Pasukan na naman may mga bago na namang ta-transfer at may bago na namang transfer.
Bagong transfer na ibubully haha
Sa mga lilipat na ng bagong school dahil nga binubully at yung iba dahil sa business purpose at family purpose
So heres the story
One girl who lived in wealthy and praises in her section but...
Paano na ang kanyang buhay sa paaralan kung ang dating mga kaklase nyang binubully ay iwan siya as in LAHAT NG KAKLASE NIYA.?
Anuena?
BELLE'S POV
Nagising nalang ako dahil sobrang lamig sa loob ng kwarto ko dahil nakalimutan ko nga palang patayin kagabi yung dalawang aircon ko.
Oo dalawa wag kayong ano!
(A/N: Oo ganyan talaga kayabang yan)
Dumiretso ko sa sobrang laking cr ko at humarap sa salamin sa may sink at binuksan ang faucet.
O baka di niyo pa alam faucet gripo yon!
At sinimulan ko na ang daily routine ko
Brush ng teeth there and here ganon tsaka dumiretso na sa bath tub ko at nagrelax sa napakabangong amoy rose na mga bubbles.Pagkatapos ko magbabad is dumiretso na ko sa walk-in closet ko at kinuha ang uniform at sinuot na ang japanese inspired na uniform namen at nagsuot na ng heels.
Pagkatapos excited na kong kinuha ang bag kong GUCCI at bumababa na sa mamahalin naming hagdan ehem!
Hindi nga pala sa nagmamayabang ako is pinagmamalaki ko lang ang bahay naming mansyon.
As usual sinalubong ako ng maid namin na para kong reyna
"Excuse me mga manang, maarte talaga ko pero hindi naman ako ganito kailangang pagsilbihan sapat na sakin na nandito kayo at kasama ko." Sita ko sa kanila at agd naman silang nagpaumanhin.
Dumiretso na ko sa napakahabang hapagkainan at napakaraming pagkain na akala mo namang may bonggang bonggan fiesta sa dami ng nakahain.
Kumuha ko ng konting rice at kumuha ng egg at bacon. Habang kumakain ako naluluha na naman ako, Ewan ko ba tuwing ganito ang eksena naiiyak ako yung feeling mo ikaw nalang nasa ibabaw ng earth.
Share ko lang bat ba?Kasi kaya wala akong kasama ala sila mama at papa busy sa mga trabaho nila sa ibang bansa minsan na nga lang silang umuwi eh at yung mga kapatid kong dalawang kuya nasa iisang bahay kami pero parang wala din hindi kami mgkasundo sundo ewan ko ba.
Pagkatapos ko kumain nagpaalam na ko kay manang lila pinaka close kong yaya
Dumiretso na ko kay kuyang ric na kanina pa naghihintay sakinSumakay na ko sa luxury car namin
Papuntang school namin habang nasa daan hindi ko maiwasang isipin kung may bagong transfer ganon tsaka yung mga kaklase kong aso ko kase sunud sunuran sakin haha.Unti-unting bumagal na ang takbo ng sasakyan. Natanaw ko na ang pinakamamahal kong school
Harvard International School
Before bumaba I prefer my signature smile and pinagbuksan na ko ng pinto ni kuya ric and charaaaaan
Chin Up and labas ang ipin na parang model ng colgate saka sinimulang rumampa papuntang gymnasium pra hanapin ang section ko. Habang lumalakad papunta don hindi na mawawala ang sigawan.
"Witwiw" sipol ng mga lalake
"Shiiiiit ang ganda nya talaga"
"Atii akin ka nalang"
BINABASA MO ANG
The Peculiar Section
Teen FictionWhat if the normal section turns to unique Into peculiar section <3