Ceejay's POV
Nasan na ba yun? aaiisshh!Tumayo na ako sa pagkakaupo ko para halughugin ang buong room. Never pa akong hindi napasa ng assignment kaya I need to keep my record clean, and I'm also running for valedectorian.
"Okay class, please settle down" Sabi ni ma'am Manlapas
Bahala sya jan sa buhay nya, kailangan ko talaga mahanap yung assignment ko.
Naapakan ko yung mga paa ng iba kong kaklase pero bahala sila sa buhay nila, malayo naman sa bituka nila yung paa nila eh
"Miss Latosquin! What are you doing?! To the detention room, now!" WHAT?! ANONG DETENTION ROOM?!
"But-" Bastos tong teacher na to di ako pinapatapos magsalita
"No buts or else I'll drop you!" Grabe! Drop agad?
Habang kinukuha ko yung mga gamit ko binulungan ako ni Claire
"Ceejay, okay lang yan. Ganyan talaga ang buhay ng highschool student" *sigh* tumango nalang ako as response sa mga sinabi nya
Lumabas na ako ng room at parang zombie na naglalakad sa hallway papuntang detention room. Pinagtitinginan na nga ako ng mga ibang estudyante eh
Pumasok ako sa loob ng detention room at binagsak ang bag ko sa isang sulok at umupo na ako
"Nakadrugs ba sya?"
"Mukhang adik, kaya siguro sya pinapunta dito"
"Oo nga, nakadrugs.. Tignan mo naman nagmumukha ng zombie"
"Pero hindi pwede si CEEJAY yan, santa kaya yan pagdating sa acad."
Hay buhay parang life! Sino ba kasing kutong lupa ang kumuha ng assignment ko? Nako talaga, kapag nalaman ko lang talaga kung sino kumuha nun ililibing ko ng buhay!
Tristan's POV
Yes! May assignment na ako hahaha!
"Himala! Gumawa ka ata ng assignment" Sabi sakin ni Joseph
"Meron akong assignment pero hindi ako yung gumawa haha!" Tumawa ako habang nakatingin parin sa papel.
Hmm, Ceejay Latosquin.. Teka sya ba yung running for veledectorian ng 3rd year? Haha! Nakabulls eye pa pala ako ng nakuhaan ng assignment!
"P*TA! Aray!" May clumsy kasing babaeng nakaapak ng paa ko, hindi manlang sya nagsorry -_-
Si Ceejay? Siguro hinahanap nya yung assignment nya, how so sad for you miss Latosquin nasa akin na ang assignment mo!
"Okay class, please settle down" Sabi ni ma'am Manlapas, pero parang walang narinig si Ceejay at tuloy parin ang pagahahanap
Naguusok na yung ilong at tenga ni ma'am onti nalang at uusok narin ang mata nyan! HAHA!
"Miss Latosquin! What are you doing?! To the detention room, now!" Parang nakita ni Ceejay si godzilla nung tinawag sya ni ma'am
Kawawa naman sya, dapat kasi tinatago nya ng maigi yung papel nya.. Tsk, tsk
"But-" Sasagot pa sana ni Ceejay pero hindi na sya pinatapos ni ma'am Manlapas
"No buts or else I'll drop you!" Halos maiyak na si Ceejay, pero pinipigil nya lang. Mukha tuloy syang lobo na gusto nang sumabog ahaha!
Inayos na ni Ceejay yung bag nya at lumabas, latang lata sya sa mga nangyari.. Parang hindi sya makapaniwala
"Grabe ka tol! Si Ceejay pa talaga yung naisipan mong kuhaan ng assignment.. Alam mo bang hindi lang matalino yan sadista pa kaya maghanda ka na kung malaman nyang ikaw kumuha ng assignment nya" Bulong sakin ni joseph
Para namang matatakot ako jan sa Ceejay na yan. Baka nga isang pitik ko lang jan tumalasik na yan papuntang mars
"Okay class, please pass your assignment now" Sabi ni ma'am Manlapas "Wala na bang hahabol? Okay, magrarandom pick ako tapos dapat you'll disscuss kung ano ang nilalaman ng assignment nyo" O__O Ganyan yung itsura ko after nung mga sinabi ni ma'am, akala ko tuloy tuloy na yung swerte ko di pa pala!
