BREAK na TAYO!

1K 56 31
                                    

May mga bagay talagang hindi natin kontrolado tulad ng isang relasyon. Minsan kahit sobrang pinapahalagahan at minamahal mo ang taong mahal mo, kung hindi kayo, hindi talaga.



Hindi na pwedeng ipilit.


Parang nung nakipag-break siya sakin.



Masakit. Sobra.



Ako nga pala si Tania. May boyfriend ako, si Red.


Umabot kami ng isang taon. Hanggang doon na nga lang siguro ang tinatawag naming forever.



Magka-opisina kaming dalawa.


Nagkataong may pasok yung anniversary namin. Masaya naming inumpisahan ang napaka-espesyal na araw na 'to pero nangangalahati pa lang yung araw, nagbago bigla ang ihip ng hangin.



"Tania, break na tayo."


Napatigil ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang sinabing yon ni Red. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.



Dahan-dahan ko siyang nilingon.


Unti-unting nanikip yung dibdib ko.


Ang sakit marinig mula sa kanya nun.


Mahal na mahal ko siya eh.


Siya na yung buhay ko pero.. bat ganito?


Kailangang..


Kailangan ba talagang umabot sa ganito?



"Pero.. bakit?" pagtataka ko.


Bigla siyang ngumiti.


"Nagugutom na kasi ako eh. Hindi kasi ako nakapag-breakfast." sabi niya.


Psh! Yun lang pala! Haha! Todo emote naman ako!



One Year Later..

Two years na kami ni Red. I'm so happy kasi kami pa rin hanggang ngayon. Mabuti na lang at hindi ako agad nagpadala sa maling akala ko noon. Pag nagkataon, hindi na sana ulit kami magkakaroon ng chance na mag-celebrate ngayon.


Natapat na namang may pasok yung 2nd anniversary namin. Malapit ng mag 12 noon kaya medyo gutom na rin ako.



"Red, break na tayo." sabi ko pagkalapit ko sa table na kinaroroonan niya.



Tumingin siya sakin.


"Sige." sagot niya tapos nauna nang maglakad.


Kinuha ko yung cake na binili ko sa desk kaso paglingon ko ulit kay Red, wala na siya. Hmm.. Siguro nauna na sa cafeteria. Ganun naman yun eh. Laging gutom. Hindi kasi nagbe-breakfast!


Nagpunta na ako sa cafeteria at nagulat ako sa nakita ko.


Si Red..


May kasama siyang ibang babae, si Cams, ka-opisinia rin namin.



Magkayakap pa sila!


Lumapit ako sa kanila tapos pinaghiwalay ko sila. May napansin akong luha sa mga mata ni Red nang tingnan niya ako.


"And you have the guts to do that in front of me, huh!" sigaw ko sa kanilang dalawa.


"Hey! May ginawa ba akong masama?" sabi ni Cams.


"Shut up!" sagot ko tas tumingin ako kay Red.


"At ikaw?! I can't believe na magagawa mo 'to sakin! Sa anniversary pa natin! Sana nakipag-break ka na lang kung hindi mo na pala ako mahal!" sigaw ko habang pinipigil umiyak.


"Hindi kita maintindihan." bulong ni Red.


"Ako pa ngayon ang hindi mo maintindihan?! Ikaw ang hindi ko maintindihan!"


"Tania, ano bang problema?"


"Niloko mo ako!"


"Hindi kita niloko okay?"


"Anong hindi? Kitang-kita ko nga yung babae mo eh! Nakayakap ka pa sa kanya!"



Napatingin si Red kay Cams tapos tumingin ulit sakin. "Tania, kaibigan ko lang siya! Siya yung unang nalapitan ko kaya ko siya niyakap! At isa pa, niyakap ko siya dahil nasaktan ako. Nasaktan ako sa sinabi mo Tania!"


"Ano bang sinabi ko? HA?!"


"Diba sabi mo break na tayo?"


Teka..



Sinabi ko ba yun?


Binatukan ko bigla si Red. "Engot ka ba?!"


"Aray! Ano na naman bang problema?!" tanong niya habang nakahawak sa ulo niya.


"Ang sabi ko, break na tayo! Ibig sabihin, kumain na tayo! Hindi ko sinabing split na tayo!" paliwanag ko.


"Ha? Yun pala yun. Hehe. Sorry. Na-misunderstood lang." sabi niya sabay peace sign.


Hay! Kung hindi ko lang mahal 'tong boyfriend ko, matagal ko ng pinakain sa zombies yung utak niya! Hmmmmp!





------------------------

A/N: Guys! May sequel na! HAHAHA!

BREAK na TAYO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon