KABANATA UNA:

5 1 0
                                    

-1899-

"Florante,Anak tara na't tayo ay dadalo sa ika-siyam na pagbisita ni paring Alejandro sa ating bayan" aya sakin ni ina.

"Opo ina, saglit lamang po nais ko muna po sanang makapunta sa ating hacienda" nginitian ko naman siya.

"Florante clara! alam mong mahigpit kong ipinagbabawal ang pagpunta sa ating hacienda lalo ka na at isa kang visitacion! maraming mga lalaki ang naroroon!" halata sa boses ni ina ang iritasyon.

"Ina,pangako saglit lamang po hindi na po ako bata ina.." hinawakan ko ang kamay niya at umalis na.


-----


"Magandang umaga Ho binibining Florante.." halata sa mukha ni mang kiko ang gulat ng makita ako , bahagya pa siyang yumukod tanda ng pagbati at paggalang.

"Magandang UMaga rin mang Kiko , kay gaganda naman po ng mga damo at bulaklak sa aming hacienda halata pong naaalagaan nga po itong mabuti" bahagya pa kong ngumiti sakanya.

"katulong ko po ang anak kong si Arthuro binibini," Ngumiti pa si mang kiko at ibinaba ang hawak niyang palakol.

" Ganun puba? kung inyong mamarapatin nais kong makilala ang inyong anak na si arthuro mukhang napaka-bait at busilak ng kanyang puso sa pagtulong sa kanyang ama." pamumuri ko naman sa anak niya.

"Pasensya na binibini, ngunit hindi ko maipapangako na mapapayagan ko ang iyong gusto, mahigpit na ipinagbabawal ng iyong ina ang paglapit ng mga lalaki sa kanilang bunsong anak" halata sa tono ng pananalita ni mang kiko ang takot.

"Mang kiko hindi kayo dapat makaramdam ng takot, ako ang bahala kay ina at nais ko lamang naman siyang makilala pangako.." halatang nahimasmasan siya sa sinabi ko.

"Hindi po ako makasisiguro binibini" yumuko pa siya ng bahagya.

"Pangako mang kiko, aalis na ako dahil nais raw akong makitang muli ni paring alejandro" tumango nalamang siya tumaliko0d na ko at umalis.


------


Pagkatapos ng misa ay lumapit saamin si paring alejandro, halata ang pagkabalisa sa aking ina,ngayon ko lamang nakita siyang ganito,hindi ko mawari kung bakit? " Remedios! Buenos Dias!(Good MOrning!) siya na ba ang si Florante Clara Visitacion ang inyong bunsong anak? aba'y parang kailan lang at bata pa ito ngayon ay dalaga na!" pamumuri ni paring alejandro.

""o-o-Opo paring alejandro siya na nga po ang aming bunso ni Ramon, kasama mo ba ang iyong pamangkin na si Dominador?, kung inyong mamarapatin nais kong makilala siya ng aking anak.." halata ng pangangatog ng boses ni ina.

"oo siya ay naririto saglit lamang at akin siyang ipapatawag" Nilingon siya ng isa sa kanyang mga tauhan tumango ito at umalis na ,maka-ilang saglit lamang ay may lalaking papalapit.. Matangkad ito, matitipuno ang kanyang mga Katawan, matangos ang kanyang ilong at mapupungay ang kanyang mga mata..

"Magandang umaga ginang remedios at sayo rin binibini" bahagya pa siyang humawak sa dibdib at yumuko tanda ng kanyang respeto..

Inilahad ko ang aking kamay ngunit laking pagtataka ko ng halata sakanya ang aking pagkagulat " Ako Nga pala Si Florante Clara Visitacion" Mas lalo ko pang inilahad ang kamay ko ngunit yumuko lamang siya.

Nagulat ako ng tinapik ni ina ang aking kamay dahilan para maibaba ko yun at " Florante! alam mo bang mahigpit na ipinagbabawal na bawal mahawakan ng isang lalaki ang isang babae!" Lumingon siya kay Ginoong Dominador at "Paumanhin sa inasal ng aking anak."

Natigilan ako sa kanyang sinabi at "Ipagpaumanhin mo sana ang aking maling iniasal, pasensya na kung ika'y aking napahiya"

"Ayos lamang binibining florante, ikaw pala ang sinasabi saakin ni Tiyo Alejandro labis-labis nga ang iyong ganda:" sagot naman ni Ginoong Dominador.


-----

"Ikaw pala diana... bakit ka naririto ano ang iyong sadya?" umupo siya saaking kama, siya ang aking nakakatandang kapatid kung ako ay Bente tres anyos siya naman ay bente singko na..

"Balita kop'y nagkita raw kayo ni Ginoong Dominador?" tanong niya sakin.

"OO, ngunit mali ang aking inasal masyado ko siyang napahiya "

"OO nga pala nakita kitang kausap mo si Mang kiko ano ang inyong napag-usapan?" may kursinidad sa tono ng boses niya.....

"Napag-usapan lamamng namin ang kanyang anak na si Arthuro lubos pala ang bait ng kanyang anak" pamumuri ko pa.

"Florante! Huwag mong sabihin na may nais ka sa isang hamak na hardinero!?" medyo napalakas pa ang kanyang sigaw..

"Wala ,nais ko lamang siyang makilala"

"Siguraduhin mo lamang dahil kung malalaman yan ni ina siguradong hindi niya nanaisin" pagbabanta naman niya..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now