Uno

54 1 2
                                    

2018
"Alam niyo ba na si Dr. Jose Rizal ay di lang isang doctor, philosopher, nationalist at ang kilala sa pagiging dalubhasa sa pag susulat? Siya rin ay isang freemasonry?"

Sabi ng aming Rizal teacher habang naka ngiti. Sabay himas sa kanyang bigoti na mahaba na kasing kulay ng buhok niya, nasa 65 na kasi sir at halos puti na ang kanyang buhok pero makikita mo parin ang kanyang liksi na parang di pa nagkaka sakit sa tuhod, isa rin siya sa pinaka magaling na guro lalo na sa history ng pilipinas kaya idol na idol ko siya pero nang dahil sa sinabi niya lalo umingay sa loob ng classroom. Lalo na ng mga kababaihan. Habang nagsisitawanan naman ang ibang mga kalalakihan.

May iba naka shock face pa bwesit para silang palaka na nakuryente ang oa na masyado sa laki ba naman ng mata nila pinasobrahan yata sa pag dilat habang naka nga-nga. *exaggerated talaga minsan yung mga babae, ayaw nga lang aminin buti na rin dahil di naging babae yung dalawang kapatid ko kasi pag nagging babae sila nako sakit yun panigurado sa ulo* napatango naman ako habang sinasabi yun syempre sa aking isipan lang baka mapagkamalan akong baliw dito. Napa tingin naman ako sa harapan at sa guro namin habang kagat-kagat yung ballpen ko.

"Talaga sir?"
"Omg whats freemasonry nga pala?"
"Si rizal yan?" sabi naman ng isang kaklase ko na parang di makapaniwala sa kanyang nakita, sabay kamot sa ulo habang naka turo ang kabilang kamay sa letrato na nasa PowerPoint. Halata naman na si Rizal ah naka soot nga lang ng napaka pormal na damit. Pero yung muka Rizal na Rizal eh alangan naman maging mukha ni Juan Luna ang andyan.

"Ang free-mason ay isang international fraternity
organization that took root in Europe and spread all over the world. Its basic aims are to strive for moral betterment, work for the welfare of others, and bring about a universal league of mankind, at oo si Jose Rizal yan at kilala din siya bilang Dimasalang at------- di na natapos ni sir kanyang sasabihin ng tumonog na ang bell hudyat na tapos na ang klase.

Dahil sa tunog nang bell agad-agad na nagsisigawan ang aking mga kaklase at yung iba naman ay humihikab  dahil kakagising lang. "Pssshhh, sayang yung perang ibinayad ng mga magulang nila sa paaralang ito kung ganito naman yung ipinapakita nila sa klase" sabi ko sabay kuha sa mga gamit ko at nag impake ng mabilis para maka alis na at mananghalian. 10:30-12:00 nn kasi ang aming klase sa Rizal. Tapos may kasunod pang panghuling subject. Ang pinaka ayoko, LOGIC. Oo na alam kung baliw ako, alam ko rin na tanga ako kasing tanga ng mga kaklase ko na kasing edad at ka year ko rin. Di ko naman kasi kaya maka harap yung mga priori, medula ganon. Bobo ako sa philosophy lalo na sa logic mahina ako sa analytic skills di ako kagaya nila lalong lalo na sa mga nag major ng philo diyan sarap niyo ipasok sa tank saka itapon sa pacific ocean. Pero nag back to reality naman ako nang nagsalita ulit si sir sa huling pagkakataon.

" see you tomorrow guys. Wag kalimutan may tour tayu sa Carcar City, 7:30 am dapat nandito na kayo or else maiiwan kayo ng bus" sabi niya at tuloyang lumabas ng room. Atay ng manok, may tour pala kami bukas nakalimutan kung magpaalam ng maaga ni papa at mama expected na kasi na late na naman sila uuwi, palagi naman yun eh mas binibigyan pa nila ng pansin yung trabaho nila kaysa samin ng mga kapatid ko kahit anak nila kami pero wala silang pakialam. Naiintindihan ko naman sila pero minsan nakaka inis na rin eh, yung feeling na para kaming walang magulang kahit meron naman. Trabaho ng trabaho tapos panghuli lang ang pamilya kainis buti pa sa San Ildefonso, for sure don ko mafefeel ang feeling nang magkaroon nang may nagmamahal. Andon si lola andon si lola Helena na mahal na mahal ako at mahal na mahal ko rin.

"Bro" - tawag sakin ni Enrique isa sa mga kaibigan ko at kaklase ko rin sa klase kanina at sa pang huli "Unsa?"(ano?) Sabi ko sakanya habang inaayos ang aking bag na may lamang limang libro galing library at pasimpleng huminga ng malalim bago humarap sa kanya, oo nga pala nag-aaral ako sa cebu, andito kami naka tira nang pamilya ko simula ng ma destino si mama at si papa napag desisyonan na rin nila ang mag ala migrate dito sa Cebu. So far mabuti naman ang lagay namin dito at di naman kami nagsisisi na naka tira kami dito sa ganda ba naman ng Cebu hello? Sinong hindi mabibighani?
Pero di ko lang maiwala sa aking isipan ang probinsya namin ang San Ildefonso, kumusta na kaya sila don? Masagana paba ang mga halaman na tinanim ko don? don ako ipinanganak at yung dalawang kapatid ko. 10 years old ako nung umalis kami sa San Ildefonso at tumira dito kaya fluent na rin ako mag bisaya kahit yung accent din nila na matigas kuhang-kuha ko rin.

