino

"Ah. Sige tara laro tayo" sabi naman ni jennie

Kaahit pa nagtataka kami nagumpisa na kaming mag laro.  Isa-isang sinulat ni dino ang mga salitang victim, doctor at police.  Ipinaliwanag din naman nya ito kung paano laruin kaya medyo naiintindihan ko na.

Nagsimula ng magbunutan kaya bumunot kami isa-isa hanggang lahat na kami ay nakakuha. Natauhan naman ako ng may kumalabit sa akin. Si martina lang pala. Kaklase ko

"Ano nabunot mo?" Tanong nya bubuka na sana bibig ko ng magsalita ulit si dino.

"Nga pala bawal sabihin kung ano yung nakuha, matatalo kayo agad" sabi nya kaya napatango nalang kami.

The killer eyeWhere stories live. Discover now