Letting Go

21 3 7
                                    

Hey guys! This is my first ever story na natapos ko so sana ma-appreciate niyo itong effort ko.

Enjoy reading. Thank you<3

-------------------
Letting Go

Everytime I look at you I can't help but smile. You and your eyes. How I wish that eyes of yours will just focused  into mine forever. I only want you and that's all I wanna ask for but seems too much and too impossible.

We're classmate for almost a year and I should say na he is really good. The way he talks, the way he smiles, laugh and do some stuffs. Madali siyang pakisamahan. Masarap kausap. Palabiro pero hindi pabibo. Makulit pero hindi maharot.

All I want is to talk to him and stare at his smiling lips.

--------------------

"Hey! Ah... Alabyu." damn him. Di nya ba alam kung ano ang epekto nun sa akin? Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagno-notes.

"Gusto kita alam mo ba. Gusto kita okay lang ba'ng maging girlfriend ka, pag pwede na..." 🎶🎵

Narinig ko pa siyang kumakanta sa likuran ko kasama ang dalawang tropapits nya dahil dun sila nakaupo. A small smile escaped on my lips. I am affected by his song and I assumed na para sa akin yon dahil ramdam ko ang titig niya sa akin habang kumakanta.

"Hey, Zeus Hendrick. Itigil mo na nga yang pagkanta dahil masakit sa pandinig" sita ko sa kanya nang hindi siya nililingon. Kahit na okay naman yung boses niya. Ayoko lang kasi na magpatuloy siya dahil hindi ako makapag sulat ng maayos.

"Sus, na iinlove ka lang sa boses ko eh" dinig kong sabi niya.

"Yieeeee! Ikaw Kryz ah!" inirapan ko nalang si Yana dahil sa pang aalaska niya.

Lagi kaming naasar sa isat isa ni Hendrick kasi kaming dalawa yung madalas na magkulitan. At feel na feel ko naman.

Si Yana na bestfriend ko, dati na siyang niligawan ni Hendrick. Haha! Saklap diba? Well, okay lang naman kasi ako lang ang nakaka alam na may gusto ako kay Drick. Yung feeling na inaasar kaming dalawa nung dating niligawan niya? Na bestfriend ko pa? Yeah rakenrol!

Nang mag lunch break na hinila agad ako ni Jianna, Yana for short sa canteen. Inilibot ko naman yung paningin ko hanggang sa matanaw ko kung asan si Hendrick. Kasama niya si Ivan at si Dylan. Sila ang  best budds eh. Di mapaghiwalay.

Nang maka order na kami hinigit ko kaagad si Yana sa bakanteng table katapat nina Hendrick. Mauunahan pa nga sana kami eh buti nalang nadaan ko sa masamang tingin.

Hanggang sa matapos kami sa pagkain kay Hendrick lang ako nakatitig. Yung tipong sa kanya ako nabusog hindi dun sa pagkain.

Sa halos araw araw lagi akong gumagawa ng paraan para mas lalo kaming mapalapit sa isa't isa. Well hindi naman siguro paglalandi yon. I mean, kinukulit ko lang siya. Kinakausap, nakikipagbiruan at kung minsan sa kanya pa ako magpapasama kapag kailangan kong magpa photo copy ng mga requirements ko. Sinasama niya rin ako minsan kapag may pupuntahan siya. Pinipigilan ko na nga lang na ngumiti kapag nasa hallway kami eh. Kapag naglalakad kami feeling ko nasa ulap ako. Haha! Sarap sa feeling na katabi mo yung crush mo.

Hanggang sa naging tropa na kami. Yeah, I really did everything to be his tropa together with some of our other classmates na naging close na rin namin. Friendly naman kasi ako kaya kahit sino maituturing kong kaibigan.

"Kryzilla!" sigaw ni Yana pagkapasok na pagkapasok palang ng room and as usual, late nanaman.

"Why?" I asked when I saw her worried face.

Letting go (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon