x

6.6K 331 170
                                    



WARNING: 

The following content contains elements that are not suitable for young readers.

---

May 21, 2018
10:34

"Noong hinawakan nila ang ari mo, nagpumiglas ka ba?"

Hindi na ako nakapagsalita sa huling tanong ng pulis. Lumingon ako sa nanay ko na katabi ko lamang at umiling ako nang umiling habang patuloy akong umiiyak.

Sa pagkakataon na iyon ay umalis na kami at napagpasyahan na umuwi na lang.

Tuloy-tuloy ako sa loob ng kwarto ko. Nagtalukbong ako sa ilalim ng kumot.

Tanging luha lamang ang nararamdaman ko sa aking mukha. Sa bawat segundo... sa bawat minuto.. naalala ko ang gabing iyon.

Mariin akong pumikit at marahas na pinagsusuntok ang aking ulo.

Gusto kong makalimot... gusto kong mawala na lang ang alaala kong iyon...

Agad kong narinig ang pagbukas ng pintuan at ikinulong ako sa bisig ni nanay. Mahigpit niya akong yakap habang siya ay umiiyak din.

Ngunit patuloy na bumabalik ang bawat memorya ko ng gabing iyon. Ang mga ngisi ng mga lalaking bumaboy sa akin. Ang bawat paghaplos at paghawak nila sa hubad kong katawan. Ang bawat marahas at nagpupumilit nilang halik. Ang pagbaboy nila sa mga maseselang parte ng katawan ko. At ang pagpasa-pasa sa akin na para bang isa akong buto.

"M-Mama... binaboy nila ako. Binaboy nila ako..." Paulit-ulit kong bulong habang patuloy pa rin ang pagwawala ko.

Ngunit hindi natitinag ang aking ina sa pagyakap sa akin. Kasama ko, lumuha at nasasaktan din siya.

Nakarinig ako ng yabag ng mga paa. Papalapit sa amin ngayon si Papa. Punong-puno ng hinagpis ang kanyang mga mata at sa ilang sandali lang ay yakap-yakap niya ako.

"Angel... anak... magbabayad sila. Magbabayad sila sa ginawa nila sa'yo."

---

May 17, 2018
15:03

"Angel! Tara sama ka mamaya. Shot tayo dun sa bagong apartment nina Kris. Nasa bakasyon ang parents niya kaya libreng libre." Wika ni Pao habang papalapit siya sa akin.

"Oo nga, we know that you're single again since Mark broke up with you two days ago. Wala nang magbabawal sa'yo kaya let's go." Dagdag naman ni Seph, ang bestfriend ni Pao.

Lima silang lalaki na magbabarkada. Si Pao, Seph, Kris, Tommy at Renz. Kasama ko sila since grade school pa lamang.  Hanggang ngayong senior highschool students kami ay matatag pa rin ang pagkakaibigan namin.

Lingid sa kaalaman ng parents ko, maaga akong natutong uminom ng alak. Dahil sa puro lalaki ang nakakasama ko, ang trip nila ay naging trip ko rin.

All these years, masaya kaming nagkukwentuhan sa tuwing may ganitong hang-out. Ang hindi ko alam ay ang mangyayari ngayong gabi ang tatapos sa lahat ng maliligayang araw ko...

May 17, 2018
20:47

"Shot na!" Nakangiting sambit ni Renz habang ibinibigay sa akin ang shot glass.

Nasa loob kami ng apartment nina Kris. Sa ngayon, tanging ako lamang ang babae ngunit ang sabi nila ay susunod si Lara, ang girlfriend ni Kris.

HELPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon