"Umpisa"

28 1 10
                                    

Halos mapunit aking labi, sa dulot mong mga ngiti
"Mahal kita aking binibini" oh kay sarap marinig
O anong saya ang manatili lagi sa iyong tabi
Ngunit anong tamis ng sandaling 'di na maibabalik

Naglakbay tayo sa direksiyong 'di alam sa'n patungo
Paaulit ulit na nangangakong hindi ka lalayo
Mga maliliwanag at madidilim na daa'y ating nalampasan
Subalit sa pinakamadilim na daan, ako ay iyong iniwan

Nabulag ako sa labis na pagmamahal sa'yo
Nagising na ang lahat ay tuluyang nagbago
Sana nga ay palagi nalang umpisa
Dahil sa umpisa lang naman masaya

Dahil dumating nga sa puntong kinalimutan mo
Kung paano kita paulit ulit pinaglaban
Sa mga oras na paulit ulit kang sumuko
Pilit mong tinahak, direksyon patungong hangganan

Sa umpisa lang naman na hindi ka sumuko
Sa umpisa lang tumupad sa mga pangako
Minahal mo lang naman ako sa umpisa
Nang 'di na masaya, naghanap ka ng iba

Nakaupo sa isang sulok ng aking kwarto
Sari saring emosyon, pilit itinatago
Umiiyak at nagsusumigaw ang aking damdamin
Ngunit kahit anong gawin, 'di ka na babalik sa'kin

At ngayon ako'y nasa panibagong umpisa
Umpisa na hindi na ikaw, aking kasama
Umpisa na muli nanaman akong magisa
Dahil ngayon nga ay wala ka na, wala ka na

Oh aking mahal, maaari ba tayong bumalik sa umpisa?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

A/N: Hello, I'm good to be back:) I don't have much to say but sana mabasa niyo po ito:) Full of emotions to. Hihi. Maraming salamat po! Mahal ko kayo kahit hindi niyo ako mahal. T__T

-------

🖤Please do vote, comment & share! thanks🖤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Broken Heart [Soon To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon