So guys, sa mga nag-aabang ng updates ng mga stories na na-i-publish ko, may sasabihin ako sa inyo.
Last 2 or 3 weeks ago (ata yon, di ako sure) natapos ko ang pag-eedit ng drafts ko, including yung "She Change My Life." Inedit ko yung mga cover ng iba ko pang stories, pati na yung "I thought i was in love" na nasa isa kong account. Syempre nabigyan ko ng time ang stories ko kahit papaano, kahit busy ako ng ilang linggo non. After non, eto na ang dapat niyong malaman kung bakit hindi ako nakapag-update agad.
Una, busy sa bahay. Nakakalimutan ko na ding magbukas ng wattpad kahit nasa bahay ako.
Pangalawa, nawalan kami ng net at ng dial tone. Kaya hindi ako nakapag-update agad. Nainis din kasi ako sa mabagal na net sa PLDT. Tas nawalan na kami ng net, nadamay pa yung dial tone ng telepono namin.
Pangatlo, anxiety attack and asthma attack. Affected ang utak ko kaya ganon.
At ang panghuli, tinambakan kami ng gagawin. Performance task, assignments, sasayaw pa kami, aacting pa kami, may music video pa. Paalala ko lang sa inyo, grade 10 na ako. Mahirap na ang grade 10 ngayon. Lahat gagawin mo makapasa ka lang. Kahit umuwi ka na ng gabi sa kakagawa ng project at performance task niyo, okay lang sayo matapos mo lang.
Kaya naging busy na ako ng dalawang linggo. Sa susunod na linggo, busy na din ako. Sulat ang aatupagin mo. Sorry guys, di ako makakapag-update sa mga stories ko lalo na yung "She Change my life" na hinihintay niyo at kasali pa sa Wattys 2018, baka di ko ma-update ng maaga. Sorry guys, I hope you understand my situation for now. Don't worry, pag natapos na ang lahat ng paghihirap ko sa Grade 10 life ko, ang stories ko naman ang apat na linggong trabaho. I promise to you guys.
But please still support my story, She Change My Life. Kung hindi man manalo sa Wattys, itutuloy ko parin para sa ekonomiya ng Pilipinas. Power! Have a nice day guys :).
-Ms.L-
P.S.: May ginagawa din pala akong story pero nasa notebook ko palang. :)