Torpe

10 1 0
                                    

         Hindi lang naman mga lalaki ang torpe. Kami ring mga babae, dahil sa mapanghusgang mga mata ng tao, pag ang babae ang unang umamin, wala na agad delikadesa.

         Ang problema, walang mabuting naidulot ang pagiging torpe ko sa akin. Dahil alam ko sa sarili ko, sa simula palang mahal na kita,ngunit di ko ito kayang sambitin dahil na rin siguro sa takot na hindi mo tanggapin ang pagmamahal ko.

         At dumating ang araw na kinatatakutan ko,may naglakas loob na umamin sayo, at iyon ay ang babeng sinasabi nilang gusto mo. Parang nabasag ang puso ko sa maliliit na piraso nang tiningnan mo sya sa mata ng may ngiti sa iyong labi.

         Ngunit iyon din ang pinakamasayang araw para sa akin. Dahil nang makita mo akong lumuluhang tumalikod, agad mo syang iniwan at sinundan ako. At nang maabutan mo ako'y sinambit mo ang mga salitang nais ko ring sabihin sayo noon pa man, ang mga katagang "Ikaw ang mahal ko".

          Nalaman ko na natorpe ka din dahil pareho din tayo ng kinatatakutan. Ngunit nang makita mo ang luha sa aking mga mata ay nagkaroon ka ng lakas na loob na magtapat sa akin.
          
                                                       
        

OneshotsWhere stories live. Discover now