Quenchie's POV"President Kench !!!"
malakas na sigaw ni Caillin habang tumatakbong naghihingalo papunta sa akin.
"Bakit ? "
walang kaemo-emosyong tanong ko kay Caillin ."President Kench..." naghihingalong panimula nya kaya inabutan ko sya ng mineral water , wala paring emosyon at di ko rin sya tinignan dahil busy ako sa mga paggawa ng proposals para sa gaganapin na IWGUHW Celebration sa susunod na Lunes.
"So , Ano na ?"
walang emosyong tanong ko sa kanya at naghihintay na sabihin nya sa akin yung itinakbo nya ."Kailangan na daw mamaya ni Madam Von ang mga proposal para sa activities na ipapaganap natin para sa IWGUHW Celebration , at tinatawag ka ng Principal para i-present na dw ang mga plano mo ... "
Putik na'to talaga."Nasaan ba kasi si Trina , gawain nya 'to diba ? , iniloklok sya na secretary sa Asosasyong ito para gawin ang mga ganitong gawain at , hindi para rumampa jan sa buong Unibersidad at ipangalandakang secretary sya ng SHSA . Sa tingin ba nya'y napakataas na nya ?! ni wala nga yata syang naitutulong dito eh " nanggigil na sabi ko kay Caillin
"Pasensya na President Kench , hindi ko rin alam kung saang lupalop ng Unibersidad na 'to rumarampa si Trina . Kanina pa nga namin sya hinahanap para sana tulungan niya kami sa pag ayos ng mga Rooms tsaka ng Courts & Gyms na gagamitin sa Selebrasyon kaso di talaga namin mahagilap eh " aniya.
"So , Caillin , handa na ba ang mga Rooms at , Courts & Gyms na gagamitin ?" tanong ko sa kanya .
"Hindi pa po President Kench pero malapit na " sagot ni Caillin .
"O , cge tapusin nyo na yun " pag-uutos ko sa kanya
, "at tatapusin ko na rin 'to . Pagkatapos kong ipasa itong mga proposals at maipresent itong Power Point , susunod ako" pagpapa-alam ko sa kanya .
"Punta na po ako President Kench" paalam ni Caillin sa akin at tumango na lang ako bilang sagot.
By the way , I'm Quenchie Vynnarie Zoldyck , President of SHSA o Supreme Highest Students Association sa WGU o World's Genuis University .
Busy kami ngayon dahil sa gaganaping IWGUHW o INTERNATIONAL -
WORLD GENUIS UNIVERSITY- HONORABLE WEEK. Celebration kung saan lahat ng pinakamatatalino sa iba't ibang bansa na nag-aaral sa WGU ay magtitipon-tipon para bigyang dangal ang mga istudyanteng may mataas na IQ at may malaking kontribusyon sa bansang kanilang pinanggalingan , pupunta sila WGU Php. dahil dito napiling i-celebrate ang selebrasyon.Ang WGU ay isang Unibersidad para sa matatalinong kabataan na may impluwensyang maging isang magaling na leader sa hinaharap. Magkakaroon kayo ng sh*t assignments sa paaralang ito depende sa iyong kurso. In short , you'll be facing a real problem situation base on your course. Ang assignments na ipinagagawa nila ay di lang assignments na isinusulat sa papel , Kung anong pinag-aaralan mo yun ang gagawin mo . Literal na gagawin mo ang pinag-aaralan mo , hindi lang dito sa loob ng Unibersidad maging sa publikong lugar as long na may assignment ka doon , maari kang lumabas ngunit bawal kang magkwento tungkol sa loob ng WGU .
Itinatag ni William Washington noong 1908 ang WGU , hindi lang dito sa Pilipinas , maging sa New York , England , US , Nigeria , China , Korea , Japan , Paris , ect.. Parang lahat ata ng bansa merong WGU , pero sa pagkakaalam ko walang WGU sa African Continent , At Europe Continent . Hindi na daw nakaabot sa kanila ang pagpapatayo ng WGU dahil nawalan na ng lakas at hininga si Mr.Washington . Plano sana ni Mr.Washington na ipalaganap ang pagiging matalino , nais niya kasing gamitin ng mga tao ang kanilang talino upang umasenso ang iba't ibang bansa at magkaroon ng disiplinadong mamayan . At yun ang pinanghahawakan ng kanyang anak at apong sina Dr. Ashton Washington at, Prof. Charles Washington na kasalukuyang Principal ng WGU States.
BINABASA MO ANG
An Imagination
Teen FictionNaniniwala ba kayo na kontrolado ng ating mga utak lahat ? Pati puso ? Paano kung ang mga taong di naniniwala sa pag-ibig ay makaranas nito ? Mababago ba nito ang pagtingin nila sa pag-ibig ? Alamin sa sagot sa kwentong ito nila Quenchie at Jezzio...