Chapter 27: Akin Ka

3.7K 163 11
                                    


BLUE'S POV:

      Walang sinuman kahit ang sarili ko ang makakapag-paliwanag kung anong damdamin ang lumukob sa akin. Halu-halo. Saya o mas tamang sabihing ligaya dahil sa nakapaloob ako sa bisig ni Ocean habang ninanamnam ang kahulugan ng kanyang awit.

        Patungkol man sa akin o sa kanya, sa sarili ko ay alam ko ring hindi na ako magmamahal pa ng katulad sa pagmamahal ko sa kanya. Mahirap man sa estado ko pero gagawin ko ang lahat manatili lang siya sa buhay ko.

        I was touched by her gesture, kissing my tears away - a heavenly feeling that forever she will be there for me. 'Yon ang isa sa mga dahilan kumbakit ako naiyak - hindi ako magiging gano'n laging available para sa kanya.

         Dumaan sa isip ko ang mga nakaraan niyang paghihintay sa akin at ang mga dadaanin pa niyang pag-titiis sa piling ko. Pero heto si Ocean,
kaharap ko, kasama ko at pareho naming sinasamantala ang pagkakataong katulad nito.

         "Akala ko'y ako na ang iyakin, mas pala ikaw," sabi niya sabay pahid pa ng likod ng palad niya sa pisngi ko. Napahikbi ako.

         "Ikaw kasi, nadala ako masyado sa kanta mo. Dalawa lang naman tayo rito, ginalingan mo pa, kainis!" Mahina kong tinampal ang balikat niya. "Drama-drama natin, matulog na nga tayo," sabi ko ulit.

          Nahiga na kami sa aking customized bed sa sahig, he! He! Naintindihan ko naman ang rason ni Ocean kung bakit ayaw niya sa kama namin mahiga. Basta lahat ng patungkol sa pagiging may asawa ko na ikaka-asiwa ni Ocean ay ayokong pag-usapan or gagawan ko na agad ng paraan.

         "Komportable ka ba Hon?" tanong ko sa kanya. Nakaunan ang ulo niya sa kanang braso ko habang malayang humahaplos ang kaliwa kong braso ko sa arms niya pababa ng  beywang niya. Her face resting on my chest.

       "Sa lambot ba naman ng dede mo daig ko pa nasa kutson, ha! hah! hah!" biro niya atsaka lalo niyang binaon ang mukha niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

       "Sa lambot ba naman ng dede mo daig ko pa nasa kutson, ha! hah! hah!" biro niya atsaka lalo niyang binaon ang mukha niya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nag-iinit ako sa posisyon namin. Inaamin ko, inaamin ko na banyaga lahat ang nararamdaman ko sa tuwing ganito kami ka-intimate. Di ko maexplain.

      "Baliw ka Shan, kulit mo," sagot ko sabay hinigpitan ko ang yakap sa kanya hanggang magreklamo na siyang hindi makahinga.

      "Booh mahal mo ba ako? Hindi na ako makahinga, wait lang. You want me dead? Ha, ha!"
     "Kagigil ka kasi," sagot ko at niluwagan ko na ang yakap ko sa kanya. Iba na kasi ang nararamdaman kong init.

       Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Marami akong gustong sabihin at tanungin pero pinili ko na lang tumahimik para namnamin ang sandalng ito. Si Ocean na ang unang nagsalita.

      "Booh, huwag mo akong iiwan. Hindi ko kaya," para syang bata. Hindi ako kumibo. Nanatili lang akong nakapikit habang hinahagod ko ang likod niya.

 Blue OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon