Back Story

1 0 0
                                    

My story is not new, in fact it is common nowadays.
The story is about me, him, and her.
Yeah, may third party siya, di na bago ngayon yan. Marami nang nagloloko, mapababae o lalake pa.

Troy is a very good-looking guy. Medyo hawig niya si Coco Martin. Malakas ang dating. Magaling manamit. May kunting angas. Magandang mata at mapang-akit na ngiti. Matiks na katawan. Sa madaling salita, mukhang fuckboi. 😂

Inabot kami ng 2 years and 8 months saka ko nadiscover na 1 year na pala siyang may isa pang jinijowa.

Isang araw nun sa office, di masyadong busy kaya may time magcheck ng facebook. May usapan kami ni Troy na susunduin nya ako ng lunch para sabay kami kakain at kukunin ko yong motor ko sa kanila. Iniiwan ko kasi sa kanila yong motor ko pag may work-related travel ako na aabutin ng 1 week or more saka makakabalik.

Nakita kong nagnotif sakin yong bagong picture na pinost niya.
Ako kumuha ng pic na yon, nung nakaraang linggo na bumisita siya sa boarding house ko.
Cellphone ko gamit ko at sinend nya sa kanya.

Kuha ang buong katawan niya dun dahil pinakita nya sakin yong bago niyang biling polo.
Yon yong isusuot daw nya sa pagjudge ng isang beauty pageant next week.
Dahil dati na siyang sumasali sa mga Mr. And Ms. At Bikini open, kinukuha siyang judge palagi.
Gwapo nga kasi at ma-appeal.

Browsing through the comments, may nakita akong kakaibang comment:
"Gwapo naman ng mahal ko!"

Bigla akong kinabahan at natigilan.
Feeling ko namanhid ang katawan ko.

Nagsend ako ng message sa girl.

"Hi! Boyfriend mo ba si Troy?"

Mabilis ang reply ni girl.

"Yes."

Naramdaman ko ang unang gulit ng hapdi sa aking puso. Masakit pala talaga pag unang beses mong nalaman na niloko ka ng mahal mo.

"Kelan pa?" I replied.

"1 year na." She admitted.

Sakit. Napakasakit. Di ka lang niloko. Isang taon ka na palang ginagago.

"Ahh. Okay. Thanks" Sabi ko nalang. Wala naman na kasing dapat sabihin.

"Bakit? Sino ka ba? Babae ka ba niya?"

Nagreply ka pa ha. Dito uminit ang dugo ko.

"Technically speaking, ikaw ang kabit sating dalawa. Lampas 2 years na kami."

Kung babalikan ko ngayon yong lahat ng nangyari nung araw na yon. Medyo malabo na.
Binura ko na rin yong convo namin ni girl sa messenger. Nevertheless, I got the confirmation I needed.

Nung sinundo ako ni Troy that day, lumuluha ako habang nakaangkas sa motor niya.
Niyakap ko siya ng mahigpit nun kahit na hindi ko usually ginagawa yon kasi ayoko sabihin ng mga tao na PDA kami.
Pero nung araw na yon, di ko na magawang magtaas ng boses. Wala naman kasing silbi.

That day was the end of us. For me...

Nung makarating kami sa bahay nila, nag offer pa siya ng kape. Ganun siya palagi kasi alam niya yong hilig ko sa kape. Saka bonding na rin namin yon.

Nong araw na yon, first time kong tinanggihan ang alok niyang kape. Di ko malulunok. Di ko na kakayanin magtagal pa doon.

Iniayos niya yong motor ko para nakaharap na palabas at di ako mahirapan maya-maya.
Pinaandar niya na rin para uminit ang makina.
Alaga niya naman yong motor ko kaya lagi ko iniiwan sa kanya. Di kasi magandang nakastock ng matagal ang makina ng motor, dapat pinapaandar kahit once a day.

Umupo siya sa upuang kawayan sa may garahe nila.
Tinabihan ko siya doon.

"May ipapabasa ako sayo." Sabi ko.

Tumingin lang siya sakin. Walang ideya. Naghihintay.

Inabot ko sa kanya ang cellphone ko kung saan nakabukas yong convo namin ni girl.

Binasa niya lahat. Maigsi lang naman yon.
Confirmation na sila nga, na 1 year na sila, na may duda si Girl na may pinupuntahan daw si Troy.

Pinakiramdaman ko kung tapos niya nang basahin.

"Totoo ba?"

Yong feeling na naconfirm mo na pero gusto mo pa ring aminin niya.

"Babe" sabi niya sa nagmamakaawang tono.

Walang kasunod na sinabi.

"Okay. Gets ko na"

Kinuha ko ang cellphone ko at sumakay na sa motor ko. Umiiyak ako habang nagdadrive. Ang hirap nun. Kasi nanlalabo ang mata ko. Delikado. Pasalamat sa Diyos at di ako nadisgrasya. Di na ko pumasok sa opisina nung hapon. Sabi ko nalang sa kasama ko na masama ang pakiramdam ko. Which is partly true dahil halos magkasakit ako sa kakaiyak.

Kahit di niya kinumpirma, sapat na yong reaksyon niya bilang pag amin. Di niya maideny kasi totoo at buking na siya. Di niya maamin kasi takot siya sa sumbat ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Post Breakup ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon