"Kung masasaktan rin lang ako kung ako ay magmamahal, di bale na lang."
Pero hindi eh, nagmahal ako.
Minamahal ko siya.
At patuloy siyang mamahalin.
Alam kong may iba, ngunit hindi ko pa rin maturuan ang puso kong kalimutan siya, MANHID SIYA at MARTYR AKO. Eh anong magagawa ko? Minahal ko siya kahit masakit.
Noong una sabi ko hindi ako magmamahal, ayaw ko kasing matulad sa iba na sa huli naiiwan, ewan ko ba. Ang tanga ko, may mahal na nga, minamahal ko pa, best friend na nga kami; humihirit pa ng level up itong tanga kong puso.
Ganyan ako minamahal ng palihim ang Bestfriend ko.
I am my Bestfriend's Admirer
___________________________________
"Sarah!" Tawag pansin sa akin ng isang lalaki. Nag-angat ako ng mukha ko at nakita ko si Ken, best of friends ko, ang nagiisang lalaking mahalaga sa buhay ko bukod sa aking pamilya, nakasilip siya ngayon mula sa labas ng pintuan sa Classroom. Magkaiba kami ng section.
"Uy! Ken!" Sabi kong nakangiti.
"Ayieee! Si best friend-slash-crush nasa labas. Ayiee!" Tukso sa amin ng mga kaklase ko. Umirap lang ako.
"Ano ba? Manahimik nga kayo! Gumagawa kayo ng issue eh!" Singhal ko sa kanila.
"Ken, wait lang ayusin ko lang tong gamit ko." Sabi ko kay Ken at sinimulang ilagay sa bag ang mga nagkalat na notebooks sa armchair ko.
"Deny pa eh! Halata namang gusto niyo ang isa't-isa." Kutya ulit noong si Charles, isa sa kinaiinisan ko sa aking mga kaklase dahil lagi niya akong binubuko.
"TSS! Bilisan mo na lang, samahan mo pa ako sa locker room before tayo umuwi." May inis sa boses ni Ken noong sinabi niya iyan sa akin, ayaw kasi niyang inili-link kami sa isa't-isa at isa pa may gap silang dalawa ni Charles. 'I tell you a secret, maiinit ang dugo ni Ken kay Charles because they are half brother on father side, ang legal ay si Ken, walang nakakaalam tungkol doon maliban sa akin dahil magkaiba naman sila ng apelyedo, Charles is using his mother's surname.
"Oo, ito na po oh, andyan na." Kinuha ko ang bag ko at lumapit sa kanya.
"Tara na? Kath! Sabay Ka ba?" Tanong ko kay Katherine classmate ko siya at kaibigan rin namin ni Ken, but mas close sa akin si Kath kesa kay Ken.
"Hindi na. Una na kayo." Tanggi niya, ganyan siya sa tuwing alam niyang kasama ko si Ken, minsan iniisip ko binibigyan niya kaming dalawa ni Ken ng oras para magkasama.
"Okay. Bye!" Paalam ko.
Nagsimula na kaming magtungo sa locker room, alam ko kung ano sinadya namin dito.
Tumapat siya sa locker na may number 13 yun ang locker niya. Kinuha niya ang isang box ng home baked na cookies which is gawa ko. Every Friday nag-iiwan ako ng box of cookies na binake ko para sa kanya, may kalakip pa itong computerized letter galing sa akin para hindi mahalata ang penmanship ko. Gawain ko rin na every time I leave a letter I sealed it with a kiss mark, using my imported pink scented lipstick from Paris, padala sa akin ng ate ko.
"Sarah kita mo ito, may letter nanaman yung admirer ko pero ang nakasulat lang ay 'Have a nice week end. Take care always, I love you and I hope you will love the cookies. Mwah.'" Basa niya sa letter ko. Hindi niya alam na ako ang nagpapadala sa kanya ng lahat ng iyon. Pinapaiwan ko ito sa tulong ni Kath; siya lang ang tanging taong may alam na ako ang Admirer ng best friend. Kapag magkasama kami tyaka ko ipinapalagay sa kanya ang mga sulat at cookies for Ken para hindi siya makahalata.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Admirer
Teen Fiction"Kung masasaktan rin lang ako kung ako ay magmamahal, di bale na lang." Pero hindi eh, nagmahal ako. Minamahal ko siya. At patuloy siyang mamahalin.