(A/N: sorry kung magiging lame itong Chapter na ito :( pagpasensyahan niyo na po )
---------------------------------------------
Shayl's P.O.V.
*ringtone ng phone ko*
"Kaninong phone yung nagri-ring?!" Sigaw ng terror naming Teacher. Bwiset naman oh! Di ko tuloy makita kung sino tumawag!
"Walang aamin?!" -Teacher namin. Wala paring umaamin saming magkaka-klase. Ako kasi yung nagdala T^T
"Sige, pumunta kayong lahat sa Detecting Room!" shit! Ano aamin na ba ko?!
Ok... Fine.
Itinaas ko ang kamay ko.
"Ma'am, ako po yung may dalang phone." Sana wag naman niya akong bulyawan.
"Buti naman at umamin ka na! Sige na! Sagutin mo na yang tawag mo! Baka importante yan!" Sana magkaluslos si Ma'am. Sigaw ng sigaw eh! Ay oo nga pala! Boplak naman oh! Babae pala si Ma'am kaya hindi pwede magkaroon ng luslos -_-
At ayun na nga, pumunta ako sa labas ng room namin at sasagutin ko na nga kaso biglang nagi-stop yung ringtone at ibig sabihin nun... Missed call.
Binuksan ko yung cp ko at yung tumawag si...
*You missed a call from Babe<3 *
MYGOD! Tumawag boyfriend ko! Shit naman oh! Baka magtampo yun kasi di ko nasagot yung tawag niya. :(
Ano ba yan!
Kung puntahan ko kaya sa room nila kaso... baka magalit si Ma'am -_-
At ayun, pumasok na ako sa loob ng room at bigla akong kinausap ni Ma'am.
"Ms. Cayabyab! Dahil nagdala ka ng cellphone g-" di ko na pinatapos magsalita si Ma'am kasi nagpa-panic na talaga ako! Baka i-confiscate niya itong phone ko! Oh, goodness gracious! Wag naman!
"Ma'am! Please! Maawa po kayo! Wag niyo po i-confiscate cellphone ko mahal na mahal ko p-" di ko na natapos sasabihin ko kasi sumingit bigla si Ma'am.
"Anong iko-confiscate?! Dapat kasi pinatapos mo muna salita ko!"
"Ah... Sorry Ma'am ^_^V " at nag-peace sign ako kay Ma'am.
"Dahil dinala mo cellphone mo, dalhin mo itong mga books na ito sa-"
"Ma'am?! Lahat po yang 35 books na yan?!" LIKE... DUH! parang kaya kong dalhin yan.
"OO! Kaya simulan mo ng dalhin yang 35 Books na yan sa room ng 4-A!!" Sigaw niya sakin.
ROOM NG 4-A?!
OK! ^_^
Sana 100 books na lang dapat pinapadala sakin ni Ma'am sa 4-A para pabalik-balik ako sa room ng Babe ko. <3
Yeah! Room ng babe ko <3 Hay... Sana hindi siya nagtatampo sakin kasi hindi ko sinagot yung call niya.
"Ok po Ma'am!" Sabi ko kay Ma'am na may malapad na ngiti.
At yun na, pumunta ako sa may sulok para kunin yung 5 books! HAHAHAHAHA! Lima-lima para pitong beses ako pabalik-balik sa room nila.
Kumuha na ako ng limang books at lalabas na sana ako ng room kaso napansin siguro ni Ma'am na bakit 5 books lang dala ko. Uh ow...
"Bakit 5 books lang yang dala mo, Miss Cayabyab?!" ANONG PALUSOT KO?!
*LIGHT BULB*
"Ah kasi Ma'am *uma-acting na masakit ang puson* masakit po puson ko. " Sana maniwala ka Ma'am.