Assuming kasi ako

168 3 1
                                    

Assuming kasi ako

By: Janicawhy

Mahilig akong humugot. Simpleng usapan, nagiging malalim. Wala naman akong pinagdadaanan. Siguro minsan, hindi ko naman intensyon, para sa iba double meaning agad.

Ilang taon na ko. Ilang taong walang boyfriend. Hindi ko alam,pero dahil siguro sa mabilis akong umasa.
Umasa na, may gusto na sakin yung taong gusto ko.
Oh well, scratch that, pati din pala sa hindi ko gusto.

Assuming kasi ako.

Oo alam ko naman. Na assuming ako. Nagaasume kaagad ako na may gusto sakin ang isang lalaki. Porket sweet, caring o kaya naman yung hindi ka nakakalimutang itext ng goodnight at goodmorning.

Mga lalaki naman kase, MASYADONG PAASA.

Ang mga babae kasi, gusto lang naman ng mag aalaga sa kanila. Kaso may mga lalaking, nagki-care nga sayo... iba naman pala ang gusto.

Tulad nalang ng nangyari sakin 2 years ago. Kay Ely.

"Gerica." tawag sakin ni Ely. Lilingon na ko ng bigla niya kong inakbayan. Tinatanggal ko, pano nasa corridor kami ng school. "Namiss kita."

Kakastart lang ng 1st semester 2nd year. Uwian na. At ngayon niya lang ako napansin.

"Namiss ka dyan. Panget ng gupit mo." ginulo ko ang buhok niya.

Si Ely yung tipo ng taong maiinis ka. Maiinis ka dahil sa sobrang kulit. Mapang asar, maharot. Basta yung makulit.

Pero kahit makulit siya. Sa isang taon naming naging magkaklase, parang nagugustuhan ko na siya. Siya kasi yung tipong kapag biglang sumeryoso, nagiging tao. I mean, mapapakinig ka talaga sa kwento niya.

Madalas kasi kaming magkatabi sa mga klase last year, kaya madami kaming napagkikwentuhan, kung anu anong bagay.

Napapatawa niya ko. Naiinis niya ko, lalo na kapag inaasar niya ko. Ewan ko ba, ang bilis kong mainis sa kanya. Siguro way ko na din yun para hindi niya maisip na kinilig ako sa kanya.

Oo, kinikilig ako.

Minsan.

Sa kanya.

Kasi palagi niya akong naaalala. Kahit na inaasar na kami ng mga kaklase ko sa room, (like ayieee, bagay sila) kasi nga lagi kaming magkasama pero lagi din kaming nag aaway. Kaya kapag nag aaway kami, pansin agad ng mga kaklase ko. One time, trinay ko na hindi siya pansinin. Kasi baka maissue kami pero siya lapit pa din ng lapit, hinahawakan pa ko sa braso kapag dadaanan ko lang siya sa corridor. Pero diba, kung hindi mo naman gusto na inaasar ka ng iba, lalayo ka na din.

I mean, hindi sa lalayo talaga. Yung hindi ka nalang magbibigay ng makakaisip ng issue sa iba.

Pero siya, parang mas gusto pang inaasar kami sa isa't isa.

"Sino kasabay mo uuwi?" tanong niya.

"Wala. Ako lang."

Aambon pa ata. Aw. Buti may payong ako.

"Uulan na." aniya.

"Oo nga eh." inilabas ko na ang payong ko. Binuksan ko. Pero siya ang naghawak. "Ako na." sabi ko. Pero di niya binigay. Okay.

"Sabay na tayo."

"Di mo sila sasabayan?" lumingon ako sa mga kaklase kong lalaki na naglalakad na din pauwi sa likod ko. Sa gate 1 pa ako lalabas, sila sa gate 2. Kaya panong sabay na kame? Bigla akong kinilig. Ewan ko. Basta kinilig nalang ako bigla.

Assuming kasi akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon