Broken 3

1 0 0
                                    

ALEXIS POV

a.a..anak g-gusto ko k..kapag wala na ako g-g-gusto ko matupad mo ang mga p-p-pangarap mo la-l-lagi mong tatandaan ang m-maging m-m-masaya huh?”

tiningnan kong mabuti ang aking ina, hindi ko kayang isipin na maari rin siyang mawala saakin tulad ng pagkawala nila….

“ano kaba inay huwag ka namang magsalita ng ganyan oh..nay kailangan kita ikaw nalang ang natira saakin pati ba naman ikaw inay? Iiwan mo na rin ba ako?”

ayoko nang maiwan..tiningnan ko sa mukha si inay at hinawakan ng mahigpit ang kanyang mga kamay

“l-l-agi kitang babantayan anak, h-huwag mong papabayaan ang iyong pag-aaral”

dahil sa sinabi niya napa iyak nalamang ako..ganitong pangyayari ang nangyari noong nawala ang aking ama at sumunod naman ang aking kapatid..hindi ko kakayanin kung pati ang aking ina ay mawala
Nang mga sandaling iyon tsaka ko lang na realize na iiwan na ako ng aking ina..

kahit masakit sa aking loob tanggap ko na iiwan niya rin ako..lahat sila iniwan ako..
Nang Makita ko na unti unting sumasara ang mga mata ni inay ay para na rin akong nawala, hindi literal pero….

*Kriiiiiiing*

Napabalikwas agad ako ng gising ng bigla kong narinig ang aking alarm, mabuti nalang at nagising ako agad agad, gabi gabi nalang akong nananaginip ng masama palagi ko nalang nakikita sa aking mga panaginip ang pagkawala ng mga mahal ko sa buhay
Panay parin ang paghinga ko ng malalalim hanggang sa unti unti na rin akong kumalma

*sigh*

Naalala ko nanaman sila, sana pati ako nawala narin para magkakasama kaming lahat sa langit, edi complete family na kami, pero syempre hindi naman pwede iyon noh…

Tumayo na ako mula sa aking higaan tiningnan ko ang oras, meron pa akong trenta minutos para makapag handa..pangalawang araw ko na pala ngayon sa Westly University ni wala manlang akong nahanap na mga kaibigan kahapon hindi naman kasi ako masyadong friendly oo minsan maingay ako pero pag wala ako sa mood magingay nagiging tahimik naman ako ewan ko ba pero papalitpalit ang mood ko

..pumasok nalang ako sa banyo upang maligo pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako upang makapag luto ng almusal..
Pumunta ako sa kusina at binuksan ang maliit na ref roon..

>_<

oo nga pala hindi pa ako naka pag groceries..ang t*anga ko talaga
Di bale na nga lang sa canteen na lang ako kakain..kinuha ko na ang aking bag at lumabas sa bahay bago umalis sinigurado ko muna nanaka sarado ng mabuti ang pinto.

.nang masiguradong okay na ay naglakad na ako papunta sa paradahan ng jeep..
Habang akoy naglalakad bigla nalang pumasok sa isip ko yung mga oras na magkasama pa kami ni kuya noon..yung tuwing umaga sabay kaming papasok sa school tapos sabay ulit kaming uuwi

*sigh*

I miss you na kuya
Ewan ko ba pero kung pagkukumparahin ang buhay ko noon sa ngayon, mas masaya noon kasi noon kumpleto kami pero ngayon ako nalang magisa…

Meron  kaming sasakyan noon pero ibinenta na naming kasi nga medyo kapos na kami noon sa pera..haist.. tama na nga

makalipas ang ilang minuto ng paglalakad agad akong pumuwesto roon sa waiting shed upang makapaghintay ng jeep..

Pero maka lipas ang minuto wala paring dumarating na jeep..

tiningnan ko ang aking cellphone at nakita kong 20 minutes nalang ay maguumpisa na ang klase..anubayan mukhang malelate pa ata ako..ang malas naman ng araw na ito.

.muli akong naghintay ng sampong minuto pero wala paring dumadating na jeep kaya naman napag pasyahan kong lakarin nalang..no choice na rin naman eh, ayoko namang malate eh second day ko palang ngayon.

Kung lalakarin ko talagang ma lalate ako pero kung tatakbuhin ko siguro makakahabol ako..kaya naman tinakbo ko nalang,

sa umpisa napagod ako pero pinagpatuloy ko parin ..tiningnan ko ang oras at napansin kong 5 minutos nalang ay mahuhuli na ako sa klase..
“naku late na ako”

usal ko at mas binilisan pa ang pagtakbo, habang tumatakbo ako hindi ko napansin na hinahabol na pala ako ng aso..omg I hate dogs pa naman

“AHHHHHH”

sigaw ko pero patuloy parin akong tumatakbo, takot na takot ako habang tumatakbo, may phobia kasi ako sa aso simula noong kinagat ako sa paa…
“arf! Arf!” lumingon ako sa aking likuran agad kong nakita ang isang itim na aso na humahabol saakin

“Tulong!!!”

patuloy parin ako sa pagtakbo hanggang sa di ko namalayan na nasa tapat na pala ako

“Tulonggggg!” anubayan ayaw akong tigilan ng aso “Tulong!!”
Hinihingal ako na napaupo sa sahig habang sapo sapo ang aking dibdib grabe akala ko makakain na ako ng aso…

mabuti nalang at mabilis akong tumakbo, kahit papaano pala ay may makukuha akong benepisyo sa pagsali ko noon ng track and field…

*beeeeeeeeeep*

“AY p*tang ina naman miss oh tumabi ka diyan!!” agad naman akong napalingon sa lalaking sumigaw
Abat!! At siya pa ang galet? Eh ako na nga ang muntikan nang ma bundo, agad naman akong lumapit roon sa lalaki..aba hindi porke babae eh papa talo ako sa isang to!l

“P*tangina mo rin mister!!!!!hoy muntikan mo na akong mapatay ikaw G*g* ka” 

naglakad ako papunta sa motor nong sumigaw at pinag papalo siya

“ aray! Aray! Hoy miss!! Para sabihin ko sa iyo ikaw itong paharang harang sa daanan!!”

sigaw ng lalake
Patuloy parin ang ginawa kong pagpalo sa kanya, hangang sa napagod ako
Nang maiangat ko ang aking paningin bigla akong namatay
De joke
Bigla akong na tulala …

OMG another yummy guy..gaya sa yummy kong seatmate slash classmate ubod rin ng guwapo ang isang ito…tinitigan kong mabuti ang kanyang makinis na mukha..
ang guwapo niyang magpatakbo ng motor habang kumakaway saakin

0_0

“Hoy!!!bumalik ka rito!!”
Ganon na ba ako katulala at nagawa niyang makaalis?  Ganoon nalang ba iyon? Matapos niya akong mapatay ng kilig aalis na lang siya? Kailangan niyang magbayad ng halik 0_0 OMG!!magtigil ka alexis may atraso sa iyo ang isang iyon..

“tss..noisy”
Napalingon ako roon sa lalaking bigla bigla nalang nagsalita

“wala kang pak-“ si Mr. yummy number one pala
Ewan ko ba pero mula sagalit kong nararamdaman parang biglang nag shift yung mood ko into happy mood

>_<

“hehe. Good morning” agad na bati ko rito, pero ang loko bigla nalang akong tinalikuran..

“hmph! Sunget” sabi ko, nilampasan ko na lamang siya..
Hayaan na nga..

Broken Where stories live. Discover now