Kabanata 3

9 2 1
                                    

Unti unti ng nawawala ang sakit ng aking sugat kaya lumabas na ako ng clinic kase boring din naman.
Matagal na oras din akong nandito nakatingin sa kisame at di pa rin mawala sa isipan ko yun nangyari kanina di ko talaga lubos na maisip na iaapproach niya ako ng ganun

"Emegedddddd serel menepek"

Sa sobrang bangis ko hinanap ko yung room nila siyempre para malaman ko na yung pangalan niya siyempre
Todo describe ako sa mga kaibigan ko.

"Uy kilala mo ba yung lalaking matangkad na medyo maputi na maugat yung kamay na medyo maputla yung labi niya?" Tanong ko na parang batang excited na bilhan siya ng mama niya ng candy
Natatawa nalang ako sa reaksyon ko.

"Gosh wag mo sabihing---"
Di na niya natuloy yung sasabihin niya dahil tinakpan ko agad yung bibig niya.

"Jusq naman wag mong bigyan ng malisya gusto ko lang siyang makilala." Pagtatanggol konsa sarili ko.

"Nako pagkatapos mo siyang makilala hihingin niya no. Mo tsaka name mo sa facebook tas magwawave siya sayo tapos liligawan ka niya tapos magiging kayo tapos magiging sweet kayo tapos iiwanan ka niya tas ikaw iiyak at masasaktan kaya wag na lang."

Sa sobrang advance magisip ng kaibigan ko di ko na tinuloy yung balak ko na hanapin yung lalakeng yon siguro nga tama nga si Mina na maraming lalaki dito sa campus mahihirapan kaming hanapi siya

Kase di naman namin alam yung pangalan niya siguro mananatili na lang siya sa aking imahinasyon.

"Munting imahinasyon"

Di ko lubos maisip
Na hanggang sa panaginip
Ikaw pa rin ang iniisip
Bakit tila naapektuhan ako sa pagihip

Laging nagaantay
Na muling makasilay
Na sanay akoy magtagumpay
Na limutin ka ng humpay

Mananatiling parte ka
Na sa aki'y nagpapasaya
Kahit di ka kasama
Kahit parte ka lang ng pusong umaasa

Imahinasyon lang siguro kita
Di nga kita nakikita
Pero nararamdaman ko'y gusto kita
Gusto bilang kaibigan sa tuwina

Pasakay na ako ng jeep pauwi ng bahay dahil maagang natapos ang aming klase dahil biyernes naman ngayon

Pero di pa rin mawala sa isip yung nangyari kanina sa araw ko
Para akong tangang napapangiti sa hangin nagiimagine ulit na nasa harap kita

"Hayst bat naman kase an hirap mong hanapin gusto lang naman kita maging kaibigan eh ano bang mas---
At di ko namalayan na anlakas na pala ng boses ko sa jeep at paran gusto ko ng magpalamon sa lupa ng mga panahon na yun.

"Manong itigil na natin" chos landede ka talaga bella sabi ko ng tahimik sa aking isipan habang natatawa lang si manong sakin.

Pagbaba ko ng jeep siyempre konting lakad pa bago ko makarating sa bahay pero biglang nagvibrate at tumunog si messenger ko!

May nagpop na message like omaigad

Pero inignore ko toh at patuloy lang naglakad papunta sa bahay sa pagaakala kong GC lang naman namin yon.

 

24 Reasons to Love meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon