Cinco

32 0 0
                                    

*Manila 1869*

Isang mabasang damo ang tumama sa aking pisngi, kaya naman ako ay napa ungol. "Ugggh,bwesit kailan pa nagka damo sa loob ng kabinet na to" pahiwatig ko pa habang nakikiramdam sa paligid na nakapikit ang mga mata.

Di ko akalain na ang masikip na kabinet ay nag ex-expand pala? amazing. May damo, saka may hangin pa. Teka ano sabi ko kanina? Damo? Mabasa? Ang damo? May hangin? HANGIN? omg may hangin sa loob ng kabinet?????

Dahil don ay binuksan ko nang dahan-dahan ang aking mga mata. At inilibot sa boung paligid. Oo paligid kasi may puno at mga tao dito. Di ko alam na may sariling mundo ang loob ng kabinet. Nakaka amaze!!!

Hanggang sa may nahagip ang akong mga mata. Mga taong naglalakad na naka.........okay!!! Di ko alam na ganito pala ka love nila ang bayan natin kasi naka baro't saya yung mga kababaehan at naka barong ang mga kalalakihan may iba na naka camisa de chino. Ang cute ang fit sakanila. May kalabaw pa na sa tingin ko ibibinta to amazing.....

Amaze na amaze ako sa aking nakita nang biglang may isang lalaki na nagsasalita. "Binibini, ano po ang ginagawa niyo dyan?" Tanong niya sakin na di naman ako tinitingnan sa mata. Naka yuko si kuya eh at dahil sa action niya ay may na feel akong awkwardness at consciousness sa mukha ko na feel ko may dumi ako sa mukha or baka may muta? Gulaay!!!!!

"May dumi ba kuya sa mukha ko?" Tanong ko sakanya "ba't di ka maka tingin sakin kuya? Is there something wrong? Please tell me" pag hihikayat ko sa kanya.

Pero instead na sagutin niya ang tanong ko isang anong-pinagsasabi-mo-look at naka kunot pa ang kanyang noo.

"Binibini, hindi ko po kayo naiintindihan, sapagka't ako ay isang kutsero lamang di ko ako nakaka intinde ng wikang iba maliban sa tagalog at espanyol" sabi niya sakin na di parin tumitingin sakin.

"Luhhh kuya para kang nasa panahon nang mga kastila. Hello nasa 21st century na tayo, Hahaha alam kong love na love niyo sila Jose at iba pa kaya kayo ay naka damit ka ng ganyan pero duh kuya, saka pati ba naman sa pag gamit ng tagalog? Lalim... kuya simple English is enough " sabi ko na tumatawa habang pinipilit na mag squat galing sa aking posisyon. Nakakadiri kasi yung posisyon kanina.

Naka dapa lang naman. Anyway yun nga nag explain pa ako sa kanya pero lalong kumonot lang yung noo niya at para bang natatakot sakin na para bang ako ay isang baliw? Pwede ba yon?

"May problema ba kuya? Ang cute nang damit mo" sabi ko sa kanya at nag smile nang kay laki pero di siya nag smile back. Bigla nalang tumakbo si kuya at nagsisigaw.

"AHHHHHHHH!!!!!, MAY BALIWWWW SA  LIWASAN!!!!!"  Kaya naman ay napatingin sakanya ang mga tao at diretsong naa tingin SAKIN? ano yung paliwasan besh di ko alam yuuun. Pero sino yung baliw? Ako? Ako yung baliw? Nasa liwasan ako?

Gulong-gulo na ako dahil sa mga nakikita nang di ko namalayan na naka soot din ako ng baro't saya?
"AHHHHHHH, NASAAN YUNG MGA DAMIT KO? PANO NAGING BARONG AT SAYA TO?? NAKA JEANS AKO KANINA AHHH!!!!" Sigaw kung tanong sa aking sarili habang nagtatakbo.

"AHHHHHHHHHH" nagpaikot-ikot ako sa aking pwesto nang biglang may dalawang babae na naka soot nang itim na habito at apat na mga dalaga na kasing edad ko na naka sunod naman sa kanila. Mga madre pala...

"Binibining Helena ano ang nangyayari sayo?" Tanong nong isang babae na may pag-aalala sa mukha.

"Sino ka? Sino kayo? Bakit kayo nandito? Bakit kayo naka soot ng ganyan? May cosplay event ba? Bakit di ako inform? Bakit nasa labas ako? Nasa loob ako ng kabinet kanina lang, oh baka may magic city ang loob ng kabinet?" Tanong ko sa kanya habang nag hy-hysterical na. 

"Binibini, mag hunos-dili ka nasa liwasan tayo," sabi nang isang kasama niya na pilit akong pinapa kalma. "Hunos-dili? Eh di ko nga alam kung ano yang liwasan eh, ano bayan, pangalan ba ng lugar yan dito? Waaaah bakit ba ako nakikipag-usap sa inyo" sabi ko sabay dabog " kailangan ko na umuwi" sabi ko sabay tingin sa paligid, naghahanap ng lugar kung saan may jeep or bus man lang, pero wala,,, wala akong nakitang jeep, mga kalesa lamang ang aking nakikita kaya naman ay napatingin naman ako ulit da kanila "asan yung mga jeep dito? Bus? Or taxi?" Tanong ko sakanila na nagpakunot ng noo nila "ano po ang pinag sasabi niyo binibini? Anong klaseng lenggwahe yan binibini ingles ba yan? Kailan ka natotong mag salita sa lenggwaheng iyan?" Tanong naman nung babae na nasa likod nila.

