"Ellee!" Tawag ng kaibigan kong si Anna..
"Ano nanaman?" Inis na tanong ko
Hahaha pero syempre joke lang. Kaibigan ko si Anna matagal na sanay na sa akin yan!
"Naay! Meron ka noh?" Pang-asar na tanong nya saakin
"Ano? Man-aasar ka nalang ba?" Kunyari naiinis na tanong ko "san ba tayo kakain?"
"Sa pinggan" inosente nyang sagot agad ko naman syang binatukan
"Nagtatanong ako ng maayos ah? Sumagot ka!" Abnormal kasi toh nakakabanas woala!
"Un nga ung sasabihin ko! Di ako makakasabay sayo kasi si Mark nga niyaya ako sa labas" sabi nya "ok lang ba na di muna kita samahan?" Nag aalalang tanong nya
Si Mark boyfriend nya un simula high palang kami. Ang tagal na nila 5 years na ata? Di ko sure.
"Nukaba! Ok lang tatanong ko nalang si Joshua kung pwede sya ngayon" sabi ko
"Tsss Joshua nanaman! Bahala ka nga sa buhay mo!" Tinawanan ko nalang sya
Ayaw na ayaw nya kay Joshua. Si joshua boyfriend ko matagal na 4 years na kami pero parang secret parang ganun na hindi? Basta ang hirap ipaliwanag
Agad ko namang tinatawagan si Joshua para tanungin kung pwede ba sya
(Ellee?) agad nyang sagot
Shet kinakabahan ako dahil tinawag nya ako sa pangalan ko! Tinatawag nya lang ako sa pangalan ko kapag galit sya or naiinis
"Hmm? Whats wrong?" takang tanong ko
(Bat ka tumawag?) sagot nya
Lah? Ano namang masama sa pag-tawag ko eh boyfriend ko naman sya
"Hmm! Un nga yayayain sana kitang kumain wala kasi si Ana kasama si Mark. Kung ayos lang?" sabi ko sa kanya
(Actually gagawa kasi kami ng project ngayon kaya hindi ako pwede) sabi nya
"Ah ganun ba?" andun ung panghihinayang sa boses ko "sige okay lang" sabi ko
(Uhmm! Sige bye!) sabi nya
Bago pa ako makasagot ay pinatay na nya ung tawag. May mali! May mali talaga eh
So i have no choice kakain ako mag isa.
-------------------------------
Uwian na at nakatanggap ako ng text galing kay Joshua nakikipag meet sya sa isang resturant kaya nag-paalam na ako may mommy na late ako uuwi
Sumakay nalang ako ng taxi papunta sa resturant na napag-usapan namin medyo excited na kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari dahil may nasesence talaga akong kakaiba eh
Pagkarating ko ay agad ko namang hinanap si Joshua. Hindi naman ako nahirapan nahapin dahil litaw talaga ang kagwapuhan nya
"Hi!" nakangiti kong salubong sa kanya pero hindi sya ngumiti. I knew it! May problema talaga eh
"Have a sit" malamig nyang sabi
Kinakabahan na talaga ako ano bang problema? Maayos naman kami nung mga nakaraang linggo ah?
"May problema ba?" nag-aalalang tanong ko
"Sorry" sabi nya ng hindi manlang makatingin saakin!
Shit! Natatakot ako! Bakit sya nag sosorry ano bang ginawa nya may problema ba?
"hindi kita maintindihan. Ano bang problema? Bakit ka nag sosorry?? Ano bang ginawa mo?" sunod sunod na tanong ko sa kanya
"Lets break up"