"Lakaw nata na kahibaw na baya ka na di mi okay ni Liza"( alis na tayo, alam mo naman na di kami okay ni Liza) sabay nguso niya na parang bata na pinag kaitan ng candy.

Napa irap naman ako habang patango naman ng kunti. Di ko alam na ganito pala pagmahal mo yung tao lalo na pag nag-aaway. Ang corny masyado kagatin sana kayo ng langgam.

Habang nag lalakad palabas ng building napag desisyonan naming dumaan sa soccer field para maka iwas sa daming tao at sa masikip na daan dahil sa mga students at para narin maka upo na kami sa pwesto namin dito sa bunzel canteen oh sa sikat sa tawag na engineering canteen. Dito kami tumatambay aside sa canteen namin sa SMED building namin dahil na rin sa sariwang hangin at sa napakagandang tananwin ang soccer field na minsan magmukhang pool pag tag-ulan. Pero pag tag ulan mas gusto ko sa canteen namin don kasi may little forest, nakapa calm kasi ng palagid nakakawala ng stress at napaka ganda sa tenga yung tunog galing sa patak ng ulan na nahuhulog sa mga dahon at sa bobong ng canteen, to be with mother nature is the best thing to do ika nga nila. At ngayon kasama ko si Enrique at si Jason ang twin brother niya. Habang tanaw naman namin ang mga kababaihan na naka upo ng di pangkaraniwan, isa na don ang jowa ni Enrique, si Liza ang ganda niya talaga sa sobrang ganda niya humihinto yung mga tao sa ginagawa nila makita lang siya, para siyang anghel na ibinaba ni God para patibukin ang natutulog na puso ng mga tao, dahil don andaming mangliligaw at nagkaka crush sa kanya, isa na ako don pero walang nakaka alam kasi mas pinili kung isekreto kaysa umamin ako mas importante sakin ang aking mga kaibigan at ayokong mawala yun, magkakaibigan na kami simula ng dumating ako dito sa Cebu. Masaya narin ako dahil naging parte ako ng buhay niya bilang matalik na kaibigan.

Habang nag lalakad kami, napag desisyonan naming maglakad sa gitna ng field, habang inilibot ko naman ang aking paningin sa boung paligid, hanggang sa mahagip ng aking dalawang mata ang isang malaking aso na kasing puti ng buhok ng sir ko sa Rizal history na may nakasabit na isang orasan? Na naka palibot sa bote na may buhangin? Buhangin ba talaga yan? At di lang aso ang aking nakita kundi isang malaking paruparo na kasing laki ng bag ko? Anong klaseng hayop yan? Hayop ba yan? Oh namamalikmata lang ako? Dahil sa aking nakita agad ko naman kinuskus ang aking dalawang mata sa panyo ko. Pero nang pag dilat ko andon parin. Ang nakaka takot ay papalipad papalapit sakin yung paruparo, habang naka tingin naman sakin tung aso na naka higa na sa field. Para siyang husky na maypagka blue yung mata niya samantalang kulay pula naman ang kulay ng paruparo na may itim sa gilid ng kangyang pakpak at may mga desinyo na kulay ginto.

"Baka nag iilusyon lang ako, impossible talaga na sakin papunta yung butterfly at yung expression ng aso pagkakita sakin parang ang saya niya?" Konot noo kung sinasabi yun habang naka tingin sa kanila. Dahil sa pangyayari di ko namalayang wala na pala sa aking gilid ang dalawang asungot. Tatawagin ko sana sila ng biglang di ko maigalaw ang aking bibig, sinubukan kong sumigaw pero ayaw bumuka ng aking bibig. Aalas na sana ako ng bigla nalang nanigas ang aking mga paa. Bat di ko maigalaw ang aking mga paa? Bakit? Halos maiyak-iyak na ako dahil sa sobrang kaba at takot. Dahil sa aking pagka taranta di ko halos maisip na nag bago ang temperatura ng panahon. Biglang humangin ng malakas at biglang napalitan ng makulimlim na nagbabadyang umulan. Ang kanina lang ay napaka sinag na nang galing sa araw, "Wag naman lord, baka di ako maka uwi niyan sa bahay" sabi ko ba sa aking isipan habang nagbabasakaling maigalaw ko ang aking mga paa, tumonog naman ang kampana galing sa chapel kaya't napatingin ako don at napatingin sa kalangitan. Di ko alam kung bakit pero biglang sumakit at sumikip ang aking dibdib? May sakit ba ako sa puso? Wala naman akong kaalam-alam. Di naman ako broken hearted. Bakit masakit? Bakit ang hapdi? Na para bang pinag tutusok tusok ng mga karayom?

Di ko namalayan na umiiyak na pala ako habang pumapatak ang mga butil ng ulan na tumatama sa aking mukha. Di ko alam kung bakit pero bakit gusto kung umiyak? Di ko alam kung bakit ako nalulukungkot, dahil ba di ako makagalaw at di ko maibuka yung bibig ko? Pero hindi eh! Iba ang nasa isipan at puso ko, sakit, kaba na di ko alam bakit, oh baka malungkot lang ako dahil wala si mama at papa sa panahong kailangan ko sila? Pero hindi talaga iba ang nasa akong puso. At di ko mawari kung ano. Iba talaga. Ano ito? Anong meron sakin? Anong nangyayari sakin? Anoo?!!

>>>>>>USC soccer field in the multimedia ^_^

Pag Balik Sa Ika 19 na SigloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon