"Isang nakakasilaw na ilaw ang tumunghad sa akin, habang ako ay nag hahanap at sumisigaw ng tulong." Hihikbi-hikbi ako, di ko mapigilan ang tulo ng aking mga luha at sadyang pipilay pilay na akong mag lakad.
"Hija, Anong ginagawa mo dito sa bukid ng ganitong oras ? Masyado ng malalim ang gabi aa. Hindi ka ba hinahanap sa inyo ? Saan ka ba nanggaling ? " Hindi ko ba alam kung lecture to o sadyang sunod-sunod lang siyang mag tanong kapag natataranta siya. By the way ang nag tatanong nga pala ay isang pulis.
"Tulong po. " Pahikbi kong sagot.
"Sige, Hija, sumama ka sa akin, may ilang katanungan lang ako na iyong sasagutin. " Aba at hindi nag pahuli sa Buzz ng Bayan ang pulis na ito, at kailangan pa ng interview. Sino ba to si Boy Abunda. ?
*********
"Sige, Hija, anong pangalan mo ? Anong pangalan ng mga magulang mo ? San ka ba nakatira ? Pano ka napadpad dito ? At sinong kasama mong pumunta dito ? " At umusbong na naman ang pag kataranta niya.
"Ako nga pala si Ma. Christina Villareal anak nina Mr. Lito Villareal at Mrs. Rita Villareal na nakatira sa isang eksklusibong Vilage sa Makati, ang Bright Sun Village. "
"Pano ka naman napadpad dito, Chris--
"Christina po." Pag papatuloy ko.
"Kung pano po ako napadpad dito ay dahil sa mga kaibigan ko, sa una ayaw ko pero, napilit po nila ako. *huk* Hmmmmmm..... *huk* Hmmmmmmm.......
"Bakit ka naiyak Christina ? "
"May isang malagim na pangyayari ang nangyari sa mga kaibigan ko, isang karumal dumal, malagim at naka.... *huk* ka..... *huk* ta..... *huk* kot....... na *huk* pangyayari."
"Sige Christina ikwento mo, simulan mo sa umpisa. "
BINABASA MO ANG
SASAMA KA PA BA ?
HorrorSadyang may mga bagay na hindi naipapaliwanag, na ang tanging ebidensya ay kung ano lang ang iyong nakita, kailangan mo itong pag-isipan ng maigi, kung hindi ikaw ang MAPAPAHAMAK............