Girls Girls Girls

17 1 0
                                    

Characters:

GOT7 as Themselves

Im Nayeon as Jessica

Jeongyeon as Angel

JYP as Teacher Park

Raymond Tuan as Himself

Description:

Seven notorious gangsters named GOT7. Pitong nag gagwapuhang lalaki. Sila ang kinakatakutan ng lahat dahil na rin siguro sa sila ang pinakamayaman at makapangyarihan sa school o baka na rin sa bad boy looks nilang pito. Tila ba napaka misteryoso nila, kaya out of curiosity a girl named Jessica has some guts para alamin kung ano nga ba ang sekreto ng GOT7. Will she be in a good luck or will her curiousity kills her instead?

xxxxxxxxxxxxxxx

"Nandiyan na sila!" nakakabinging sigaw ng babae sa tabi ko.

Napatakip ako sa tenga ko at inirapan ang babae na nasa tabi ko lang kanina. Bakit ba naman kasi kinakailangan pang sumigaw? Ang sakit niya sa tenga! Siya kaya sigawan ko sa eardrums niya.

Nilagay ko lang sa locker ko ang mga libro ko at saka ito sinara. Mga grupo ng estudyante ang nagsisikumpulan sa isang tabi. Sumunod ako sa pinupuntahan ng ibang estudyante at saka ko doon nakita ang pitong kakarating lang na mga lalaki.

They are wearing the same school uniform as mine ang pinagkaiba nga lang they are wearing it unnecessarily. Unbuttoned blazer and that looks. Mukha silang mayayabang! Hindi ko alam kung bakit tinitilian sila ng mga babaeng ito.

I admit they are handsome but their attitude were like that of a trash. Nakakadiri! Mga arogante. Palibhasa mga anak mayaman.

Kinindatan ako ng isa doon kaya umirap ako at tinalikuran na lang sila. Mga playboy pa ata. Nagsimula na akong maglakad papunta sa room ko. Sa isang linggo ko dito wala pa rin akong kaibigan. Ewan ko ba, hindi kasi ako makarelate sa kanila lalo na't yung 'GOT7' na lang lagi ang pinaguusapan nila.

Nang makaupo na sa silya ko ay pungalumbaba ako at sinuri ang mga kaklase kong busy sa pakikipag tsismisan. Siguro yung mga anak mayaman nanaman yung pinaguusapan nila. Bumuntong-hininga ako at binuklat ang libro na nasa harapan ko.

Tumahimik ang paligid nang dumating na ang guro namin. Sa wakas!

"Good morning Teacher Park." bulong ko.

Pagkatapos ng discussion ay niligpit ko na ang gamit ko at tumayo para sa sunod kong klase.

"Ms. Jessica maiwan ka." nakita ko ang seryosong mukha ni Teacher Park.

Tumango ako at lumapit sa kaniya dala ang bag ko. Dahan-dahan ang paghakbang ko palapit at kinunot ang noo ko.

Pagkalapit ko ay may inabot siyang folder sa akin. Nagtaas ako ng kilay at nilipat ang pahina ng nasa loob. Kunot noo kong tinignan si Teacher Park.

"Reviewer 'yan para sa darating na quiz bee. Ikaw ang isasali ko kaya pag-aralan mo 'yang mabuti." aniya.

"Alright, teacher."

He tapped my shoulder.

"Good luck." wika niya bago naglakad palabas ng room.

Sumulyap akong muli sa folder at nagkibit-balikat.

Pagkatapos ng pang-huli kong klase ay ako ang naunang lumabas. Nakahawak ako sa bag ko habang naglalakad palabas ng school. Hanggang ngayon wala pa rin akong kaibigan. Nakakainggit lang na wala pa rin akong kasabay at kausap.

"Angel! Tara na baka di natin sila maabutan doon." anang babae na lumagpas sa akin.

Lumingon ako sa babaeng kausap niya. Not like any other students here, she wears her uniform sexily. Really short skirt and unbottoned blazer just like that so called 'GOT7'. Siguro anak mayaman din ito? Well, ganoon ba talaga pag anak mayaman?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GOT7 MV short storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon