Chapter Thirty

382 6 1
                                    

"So, anong trip mo at pinagtripan mo muna ako bago makarating sa'yo dito, huh?" Sabi ko sabay subo ng pagkain. Nandito na kami ngayon sa may loob ng London Eye at nakaka-amaze ang view. Yung mga ilaw ng mga naglalakihang buildings, kitang-kita . Ang ganda ng tanawin. Ang sweet nga ni Zayn eh, nagpa-set-up pa ng table at mga kung ano-ano dito...

"Ewan ko nga eh... Sa totoo lang kanina ko lang naisip 'yan kaya nagmadali akong magset-up nung mga 'yon" Sagot naman niya

"Huh? Ikaw lang?" Tanong ko naman

"Hindi ah, hindi ko naman kaya lahat, syempre tinulungan ako ng mga the best best best best friend ko kaya natapos namin yun" Sabi naman niya. Hindi ako nagsisisi na sinagot ko siya "At kaya pinasikot-sikot muna kita kasi... Yung mga arrow na 'yon nagre-represent ng mga decisions mo sa buhay, kung saan ka mapupunta o kung ano man... at parang tadhana na din...." Sabi niya at tumingin sa paligid at napatingin siya ulit sa akin. Natakot ata.

"Huh? Anong tadhana?" Sabi ko naman

"Yung tadhana mo... Hindi mo ba napansin? Kahit saang arrow ka pumunta ang ending nun dun pa din sa tapat ko kasi ang nakatadhana para sa akin ay ikaw!" Sabi niya sabay kindat.

"Psh. dami mong alam ha..." Uminom ako ng wine "Happy Birthday!" May inabot si Zayn sa akin na maliit na box at tinignan ko lang siya. Birthday ko na? "Bakit?" Nagtataka niyang tanong

"Birthday ko na?" Tanong ko sa kanya "Yep. It's 12:25 AM na! at March 31. Happy Birthday!" Bati niya ulit at this time kinuha ko na yung box, pero bago ko buksan yun "Ang dami mo nang nabibigay sa akin, wala pa sa kalahati ng nabibigay ko sa'yo. Thank you ha. I think I don't deserve a perfect man like you, pero gagawin ko ang lahat para maging best girlfriend mo" Ewan ko kung bakit bigla ko yung nasabi. Pero oras na din siguro para malaman niya na mahal ko siya, kahit hindi halata.

"Bakit mo naman nasabi 'yan?" Tinignan niya ako na parang nagtataka

"Ewan ko...? Pero, basta. Mahal na mahal kita. Tandaan mo 'yan ha?" Sabi ko na lang sa kanya.Tumayo siya at inabot ang kamay niya sa akin, tinanggap ko naman yun at tumayo din ako. Magkasama naming tinanaw ang paligid at inenjoy ang Best Night Ever.

HEART ATTACK (ZAYN MALIK TEEN FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon