Sopia's POV:
Alas otso na ng gabi ng makauwi ako sa bahay, unang araw ko kasi ngayon sa trabaho. Nga pala hindi ko nakwento sa inyo, natanggap na pala ako sa inaaplayan kong restaurant.
Kaya heto medyo pagod, nadatnan ko si Tita (kapatid ni Itay) na naghahanda ng pagkain at si Itay naman nanonood ng T.V. sa sala. Nagmano na lang ako sa kanila at diretso na agad ako sa kwarto ko, kumain na rin kasi ako kanina.
Hay! Ayan na naman. Sa tuwing makikita ko si Itay para bang dinudurog yung puso ko, wala kasi akong magawa para maibsan man lang yung dinaramdam niyang sakit, yung kahit kaonti lang. Simula kasi nung namatay si Inay, di ko na nakitang ngumiti man lang si Tatay. Masakit para sa kanya yun, mahal na mahal niya kasi.
Tatlong taon palang ako nun, pero tandang-tanda ko kung paano nagbago ang lahat nang mawala si Inay.
Mas malala pa nga ngayon kasi may sakit si Itay , magtatatlong buwan na siyang nagkastroke.
Gusto ko na atang umiyak. Ano ba to? Parang di ko maintindihan sarili ko , bigla na lang bumigat pakiramdam ko? Hay!
Ano ba Pia? Kinakausap mo naman sarili mo!
Tsaka nga pala di kami sabay umuwi ni Procs ngayon.....
Namiss ko tuloy siya!
Ay, ba't Ganun?
Parang halos araw-araw ko naman siyang nakikita sa school ah?
Hahay, anu ba talaga Pia? -__-
Nakatulala na naman ako habang titig na tiitig doon sa picture naming dalawa sa may dingding.
Naalala ko tuloy kung paano nagbago yung pakikitungo ko sa kanya simula ng araw na yun.
Kinikilaig na naman akowwwwwwwwwwwww. ^________________^
Ay siya nga pala di ko pa pala naishare sa inyo kung paano ko siya naging crush. Hehehe
Pero di ko ikukuwento sa inyo. Hahahaha. Madamot ako eh!
Joke lang!!!! ^_______^
F LASSSSSSSSSSSSSSSSHBACKKKKKKKKKKKK :) 😍
Papatawid ako ng mga sandaling iyon pauwi na kasi ako nang biglang nandilim ang paningin ko na para bang nawalan ako ng lakas ngunit nagpatuloy pa rin sa paglalakad at tumawid ng diretso.
Hinang-hina ako at biglang narinig ko ang malakas na busina ng isang sasakyan, mabilis ang takbo nito na mukhang may hinahabol.
Di ko namalayang papalapit pala ito sa akin. Huli na ang lahat at hindi ako nakailag, nawalan ako ng malay, at ang sakit ng kaliwang braso ko.
Sa kabila nun, narinig ko ang boses ng isang lalaki na sinisigaw yung pangalan ko,
"Pia, gising, gising!"
Mahigpit yung pagkakahawak niya sa akin, nakaramdam ako ng patak ng luha sa aking mukha, umiiyak siya. . .
Wala na akong lakas para idilat pa ang mata ko, nagising na lang ako isang umaga.
"Nasan ba ako, anung nangyari sa akin"? - Ako
"Huminahon ka Pia, nasa ospital tayo, nasagasaan ka kasi kahapon". - Lalaking di ko kilala
"Sino ka ba ?", mabilis na tanong ko, nakatalikod kasi siya habang naghahanda ng pagkain at kinakausap ako.
"Hindi mo ba ako kilala?", sagot niya habang unti-unting humarap sa akin.
"Procs ikaw ba yan?"
"Oo bakit?"
"Ano ginagawa mo rito?"
"Alalang-alala kami sayo, alam mo ba yun"? Halos di kami mapakali kahapon."
Sabi niya sabay haplos sa buhok ko, at ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin.
"Weeeew, anu ba 'to bakit parang naiilang ako, sa totoo lang di ko inakalang siya nagdala sa akin dito. May tinatago din palang kabaitan ang mokong na to. "^_________^
" May kailangan ka pa ba? Huwag ka masyadong magkikilos ah? Pinagbilin ka kasi sa akin ng Tita at Itay mo, aalis muna ako sandali ha?
" Teka, paano mo nakilala ang pamilya ko?" -Pia
"Mamaya na yang mga tanong mo, magpahinga ka muna at kumain ka. May bibilhin lang ako, sandali lang at babalik agad ako, pramis!" *_^
MAbilis na sabi niya sabay. . . . . . . . halik sa noo ko!
Natameme ako bigla, di ko alam anu gagawin ko. Anu yun? Ano ibig sabihin nun? Hay fairy godmader, anu pinakain mo sa taong yun? Ilang taon na kong inaaway nun, tas ngayon may nalalaman pang pahalik-halik sa noo ko! Clue naman po, bobo ko kasi minsan, hirap mag-analyze. -_-
Napangiti na lang ako bigla ng ganito.
^________________________________________________^
Kung panaginip to, sana di nako magising ! HAhay!
**********END OF FLASHBAck*******************
Simula ng mga sandaling yun, nagbago na tingin ko sa kanya, unti-unting nawala yung inis at galit , di na rin niya kasi ako masyadong kinukulit. Friends na nga kami, bestfriends na nga siguro.
Author's note: Weeeee, ayan may upadate na! Salamat po sa mga readers, di niyo po alam kung gaano niyo ako napasaya! As in! Yung feeling na bago ka pa lang at may bumabasa na sa work mo! Appreciate ko po kayo ng sobra! :) :) Hope you'll continue reading and please do have your comments po, malaking tulong po yun para sa mga baguhang tulad ko. AJa!
BINABASA MO ANG
WWHT?
Teen FictionThey say people come and go, NOTHING lasts forever (so cliche right?). But why there are still things haunting you though you're trying to write them in the sand where the waves of forgetfulness could wipe them out forever?