Spoken 1

94 7 0
                                    

"Masaya ako para sa inyong dalawa."


Naaalala ko pa nung niligawan mo ko't sinagot kita
Masaya ako't masaya ka
Sabi mo, walang bibitaw
Magkasama nating haharapin ang bawat araw
Anumang pagsubok ang dumating sa ating buhay, tayo'y magtatagumpay

Pero bakit bigla kang nagbago?
Naging malamig na ang pakikitungo mo
Madalas kang wala sa araw ng ating pagtatagpo
Sabi mo, abala ka sa pag-aaral mo
Inintindi kita, akala ko kasi tapat ka at ako lang ang babaeng mahal mo

Isang araw, nakita kita
May kasama kang iba
Kita ko ang saya sa mata mo na dun ko lang nakita
Tinawagan kita, tinanong ko kung nasaan ka
Nasaktan ako dahil nagsinungaling ka
Sabi mo, nakikipag-inuman ka kasama ang iyong barkada

Sabi ko sa sarili ko, "huling pagpapakatanga na 'to."
Isinawalang bahala ko ang pagsisinungaling mo
Nagpakatanga ako
Nagbulag-bulagan ako sa'yo
Kahit na nasasaktan ako sa paulit-ulit na pagsisinungaling mo,
Nagpakatanga pa rin ako

Isang araw, nakita kita na nakikipaghalikan sa aking matalik na kaibigan
Ang sakit kasi akala ko, ako lang
Ako lang ang iyong minamahal
Lumapit ako sa inyong dalawa
Kita ko ang panlalaki ng iyong mata
Sabi mo, magpapaliwanag ka
Umiling ako't ngumiti kahit ang sakit sakit na
Sabi ko, "ayos lang, magpakasaya ka sa kanya."

Kasabay ng pagtalikod ko, ang sunod-sunod na luhang pumapatak sa mga mata ko
Alam kong kasalanan ko dahil pinili ko magpakatanga sa'yo
Kahit na alam ko ang totoo
Nagbulag-bulagan pa rin ako sa'yo

Kaya, tama na, sawa na ako sa paulit-ulit na dahilan
Sa walang sawang selosan, awayan at hindi pagkakaintindihan
Tama na, ayoko na ng paulit-ulit na bolahan
Tama na sa paulit-ulit na pagbabalikan
Tama na, dahil nakakapagod na

Pagod na ako, kakaintindi sa'yo
Pagod na ako sa pagpapakatanga sa'yo
Pagod na ako sa lahat ng dahilan mo
Pagod na ako sa pambobola mo

Mahal kita pero tama na dahil nakakapagod na
Tanggap ko na hindi na ako dahil meron ka ng "siya."
"Siya" na alam kong matagal ka ng minamahal ng sobra
"Siya" na alam kong mahal mo bago mo pa ako nakilala

Kaya mahal, pinapalaya na kita
Hiling ko na Maging masaya ka kasama siya
Salamat sa mga ala-alang kasama ka
At nais kong malaman mo na,
"Masaya ako para sa inyong dalawa."

Heartbreaking Spoken PoetryWhere stories live. Discover now