"Who wants to volunteer? Please raise your hand" Magvolunteer na kayo please!
Kanalabit ko yung babae na nasa harap ko "Miss, volunteer ka naman oh.. PLEASE! *wink*" Nagulat sya nung nagwink ako hahaha parang ngayon lang sya nakakita ng anghel!
"Ma'am! ako po" Sigaw nung babaeng kinalabit ko
"Sige, so te- *boogsh*" Biglang kumalabog yung pintuan! Tapos nakita namin si.. si.. ahh si Ceemae yun tama!
Galit na galit yung itsura nya parang gustong mangain na hindi mo maintindihan.
"MISS LATOSQUIN! wHAT ARE YOU DOING HERE? PANO KA NAKAALIS SA DETENTION ROOM?! AND CAN'T YOU SEE? YOU'RE DISTURBING OUR CLASS?!" Mala-dragon na sabi ni ma'am
Naglakad lang si Ceemae papunta sa desk ni ma'am na parang walanang narinig, hinalungakat nya yung mga assignment parang may hinahanap! Patay! hinahanap nya yung assignment nya!
May hinugot syang isang papel at itinapat sa mukha ni ma'am
"Ma'am assignment ko po yan! Buti nalang at may nagpasa, yan po yung hinahanap ko kanina kaya please po! Pabalikin nyo po ako sa class nyo! PLEASE!!" Tinignan lang ni ma'am si Ceemae na parang nagtataka
"Huh? But that's not your assignment, it's Mr. Tristan Espinosa's" Onti-onting hinarap ni Ceemae yung papel sa mukha nya hahaha mukha syang naluge
Humarap samin si Ceemae "SINO TONG TRISTAN ESPINOSA NA TO? KAPAG DI NYO SYA TINURO LAHAT KAYO MAKAKALBO!" Wew! Sadista nga tong babaeng to!
Lahat ng mga kakalse namin nagtinginan sakin at sabay turo! Kahit yung mga chikababes ko tinuro ako, ganun ba talaga sila katakot sa ceemae na to?!
Lumapit sakin si ceemae at kinuha yung notebook na nasa desk ko
"Ma'am! tignan mo nga! Parehas ba yung sulat namin? Tignan mo, parang kinayod ng manok tong sulat nya!" Napasapo nalang sa ulo si ma'am
"Mr. Espinosa, pwede bang magsorry ka kay miss Latosquin? Or else papatawag ko magulang mo!" Damn! Hindi pwede malaman to nila mom!
Tumayo ako at humarap sakin si ceemae
"So-sorry Ceemae" Pagkasabi ko nun bigla nalang sumakit yung pisngi ko, shit! Sinampal nya ako!
"Ulitin mo pang kunin yung assignment ko at mas malala pa jan magagawa ko sayo, at hindi CEEMAE ang pangalan ko! CEE-JAY!" At hinagis nya sakin yung notebook ko
Bumalik sya sa upuan nya at nakangiti na ulit sya, parang walang nangyari
Humanda ka talaga sakin Ceemae este Ceejay.. Makikita mo!
A/N Waaahh! ang saya ko ^_^ kaya nagUD ako, gusto nyo malaman kung bakit? Kasi Pang #57 tayo sa teen fiction at #77 sa humor! Kaya please! Keep on supporting -Kaaaaaaaaa
BINABASA MO ANG
The deal
RomanceI'm brave, I'm strong, I'm smart, I'm an idol and I'm not stupid para tamaan ni kupido at mahulog sa isang lalaki na sa huli ay iiwan at sasaktan rin naman ako.. Sana nga dumating ang panahon na ang mga lalaki naman ang nasasaktan kasi mas masaya pa...