CHAPTER 6

314 17 0
                                    

SAMANTHA

Nagising ako dahil sa liwanag na tumama sa mukha ko kaya naman tumayo na rin ako upang maghanda sa pagpasok, pumunta na ako sa banyo para gawin ang morning routine ko, pagkatapos ay agad akong nagbihis at bumaba na. Naabutan ko ang mga maids na naghahanda ng agahan binati nila ako kaya binati ko din sila pabalik.

"Ate, bumaba na po ba si Ciel?" tanong ko rito

"Hindi pa po Young Lady." sagot sakin ng isang maid, grabe naman yun hindi niya ba alam na may pasok kami?

Mapuntahan nga.

"Alam nyo po ba kung saan ang kwarto nya?" tanong ko dito balak ko kasing puntahan at gisingin 

"Sa tabi lang din po ng kwarto nyo Young Lady." magalang na sagot nito tumango naman ako at tumayo at pumanik sa taas. Iisang pinto lang naman ang pinakamalapit sa kwarto ko kaya ito na siguro iyon. Nasa tapat na'ko ng pinto niya ng maalala ko ang nangyari kagabi.

'Kaya mo yan Samantha nandito kana wala ng atrasan to.' pagkukumbinsi ko sa sarili ko.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok pero kakatok na sana ako ng bigla namang  bumukas ang pinto at bumungad sa'kin ang naka half naked na si Ciel, halatang bagong ligo ito dahil basa basa pa ang buhok niya na tumutulo pa baba sa leeg niya p-papunta sa malakas niyang dibdib at sa----susmaryosep! Ano ba itong ginagawa ko!

"What are you doing here?" tanong niya kaya napapahiyang napatingin naman ako sakanya

"Ah b-bumaba kana d-dun kakain na." nauutal na sabi ko at agad na tumalikod at nag lakad paalis,hindi ko kayang magtagal dahil naka halfnaked siya at masyado akong naiilang dahil nakikita ko yung a-abs niya. Whaaa!

Pagbaba ko ay nakahanda na ang pagkain kaya umupo na'ko doon, inaya ko naman yung mga maids pero sabi nila tapos na daw silang kumain kaya kumain na ako mag-isa at hindi na inantay si Ciel dahil ang tagal niyang bumaba. Nang matapos akong kumain ay siya ding pagdating ni Ciel at nagsimula na ding kumain. Tumayo na'ko at iniwan siya doon atsaka pumunta sa sala at doon siya hinintay matapos.

-SCHOOL-

KASALUKUYAN kaming nasa classroom at tahimik na nakikinig sa discussion ng gyro hanggang sa dumating ang time ng vacant namin nakasubsob lang ako sa ibabaw ng desk ko dahil wala din naman akong balak kumain dahil kesa sa pagkain ako mabusog e mas nabubusog ako sa dami ng pangungutiya nila sa'kin. Si Ciel naman ay nagpaalam na kakain kaya ako lang mag-isa dito. Nagulat nalang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong tinignan at wala sa sariling napangiti ng malaman ko kung sino yung tumatawag kaya agad ko itong sinagot.

"Hello Ken napatawag ka?" bungad ko dito

"I just want to tell you that I'm going back tomorrow." sabi niya sa kabilang linya.

Agad naman akong napangiti dahil saktong monthsary namin ang uwi niya.

"Really?! Tomorrow is our 5th monthsary Ken, I'm so excited to see you." na-eexcite na sabi ko dito.

"Okay, bye see you tomorrow. " sabi nito.

"Okay I lov--(toot-toot-toot)." hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng mawala na ang tawag, excited na akong makita siya ulit kahit sabihin na nating dalawang araw palang siyang wala dito pero na-miss ko na siya ka agad.

Pagtabi ko ng cellphone ko ay biglang dumating si Ciel na may dalang pagkain na agad nitong iniabot sa'kin. Agad ko naman itong tinanggap at kinain dahil nagutom na din ako bigla.

Pagkatapos kong kumain ay saktong nagdatingan na rin ang mga kaklase namin kasabay nun ang guro namin sa last subject. Pumunta na ito sa harapan at nagsimula ng magdiscuss pero nananatili pa rin ang mga ngiti sa aking labi. Sa buong klase ay wala akong naintindihan dahil sa sobrang excitement bukas.

Gusto ko na agad na matulog dahil bukas ay makikita ko na ulit si Ken, kaya naman pagdating ng uwian ay agad kong hinila si Ciel palabas dahil alam kong mabagal itong maglakad kaya hinila kona. Pagpunta namin sa parking lot ay agad kong hinanap ang kotse namin at tinulak siya papasok.

Galit itong humarap sakin pero nginitian ko lang siya ng matamis pero nginiwian niya lang ako at hindi na ako pinansin at nagsimula ng magdrive kaya tumingin nalang ako sa bintana sa labas.

Mabilis kaming nakarating sa mansion dahil sa bilis ng pagpapatakbo nito ng sasakyan hindi ko na ito napansin dahil nagmamadali na rin naman ako.

Pagpasok ko ay agad akong pumunta sa kwarto ko at nagbihis tsaka nagmamadaling humiga sa kama ko at pilit pinapatulog ang sarili ko, hindi na ako kakain dahil busog na rin naman ako, pinilit kong matulog at hindi naman ako nabigo at nakaramdam na agad ako ng antok at agad na nakatulog.











The Long Lost Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon