"Hindi pa ba ako pwede umuwi?" nabibwisit kong reklamo sa lalaking nasa harapan ko na walang habas sa pag-dedma sa napakaganda kong presence.
"Wala naman pumipigil sayo ah?" sagot niya ng hindi man lang tumitingin sa akin.
Dahil sa sobrang inis ko ay hindi ko napigilang ibato sa kaniya ang sanga na napulot ko kung saan which is by the way, nakakadiri. Ano bang pumasok sa utak ko at pinulot ko 'yun? Wala pa naman akong dalang alcohol o kahit ano pa man.
Lalo tuloy akong nainis sa lalaki na ito na ngayon ay tinitignan ako ng masama. Hindi ba niya alam na siya na ang pinakaswerteng lalaki sa buong mundo dahil nasosolo niya ako ngayon? Tyaka sa aming dalawa, ako ang may karapatan na magalit sa kaniya dahil kung hindi naman dahil sa kaartihan niya ay wala kaming dalawa dito.
Nagpatuloy ako sa paghagis ng mga nakakalat na mga bato at mga death glare pero ang halimaw, hindi man lamang natinag. Ang galing talaga eh.
"Nagugutom na ako, pakainin mo ko!" sigaw ko sa kaniya ng maramdaman kong kumukulo na ang tiyan ko. Hindi pa naman ako nakapag-breakfast dahil sa bwisit na 'to.
Nakita ko naman na inirapan niya ako at ibinalik ang tingin sa labas ng kweba.
Oo! Nasa loob kami ng isang kweba! IN A FREAKING CAVE! God! Never have I imagine na papasok ako sa isang kweba! Paano kung bigla kami sugurin ng mga paniki? O kaya ng ahas? O ng mga insekto na poisonous?
KYAAAAAAAAAAAAA!
Kasalanan talaga ng lalaki na 'to kung may mangyari na masama sa akin!
"Hindi mo ba narinig 'yung sinabi ko? Ang sabi ko, gutom na ako!" sigaw ko sa kaniya.
"Sa tingin mo ba kapag inulit mo 'yung sinasabi mo bigla na lang may lalabas na pagkain dito sa kweba?" sabi niya sabay irap pabalik sa akin.
"Bakla ka ba? Bakit ka ba irap ng irap? Dukutin ko mata mo eh..." syempre pabulong ko lang sinabi 'yung dulo. Kahit naman gaano ako ka-confident sa kagandahan ko, alam ko naman na ilang times ang laki ng katawan niya na kakayanin niyang ihagis ako palabas.
Pinilit ko na lang libangin ang sarili sa kawalan dahil alam ko naman na hindi mage-effort ang damuho na ito na i-entertain ako.
Ano ba kasing problema nito at ang laki ng problema niya sa akin?
Porke ba't nagmature na siya at... well, mejo gumwapo. Emphasis sa MEJO! Pero hindi ibig sabihin 'non ay may karapatan na siyang lapastanganin ang presence ko!
Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa halimaw na 'to which by the way, nakatitig din sa akin.
Unconsciously naman akong napahawak sa mukha to check kung may problema ba which I doubt dahil perfect ang mukha ko.
Nakita ko naman ang pagngisi ng kolokoy na 'to.
"Hoy, Mimong! Ang kapal ng mukha mong pagtawanan ako ha! Anong akala mo sa sarili mo?!" sigaw ko habang naglalakad palapit sa kaniya. Hindi ko napigilan na paghahampasin ang hinayupak na 'to na wala namang habas ang pagtawa sa akin. Ano bang akala niya? Clown ako? Sa ganda ko na 'to?
"Anong tinatawa-tawa mo? Hinayupak ka!" sabi ko at nilakasan pa lalo ang pagpalo sa kaniya pero feeling ko, mas ako 'yung nasasaktan sa aming dalawa.
Parang bato. Siya na ang defined ang katawan! Kala mo naman talaga.
Natigil na lang ako sa pagbugbog sa kaniya ng hulihin niya ang dalawa kong braso. Nagtry akong magpumiglas pero dahil bato nga siya ay hindi man lang siya lumuwag sa pagkakahawak. Bwisit!
I want to throw him daggers but instead ay napatingin ako sa mata niya.
Bakit ba ang ganda ng mata niya?
Ang haba pa ng pilikmata!
Unfair!
I was shamelessly checking him out, his face (only his face!) actually, until an annoying smirk escape his face.
Napataas naman ako ng kilay ng bigla siyang tumawa.
"Tumataba ka ata?"
AAAAAAH! BWISIT TALAGA 'TONG JOLOGS NA 'TO!
BINABASA MO ANG
That Annoying Jologs
RomanceNot your typical spoiled brat & jologs love story (I hope)