Takot, ito yung nararamdaman ko ngayun. Kakambal nito yung pagkaduwag. Sa lahat ng emosyon na nararamdaman nating mga tao, ito yung pinaka ayoko. Ayoko ng umiiyak, ayoko ng natatakot at ayoko ng naduduwag.
Bata pa lang, independent na ko. Namulat ako sa uri ng pamilyang iba yung kinagisnang tatay. Yung klase ng tatay na walang pagmamahal na pinaramdam sayo. Yung tipo ng tatay na walang pakealam sayo. Ibang iba rin yung pinakita ng nanay ko sakin. Yung masabi lang na anak ka. Yung mapakain ka lang, mabihisan ka, pagaralin ka elementary hanggang highschool okay na. Pero walang halong pagmamahal.
Natatawa na nga lang ako pag naaalala 'ko yung dati. Noong bata pa ko, pag galit siya sa "step father" ko ako ang ginagawa niyang punching bag. Hanger, walis tingting, patpat, upuan at kung ano pang madampot niya. Yan yung mga bagay na inaamba niya sakin sa tuwing galit siya o may nagawa akong di niya nagustuhan.
Nursery level ako natutong maging independent. Kung yung mga kaklase ko noon hatid sundo ng mga magulang nila? Ako naman hatid sundo rin, ng service ko. Parang siya pa nga ang naging tatay ko nung mga panahon na yun eh.
P.T.A meeting, ito yung pinupuntahan ng mga magulang sa school diba? Pero sa sitwasyon ko, ako pa rin ang umaattend para sa sarili 'ko. Isusulat ko nalang sa notebook ko kung anong pinagusapan. Tapos ipapabasa ko nalang sa nanay ko kahit alam kong wala pang sakanya kung anong nakasulat doon.
May dalawa nga pala 'kong half sister. Minsan di ko maiwasang mainggit. Kasi nung tumuntong sila sa nursery yung nanay ko, parating nasa school. Parating active.
Sa tuwing nakikita ko rin na nilalambing sila ng tatay nila na step father ko naman. Napaisip ako, ano kayang feeling nun? Masarap siguro, halatang halata naman sa muka nila eh.
Dahil na rin sa hirap ng buhay kaya napangibang bansa yung nanay ko. Nagpaalipin sa hindi naman niya sariling bansa. At ito namang asawa niya nagbuhay binata.
At ako? nagmistulang hangin ang buhay ko. Hindi napapansin, hindi pinapansin.
Hanggang sa naghighschool ako. At nakarating ng college. Dito ko naranasan yung hirap, yung pagod at yung gutom. Hirap kasi kelangan mong pagkasyahin yung pera mong alam mo namang hinfi kakasya sa isang buwan. Yung gutom na kala mo sabog ka lang kasi wala ng laman yung tiyan mo, hangin na lang. Pagod hindi sa katawan, kundi sa emosyon.
Nang biglang magbago ang buhay ko ng makilala ko siya. Oo, may nagustuhan na ko dati pero iba siya. Hindi naman gwapo, pero nakakatawa. Hindi naman boy next door ang datingan pero may sense of humor naman. At siya ang naging first boyfriend ko.
Masaya, nakakakilig. Yung tipong kala mo kayo lang dalawa sa paligid. Kaso mahirap, kasi sa lahat at ng kamaganak ko napakilala ko na siya. Pero ako, kahit sa katulong nila, nganga.
Naging maayos naman yung pagsasama naming dalawa. Tatlong taon ang lumipas, tatlong taon ko din natuklasan na hindi pala lahat ng relasyon puro masaya lang. May sakit din pala. May away, may batuhan ng mga maaanghang na salita, may bangayan at may sakitan.
Dumating yung araw na gusto ko ng sumuko sa problema, sumuko at mawala na lang. Problemang di mo kayang sulusyunan, hindi mo kayang ayusin, hindi mo kayang magtapang-tapangan at hindi mo kaya ng walang kakampi.
Yung araw na mismong pamilya mo na ang kalaban mo, yung hindi na sila yung magtatanggol para sayo. Kahit siya hindi niya magawa akong tulungan, kahit siya di niya ko kayang puntahan, yung kahit siya na nahuhuling kakampi ko nalang, hindi ko din maasahan.
Masakit kasi kahit ngayun palang tumanda ako, nagkaroon ng mga kaibigan, nagkaroon ng minamahal na nagsabing hindi ako iiwan at poprotektahan ako, nawala. Nawala na parang bula. Nawala na kala mo hindi ka nila kilala. Nawala na kala mo hindi ka nageexist.
Ito yung point na ang tanging magagawa mo nalang ay lumuhod, umiyak at magsabing,
"Lord, tulungan mo naman ako oh"
Pero makasalanan na nga talaga 'kong tao na kahit ang diyos ayaw ng tumulong sakin. Na kahit siya galit na sakin. Paulit-ulit na kasi akong nagpapatulong sakanya eh, napagod na siguro siya. Di ko naman siya masisisi, kasalanan ko rin naman.
Naduduwag ako, para 'kong aso na umuurong yung buntot pag natatakot. Para kong pagong na gusto nalang magkulong at hindi na muling lalabas pa.
Ang tanging gusto ko nalang ay ang mawala. Mawala at hindi na magpakita ka. Napapagod na 'ko. Pagod na pagod na 'ko. Uhaw ako sa atensiyon, uhaw ako sa kalinga, uhaw ako sa pagmamahal. Uhaw ako sa magulang na nagsasabing,
"Anak, Im so proud of you!"
Pag namatay ako siguro walang iiyak. Pag namatay siguro ko mamumrublema pa sila sa gastos. Pag namatay ako siguro parang hangin lang. Dumaan lang tapos malilimutan din agad.
Kinuha ko yung lubid, inayos ko yung upuan. Tinali ko sa nakausling kahoy sa itaas ng bubong yung lubid. Hinigpitan iyon, at bumuntong hininga.
Mahal 'ko ang pamilya ko. Sabi nga ng iba giver ako, never akong humingi ng kapalit.
Mahal ko siya, yung kahit na pinagtatabuyan niya ko minsan para parin akong tuta na bumabalik para magpalambing.
Lord, pasensiya na ha? masyado lang talaga 'kong naduwag.
Tumingin ako sa paligid ko. Naisip ko ang mga bagay na maiiwan ko. Muli nanamang kumawala ang mga likidong ito na nagmula sa mga mata ko.
"Pasensiya na" Mahinang sabi ko
"I quit!" Sabay lagay ko ng lubid sa ulo ko. Sinipa ko papalayo ang upuan na tinutungtungan ko.
Nahihirapan akong huminga, nasasakal ako unti-unti. Nararamdaman 'kong lumalamig ang aking buong katawan. Konti nalang, mawawala na ko sa mundong 'to. Sa mundong nagpasaya at nagparamdam sakin ng sari-saring emosyon. Unti-unti na 'kong nalalagutan ng hininga. Hanggang sa ako'y tuluyang pumikit at nilabas ang aking last breath.
Pasensiya na, I quit....
>>>
BINABASA MO ANG
I Quit.
HumorPano kung dumating ka sa problemang hindi mo kaya sulusyunan? Hindi mo na kayang magtapangtapangan? Hindi mo na kayang walang kakampi?