Lumaki ang aking mga mata dahil na rin sa mga sinasabi nila "anong nangyayari sa pinas, bumalik ba ako sa nakaraan? Oh my God" habang naka hawak sa aking bibig. Totoo ba? Or prank lang geeez prank lang tooo.!!!!

"Nasubrahan na yata ako sa kape, ito talaga ang mang-yayari pag nasobrahan. " sabi ko pa at nag smile naman sa kanila. "Prank to no? HAHAHA alam ko na toooo" sabi ko sabay tabko.

"Binibini saan ka pupunta!!!? Di po diyan ang pabalik sa kombento" sigaw naman ng babae na nasa likod ng madre.

"Anong kombento?" Tanong ko sakanya. "Di niyo na po alam kung ano ang kombento?" Pabalik na tanong naman nung isa kaya naman ay dali-dali silang nag sign of the cross at nag sabi ng PANGINOON ANO PO ANG NAGYAYARI KAY BINIBINING HELENA.  Napa wtf naman ako sa ginawa niya langya mukha ba akong baliw sa sitwasyon ko?

Kaya naman ay napa irap nalang ako at nagsimulang maglakad ulit "bwesit naman oh sang lupalop ba ako ng pilipinas napadpad, ba't walang jeep or taxi, bus ,ba't naka damit barong tagalog ang mga lalaki dito? Napag iwanan ba sila ng generation? Pano nila nalaman ang pangalan ko?" Tanong ko pa sa sarili ko habang naglalakad.

"Baka dahil sa ID ko, tssk minsan talaga bobo ka eh no Heleng" sagot ko naman sa tanong ko kanina.

Habang ako naman ay naglalakad sa ma init pero mahangin na lugar na di ko alam kung anong pangalan. Ay biglang may humawak sa aking dalawang braso at pilit na pinababalik don.

"Binibini di po yan ang daanan sa kombento sa kabila po,papunta po iyan ng simbahan ng Iglesia de San Pablo de Manila." Sabi ng madre na may bahid sa mukha niya ang pag-aalala.

Pero dahil sa sinabi niya ay napalingon ulit ako sa kanila. "Ano sabi mo? Nasa Manila ako? Ito? Pano? Lumipad ba ako? Nag swim in the ocean?" Dagdag ko pa sakanila. "Sagoooot"

"Binibini ano po yung oceyan?" Tanong niya sakin kaya naman ay napa tingin ako sakanya ng di kapaki paniwala. ,"seryoso kaba? Sure ka di mo alam yang ocean? Dagat?"

"Lumen,, tulongan mo kami ang lakas ni binibining Helena. Nasapian siya ng masamang espirito" sigaw nung babae na naka hawak sa kanang braso ko kaya naman ay dali-daling nagsilapitan ang dalawang madre at mga alipores niya at yung mga tao.

Nak ng pating nag dala pa sila ng scene dito, saka ako? Nasapian? Kanina baliw, ngayon naman ay nasapian ano paaaaaa!!!!  "Hoy anong sabi mo? First of all I'm not crazy, kayo ang mga baliw stop this prank naaaa ayoko na. Second di ako nasapian ng masamang espiritu,baka kayo" na pilit kong kumakawala sa kanilang pagkakahawak.

"Tulongan niyo kami kailangan maalis ang masamang espiritu na yan sa katawan ng binibini" sabi nung madre kaya naman ay dali-dali silang humawak sa akin at dinala sa simbahan.

"Waaaaaah!!!!! Bitawan niyo ko isusumbong ko kayo sa mga magulang ko makikita niyo saka kinednap niyo akoooo ipapa demanda ko kayu pano ako napunta dito eh nasa cebu akooo" maiyak-iyak kung sigaw sa kanila.

Nang makapasok na kami ng simbahan ay pilit na ipinahiga nila ako sa altar at sabay na nagdadasal.

Habang ako naman ay pilit na kumawala sa kaninang mga kamay na nakahawak sakin ng sobrang higpit.

Maya-maya ay may lumapit sakin na isang lalaki na naka soot ng isang barong na may dalang libro na parang bibliya o baka bibliya at humarap sakin.

Matangos ang kanyang ilong, na medyo makapal ang kanyang labi, di siya maputi kasi kulay kayumanggi ang kanyang balat. Wavy naman ang buhok niya na kulay itim. Kasama niya ang matandang aking nakita sa Balay na tisa at sa school. Siya ay naka tingin sakin na para bang gusto akong katayin?.

Lumapit sakin yung lalaki at pinaamoy na sobrang bango parang amoy ng isang mamahaling perfume at dahil don ay kumalma naman at di na naisipan pang gumalaw at tumingin nalang sa mga taong naka paligid sakin na may pag-aalala.

Ng biglang bumigay ang aking mata at tuloyan nang nawalan ng malay.

Pag Balik Sa Ika 19 na SigloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon