Chapter Two

3 0 0
                                    


Happy reading guys !!

Sana'y magustuhan nyo po ito.

∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

Meimi POV

Pag dating ko sa paaralan ay agad akong naglakad papasok ng academya.

Saint Tailor Academy ay matatagpuan sa gilid ng bansang Japan.

Hindi basta basta ang pagpasok sa Saint Tailor Academy kung wala kang kapit sa mga founder's ng islang ito.

Hindi ito makikita sa labas ng mundo dahil sa liit nito. Hindi rin ito basta basta matatagpuan ng mga taong naglalayag sa dagat dahil sa malakas na alon , makakapal na fog at may mga malalaki at mababangis na pating na lumilibot rito.

"Meimi !!",

Napalingon ako sa aking likod ng narinig ko ang tinig ni Sierra Ridge.

Ang nag iisang kaibigan ko rito sa academya.

May maputing balat , mala anghel na mata na kakulay ng asul na kalangitan , matangos na I long at mapupulang labi.

" meimi ... Bakit Hindi mo ako hinintay ..", nakapuot nitong sabi sa akin sabay angkla ng bisig nito sa aking bisig.

"Malalate ako kapag hinintay pa kita..", saad ko naman na lalong ikinasimangot nya.

" meanie..",bulong nito na rinig ko naman.

Pagkarating namin sa silid aralan ay agad kaming dumiretso sa aming upuan.

Column A last row ako naka upo habang si Sierra ay nasa unahan ko.

"Good morning class ..", bati ni sister Marie na may manipis na salamin na nakasuot sa mukha at may laging dala dalang kalahating pulgada na stick o dalawang ruler ang taas.

" Good morning sister Marie",tayong bati namin nito.

Devil Queen's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon