PROLOGUE

31 1 0
                                    

Woodsville

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Woodsville.

Sa aking palagay, halos bawat isang nakatira rito ay mayroon lamang isang pangarap—ang makatakas sa lugar na ito.

Don't get me wrong. I am not giving the notion na hindi magandang tumira sa lugar namin. Quite frankly, Woodsville is a good place to settle down. Tahimik. Hindi masyadong matao. Ito ang tipo ng lugar kung saan kilala ng lahat ang bawat isa, isang lugar na lahat ay alam ang bawat kwento na nagaganap sa bawat bahay, isang lugar kung saan alam ng lahat ang lahat. Isama pa ang kagandahan ng lugar. Mapuno. Walang masyadong naglalakihang establisyemento tulad ng sa syudad. Dahil rin sa mga puno, laging presko at mabango ang simoy ng hangin. And most days, like today, mahamog ang paligid.

And that is its problem. It's too quiet. Too serene. Too calm.

The kind of place that people who lacks dream and ambition chooses to stay in, the kind of place people go to settle in when they get tired of living.

I don't want a simple life. With that, I am sure of.

Maga-alasais pa lang. Masaydo pang maaga. Usually, mga nasa ten na kung gumising ako. But today, I had the feeling that I have to get up early.

And I did.

Napagdesisyunan ko ng mag-jogging muna. It's not a big town. I reached the Governors's Hall in twenty minutes. Five more minutes and I'll be at the University. And then another three, I would get at the park.

Sa aking pagtakbo, nakasalubong ko si Mang Lusing. He's the oldest in this town. Kalbo. And despite his age, maporma parin siya. Today, he was wearing a black pole, the first three buttons left undone, his hair pulled back with the help of pomade, and he wore khaki shorts paired with black Nike shoes.

He smiled at me.

Tumigil kami muna pareho saglit. Tinanggal ko ang nakasalampak na earphone sa tenga ko.

"Maaga ka ata ngayon?" He sounded surprised.

Just like my mom.

Ngumiti ako pabalik. "Ah opo. Gusto ko ng baguhin ang lifestyle ko. Para gumanda katawan ko." Nag-flex pa ako ng braso para sa effect.

I earned a laugh with that. "Ay naku, iho. Tama 'yan, habang bata ka pa, habang kaya pa ng katawan mo, gawin mo na ang mga ganitong bagay. Kapag tumanda ka na, mahihirapan ka na na gawin ang mga gusto mo."

I think it's a little bit early for a sermon. But still, I have to be polite.

"Eh, bakit ho kayo? Tanda niyo na pero malakas parin?"

That was supposed to be a joke. But his eyes were tinkling. I let it pass. Ang totoo niyan, it takes him at least an hour to reach the park, and then another to his home.

Tumawa si Mang Lusing ng malakas. "Ai naku, biniro mo pa ako. Pero oo, healthy pa ako at habulin parin. Aheheh... Ilang taon ka na pala?"

"Ah..mage-eighteen po."

Tumango lang siya. Hindi ko na alam kung ano pa ang mga sumunod na ikinuwento niya. Basta patungkol sa kabataan niya.

I was beginning to feel impatient. Napakamot na lang ako ng ulo."Ah, sige Mang Lusing. Una na po ako."

Hindi ko na siya hinintay na makasagot. Nauna na ulit ako na tumakbo.

Nagsound-trip ulit ako. Pinapakinggan ko ang ang kanta ng Imagine Dragons na Believer. Tuwing umaga, o basta may lakad ako, nagsa-soundtrip lang ako ng Imagine Dragons. Ewan ko, basta nakikinig ako sa mga kanta nila, naha-high ako. Nagiging hype kumbaga. Mas nagaganahan ako.

Mayamaya, nakarating narin ako sa park.

Umupo muna ako sa isa sa mga bench at pinunasan ang pawis ko. Despite the humid temperature, I found myself covered with thick, irritating sweat.

This is the moment you realize you shouldn't have done something. Hindi naman ako pala-exercise na tao so medyo naninibago katawan ko. Siguro.

Patuloy parin sa pagkanta si Dan Reynolds sa background. Nagmoment muna ako at inirelax ang sarili habang pilit na hinahabol ang aking hininga.

Tumigin ako sa orasan ko. 6:18.

Pinagmasdan ko ang park. May iilan naring mga tao ang nandirito. Hindi kalakihan. Pero sapat na ito sa populasyon ng Woodsville. In fact, sobra pa.

Habang nakikinig ako ng music, pinanood ko ang mga tao. Yung iba, nagja-jogging rin. Maya't-maya ang pagkaway ko.

Hanggang nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na mukha. Kumalabog ang puso. Napapikit ako. Ano ba, Ji! Sita ko sa sarili ko. Ang exaggerated talaga ng reaksyon ko sa tuwing nakikita ko siya.

Sinubukan kong iiwas ang mga mata ko. Pero taksil sila. Ewan ko ba, pero tila may mga magnet na pilit na hinihila ang mga mata ko na sumulyap ulit.

Hindi na ako nakapagpigil pa. Nilingon ko ulit ang direksyon niya. Medyo malayo pa siya pero malinaw pa sa naka-eye glasses ang paningin ko.

Ang itim niyang buhok ay basa na sa pawis. Tumutulo narin ito sa noo niya patungo sa katawan niya. For a moment, I wanted to know how it feels like when my hands wipe those sweat...for my hands to touch his body.

Napalunok ako.

My eyes wandered. To his eyes, to his perfect nose, to his perfect lips. God, those lips. I didn't stop. I couldn't stop. My eyes continued to ravish him. Nakasando lang siya kaya't kitang-kita ko ang malalaki at matitigas niyang biceps. And despite the fabric covering his stomach, I swear I could almost see through it and see those thick, hard abs.

And then my eyes went farther down, to a place it shouldn't be.

His bulge.

My throat went dry.

And then I could feel him staring at me.

Shoot!

Mabuti at mabilis kong nabawi ang atensyon ko.

Awkward kong itinaas ang kamay ko at kumaway sa kanya. Umakto ako na inosente.

Nakita niya kaya ang malisyoso kong mga tingtin? Patay. Ito ang nanapala ng malalandi!

How could I have been so stupid? Staring blatantly at him? In a public place, that is!

Akala ko nabuking na niya ako. Tinalo pa ng tibok ng puso ko ang bilis ng takbo ng cheetah. Pumipilintig ang bawat ugat sa katawan ko sa kaba.

Ngumiti lang siya at kumaway pabalik. Pero nakataas ang mga kilay niya. Patay! 'Yun na 'yun. Bubugbugin na niya ako!

And then dumating si Marie. Ang girlfriend niya. Nagusap sila sandal. Kinuha ni Shaun ang gamit ni Marie. And then they left without a second look.

Thank goodness. I felt relief rushing through my veins. Ito ang unang pagkakataon na natuwa ako sa presensya ni Marie.

Si Shaun Joaquin. Ang isa sa mga basketball players ng maliit naming university. Ang pinakagwapo sa lugar na ito. Ang totoo niyan, siya lang ang tanging dahilan kung bakit natitiis ko parin ang manatili sa Woodsville.

Pero hindi niya pwedeng malaman na may gusto ako sa kanya.

Hindi niya magugustuhan.

Dahil pareho kaming lalaki.

****

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Catch The WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon