End of the World Love Story [One Shot]

136 11 0
                                    

End of the World Love Story [One Shot]

Sabi ng Ancestor ko na si Nostradamus, end of the world na raw sa ika 21 ng Disyembre, 2012. That is according to the Mayan Calendar.

Paano kaya nila na predict yun?

Pero hindi rin naman natin alam kung ano ang talagang mangyayari. Hindi natin alam. Unless, hintayin nalang natin na dumating ang araw na yun.

Date check: December 14, 2012.

One week nalang, December 21, 2012 na. End of the world na ba talaga? Kung ganun, handa ka na ba? At gaano ka naman ka handa? Nagawa mo na ba ang mga dapat mong gawin at mga bagay na gusto mong gawin? Nasabi mo na ba ang 'I Love You' at

'I'm Sorry' sa mga magulang mo? At pati na rin sa mga tao na nagbigay ligaya sa buhay mo? Have you confessed yet the desires of your heart? Ayaw mo naman sigurong mawala sa mundo with untold feelings inside you.

Lagi kong nasasabi na handa na ako. Kung gaano ako kahanda, syempre sinasabi ko na 'Prepared enough to meet Him and spend my eternal life with Him'.

Pero, gaano nga ba ako kahanda? 70%? 80%? 90%? 101%?

What I'm trying to say is... handa na ba talaga ako sa kung ano man ang mangyayari weather it is a doomsday, end of the world, or whatever na pwedeng mangyari?

The answer is... not really? Kung pagtitimbangin ang 'Oo' at 'Hindi', syempre mas matimbang ang 'Oo' pero mukhang ayokong sabihin ng buong puso ang salitang yun. Lalong lalo na kung meron pa akong gustong sabihin na hindi ko pa nasasabi. Pero ano nga ba yun?

Meron akong kaibigan na nagsasabi ng ayaw niya pang mamatay nang hindi niya pa nagagawa ang gusto niya.

"Ayoko pang mamatay na virgin pa ang lips ko." Sabi niya. "Ok lang kung hindi na ako aabot sa edad para magpakasal."

"Haha! Baliw." Sabi ko.

"Eh, ikaw?" tanong niya.

"Anong ako?"

"Anong gusto mong gawin bago ang end of the world kung sakaling totoo yun?"

"At naniniwala ka naman dun?"

"Kung sakali nga lang eh."

"Ano nga ba?" Hmmm. Nag isip isip na rin ako, ano nga ba ang gagawin ko?

"Ay, kalimutan mo na yun. Mukhang bukas ka pa makakapag-isip niyan eh." Sabi niya. "Ay mali, baka sa araw mismo ng pagguho ng mundo, saka mo lang maisip kung ano ang gusto mong gawin." Pahabol pa niya.

"Hahaha! Mukha nga." Tatawa tawang sabi ko.

Natapos ang araw na yun at panibagong araw nanaman ang sasalubungin ko.

Nasa school ako ngayon at umagang kayganda ang natamo ko. Because, there's this one guy na naging inspirasyon ko. Hindi kami same sa year level pero same department kami. Kasalukuyang nasa college kami at ako ay third year na. Samantalang siya naman ay second year palang.

Hindi ako mahilig magkagusto sa lalake na mas nakababata sakin. Since second year palang siya, muntik na akong ma turn-off.

Pero nalaman ko naman agad na mas nakakatanda pala siya sakin kung edad ang pag basehan.

Nauna lang ako sa kanya sa year level kasi last year ay nag transfer siya dito sa school namin.

Oo, aminado ako. Simula nang makita ko siya, I couldn't take my eyes off of him. Naituro ko siya sa bestfriend ko at dun ko lang narealize na crush ko pala siya.

(One year ago)

"Nakikita mo ba ang lalakeng yun?" tinuro ko sa bestfriend ko si guy. "I don't know. I just couldn't help myself staring at him."

End of the World Love Story [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon