A/N: Kapag wala pang nakasulat na POV ng ibang character. It only means na si Na Doo Rim pa din ang may-POV :). Sana po magets niyo ang pattern ^^
---
Pagdating ko sa munting bahay namin ni lola
Syempre, hindi naman maaaring magpapahinga kagad kaya dumerecho na ko sa munti ring kainan sa tapat ng bahay upang makapagluto na
Puro mga seafood ang potahe rito at panigurado pag natikman niyo. Babalik-balikan niyo! ^^
Aba! Ako at si lola kaya ang may luto kaya The Best to no!
Habang naghihiwa ng isda kumakanta ako ng paborito naming kanta ni lola
At kinuha ko naman yung order ng costumer
"Eto no po! Sa sarap neto hindi niyo mahahalatang may nagaganap na kababalaghan sa paligid!" masigla kong saad pagkatapos mailagay sa lamesa ang isdang kami lang ni lola ang may recipe
"Enjoy po!"
Nagpasalamat sila kaya nag-bow naman ako bilang pasasalamat na rin at kumain sila rito samin
"Apo, ito na ang delivery"
Hindi rin naman pwedeng kung may gusto kang pag-ipunan ay hanggang isang trabaho lang. Two in one kaya to. May dine in na nga, delivery pa! Oh, san ka pa? haha
Kinuha ko na yung parang maletang box na pinaglalagyan ng mga pagkain sa tuwing may delivery
Nagpaalam na ko kay lola saka sumakay sa scooter
Dadalhin ko pa to sa isang Construction Cite..
---
Yi Hyun's POV:
"Ang current development progress ay malapit na sa limampung porsyento at ang mga trabahador naman ay hindi nababayaran sa tamang oras kaya ang kinalabasan ay tinatanggihan nila ang trabahong to
Sa kasong to, maaaring matigil ang konstruksyon" Si Engineer. Naglalakad kami palabas ng ginagawang building
"Kailangan siguro nating makatanggap ng pondo mula sa TaeYang Group sa lalong madaling panahon. At habang wala pa, sana makatulong ka upang mapanatili ang mga trabahador" saad ko
Yumuko at tumango naman si Engineer saka bumalik na sa loob ng cite. Baka may tatapusin pa
*Ringtone*
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa saka ito sinagot
Yi Kyung Calling...
"Oh, bakit? Yi Kyung.."
(Papunta na ko sa airport ngayon, kuya..)
Nakalabas na ko sa building at kinakausap si Yi Kyung
Ng may babaeng papalapit sa akin
Hindi ko alam kung ano ang pakana niya pero--
*Bogsh!*
Sumalpok ang likod ko sa semento at nabitawan ko ang cellphone
Yung babae kanina na tumatakbo...
..Lumapit siya
"Okay ka lang?" tanong niya
Pag-angat ng mata ko
Medyo nahihilo pa ko buhat nung pagkakatama ng likod ko sa semento pero parang...parang... nakita ko na ang mukhang ito
"Nahilo ka siguro dulot nang pagkakatulak ko sayo. Nakikita mo ba kung ilang daliri to?" winagayway niya ang kamay niya sa harap ko
Ewan ko kung tama ba pagkaka-alala ko pero sinagip ako ng babaeng naka-helmet. Tinulak niya ko na dahilan naman para matama sa ulo niya ang hollow block na galing pa sa pangalawang palapag
S-siya kaya si...
"Okay lang ako" wala sa sariling sagot ko
Kinuha naman niya ang magkabila kong braso saka itinayo. Pinagpagan niya pa ang alikabok sa pang-construction suit ko
"Masakit talaga yung pagkakatulak ko sayo.."
"Okay ka lang ba? Hindi ba nasaktan ulo mo? Kailangan mo bang pumunta sa ospital?" kusang lumabas sa bibig ko
Pano kung...
"Okay lang ako. Nag-aral kaya ako ng martial arts at ang kagalingan ko ay pag-sira ng mga boards sa ulo" pagmamalaki niya sabay turo sa helmet na tapat ng ulo niya "Maaari akong makasira hanggang ten boards ng walang injury" saka siya ngumiti
Hindi ko alam kung dapat ba kong maniwala pero sa tingin ko...
Sa tingin ko...
..Siya ang kapatid ko
..Yi Kyung