CHAPTER 3

14 0 0
                                    

Virgo's POV

Matapos kong umalis sa kwarto ko, hindi nga ako hinabol nila Auntie maging ang mga nurse.

Lumabas ako, pero hindi ako tatakas. Parang gusto ko lang huminga sa kawalan.

Tutal nasa country side itong hospital kung saan ako naka confine, medyo maganda ang environment dito..

Tama, I NEED AIR.

Naglakad lakad ako kahit hindi sanay sa saklay pero kaya ko pa naman..

Naglakad ako hanggang sa makakita ako ng isang malaking puno grabe ang laki niya.. Parang kahit puno siya gusto ko sumandal dun..

Naglakad ako palapit sa puno pero..

*Boogsh*

As usual, walang silbi ang sigaw ko, kahit ang sakit napaupo ako kasi tinamaan lang naman ako ng isang kumag na lalaki -_-

"Sorry bata! Naghahabulan kasi kami eh! Di ka naman tumatabi!" Sabi sakin ng lalaki, feeling ko kasing edad koto dahil sa boses. Di ko pa nakikita mukha niya kasi inaayos kopa yung sarili ko tumayo.

At ako pa ha!? Ako yung nakasaklay dito oh!! -.-

Wala parin akong magawa.kundi magpagpag ng sarili ko at bume bwelo na tatayo.

"Tulungan na kita bata" sabi niya habang hahawakan yung braso ko may benda siya sa kaliwang kamay.. Siguro nabalian siya.

Pero nung inalalayan na sana ako, nagkatinginan kami at bigla nalang niya ako binitawan.

Aray!! Sobra na to huh!?

Mahampas ko nga!

*Pak! Isang malakas na hampas ang binigay ko sakanya! Dapat lang!

"ARAY!" Sabi ng bata sakin.

Tinarayan ko lang siya at tumayo na. Kairita eh!

"Sungit naman, tss" sabay alis niya.

Stephen Felix's POV

Ano ba to! Bat pa kasi kailangan dito pa sa may country side na hospital igamot tong kamay ko! -_- Tapos dito pa igagamot si Grandpa kaya matatagalan kami -.- Andami daming hospitals sa Manila dito pa napadpad -_-

Hi. Ako nga pala si Patrick Stephen Felix. 13 years old nako. Syempre, pogi. Oo pogi. Hearthrob nako sa school namin no -_-

Tawag nila sakin, Stephen. Oo yan lang ang tawag sakin ng mga kakilala lang. No one is allowed na tawagin akong "Trix/Patrick" kundi ang mga close friends ko lang, mga katulong sa bahay, Mom and Dad, then si Ate Aiena.

Mayaman kami, oo. Mayaman, kasi madami kaming business inside at outside the country. At syempre, kahit nakakainis sa kalooban. Ako ang isa sa magmamana ng business ng Felix Corporation.

Dalawa lang kaming magkapatid ng Ate Aiena ko. 11years old ako 19 years old na siya. Kinukuha niyang course ay about sa business whatever dahil wala talaga akong alam jan. Haha!

Okay, tama na ang madaming info, masyadong pakielamero kayo sa buhay ko huh!? Suntukin ko kaya kayo!? Aba! Nanunuod ako ng WWE no!? Magdalawang isip kana!

Okay, balik tayo sa hospital. Yun nga, dahil sa lolo ko na nandito ako nagpagamot. Andito daw kasi yung family doctor namin. Mas sure daw kung dito nalang daw.

Nabagsakan ng mabigat na bagay na bato yung kamay ko kasi naglalaro kami ng chess.

Walang connect sa bato? Meron, binagsakan ng mga kalaban ko na tinalo ko ng bato yung kamay ko sa school. Yes inaamin ko na magaling din ako sa chess. It's my hidden talent kung masasabi. Ewan ko ba kung bakit sila nagalit ng ganun sakin. Btw, they were kicked out narin sa school. They deserve it.

Naglalakad lakad ako ng may makita akong naghahabulan.

Biglang nagliwanag ang paningin ko, grabe. Makakalaro na ulit ako, sa mansyon puro aral lang ako at kulong palagi. You know, rich kid things. Hays -_- I want something new!

"Hoy bata!" Sigaw ko sa batang tumatakbo na huminto naman.

"Sali ako sainyo pwede?" sabay ngiti.

Pumayag naman ang bata, at nag pompyang

A/N Pompyang [ v ; ginagawa bago maglaro para alamin kung sino ang taya. Example: maiba taya ]

Taya yung isang bata. Anim kami eh. Kaya yun.. Tumatakbo nako para di mahabol.

Nakakita ako ng puno, anlaki! Pwede ako magtago dun! Haha! Tayaan pero nagtatago ako. Learn from the Master pre!

Palingon lingon ako para hindi ako mahuli ng biglang..

*Boogsh!*

"Sorry bata! Naghahabulan kasi kami eh! Di ka naman tumatabi!" Sabi ko sa babae, nakasaklay siya. Pero infairness, tibay niya. Di man lang siya sumigaw.

"Tulungan na kita bata" itatayo ko na sana siya ng biglang nagtama ang mga mata namin

Feeling ko, biglang tumigil ang paligid ko.. Ano bang feeling to? Ugh!

A/N

Hi! sorry ngayon lang ako nakapag update. May hinihintay kasi akong milagro!? HAHAHAHA XD Pwe. Salamat sa mga nagbasa ng storya ko. Naniniwala ako magle-level up to. Kaya sigi na. Ireto niyo naman to XD HAHAHA :))) Huehue

Ayan na introduced na si trix :> Yieee! Sana kilig kilig vibes na to palagi :)))) Ciao!<3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Most Unbelievable FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon