HIGHSCHOOL TO COLLEGE
Alam ko marami satin nung highschool uso satin ang crush, puppy love, yung tipong mala gangster pa nga yung iba ee, tapos yung president niyong pasimuno ng gulo. Kung sino pa ang classroom officer sila pa yung mga gago at kupal sa classroom. Highschool days there's a lot of memories to be cherished! I know first year highschool tayo noon, halos wala pa tayong kilala pero sa kalagitnaan nang taon, close na tayong lahat, nagsasabihan kung sino ang crush, kung ano section ni crush, tapos nauso pa nga yung GM noon, ewan lang kung hanggang ngayon uso pa rin yon, yung Group Message (GM) o di kaya Group Text (GT), karamihan sa atin may aakyat ng pader kapag naboboring sa klase o gustong umuwi or also known as Over The Bakod. May teacher kang mahilig magpa quiz pero di naman nagtuturo o hindi naman tinuro ang pina-quiz. May teacher na mahilig magpa report, kase tamad magturo. May teacher na binasa lang ang topic pero wala man lang extra explanation sa topic kung ano nakalagay yon lang ang binasa tapos sasabihin sa dulo GETS NIYO BA GUYS? NAIINTINDIHAN NIYO BA? Oh diba yan lang karaniwang maririnig mo sa ilang mga guro. Highschool days or mas kilala sa JEJE DAYS. Masaya diba? Alam ko marami kang namimiss nung highschool ka. Kaya ikaw na nagbabasa nito na highschool palang, gawin mong memorable ang bawat araw, dahil mabilis lang ang takbo ng bawat segundo, pahalagahan mo lalo na ang Junior/Senior Promenade mo, may iba kinikilig sa scourt nila. Pero wag kayo gumaya sa mga ibang students na after ng JS Prom. Ay hindi na papasok dahil nabuntis. Wag ganun guys, isipin niyo ang parents niyo 😊 Oh ayan may payo ako sainyo, wag sana kayong ma Offend sakin dahil alam ko ang hirap ng buhay, maswerte kana kung marangya ang buhay niyo 😊
Ang ibang nakalagay dito ay hango sa aking karanasan at ang iba at kathang isip lamang.
Ako nga pala si Natalya, Isang fourth year college student, ang kinukuha kong kurso ay Business Administration major in Financial Management, masaya kasi malapit na akong makapag tapos ng kolehiyo.
Naglalakad ako dito sa loob ng unibersidad maaga pa naman 7:45am pa naman at mamayang 9:00am pa ang klase ko, habang naglalakad ako, diko alam na napadpad na pala ako sa harap ng gym, kaya napag pasyahan kong pumunta sa taas ng gym na to, sariwa ang hangin katamtaman lang ang init ng panahon, sa paglibot ng paningin ko may nakakuha sakin ng atensyon, dalawang taong kumakain, nagtatawanan, at makikita mong masaya sila, nasa canteen sila nag uumagahan siguro. Base sa uniform nila ay sila ay mga highschool palang, masaya sila na akala mo sila na hanggang dulo.
"Goodmorning mahal, sawakas umaga na at nakita ulit kita namiss kita"
"Goodmorning too mahal, nako umagang umaga nambobola ka nanaman"
"Umalis nga kayo sa harapan ko, nakaka langgam kayo. Umagang umaga eh noh!"
"HAHAHAHA. Mainggit ka bro!"
"Wag mo ng tignan kong alam mong masasaktan ka lang"
Nabalik ako sa realidad ng may narinig akong boses, nilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng gym ngunit walang tao, siguro nga guni-guni ko lang yon. Tumayo nako at kinuha ang bag ko, sabay may nahulog na bagay. Tumingin ako sa baba at nakita ko ang isang panyo na may maliit na papel, pinulot ko yon at binasa ang laman papel
"just cry until the pain is over" kinapa ko ang mukha ko at doon ko napagtanto na umiyak pala ako. Ginamit ko nalang ang panyo na nahulog muna sa bag ko, Thanks to Unknown Guy!Bumaba na ako ng gym at naglakad na papuntang classroom.
"Natalya baotina, sandali lang" Isang sigaw mula sa babaeng kilalang kilala ko. Kaya tumigil ako at hinintay siya.
"Wooaaah! Ano na late na ba tayo?" May kaabnormalan din itong babaeng ito eh, kitang magkasama kami, tatanongin pa ako. Ewan ko sa babaeng to.
"Naka shabu ka ba marya? Sabihin mo lang ibabala kita pabalik sa rehab mo!" Bulyaw ko sakanya. Pero tumawa lang siya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad dahil late na kami ng 10mins. Sa klase, hayys. Financial Management pa naman first subject namin.
"Goodmorning Ma'am" sabay na bati namin ni marya sa guro namin at ngumiti lang siya samin.
Okay lang malate ngayon kasi First day palang naman ee.
"Ravena, saan tayo kakain mamaya?" Tanong ko don sa isang kasama namin.
"Abah! Natalya kakapasok mo palang yan na agad tanong mo? Di mo ba kami kakamustahin?" Tanong ni Adarna
"Food is Life!" Pagtataray ko sakanya
Bawal magutom ee, nakakamatay kaya tapos pag nagpalipas ka ng gutom magkakasakit ka hanggang sa mamatay kana.
"Kamusta Bakasyon mga bakla" tanong ni adarna
"Bitin" sabi ni ravena
"kulang" sabi ni mich
"Ay animas, bitin kulang nako!" sabi ni marya
Yung totoo? Pinaghatian ba nila sinabi ni marya? -,-"
"Natalya babe, ikaw kamusta na?" tanong ni marya
Ganyan siya ka abnormal kung ano ano nalang sinasabi niya.
"Okay naman, wala naman akong sakit ee" sabi ko sakanya.
"Bes, yung about sa----"
"Okay na yon." Tipid na sabat at putol ko sa sasabihin ni ravena
Tinignan nila akong lahat, kaya tumawa nalang ako. Okay naman talaga ako napaka Energetic ko nga ee.
Masaya nga ako kasi isang sem nalang graduate na ako ee.
To be continue --
**-**-**
Hello! Kamusta? Nako! Ingat-ingat ho kayo ha. 😊 Godbless!