Ikalawa

32.1K 739 6
                                    

Ikalawang Kabanata

Agad na napaluhod si Paula sa tabi ng hospital bed ni Alex. Her strong, domineering, handsome man was lying on this small hospital bed looking so helpless. Vulnerable. Both of his legs were wrapped with white clothing. Kung hindi siya nagkakamali ay naka-simento ang mga iyon. He also has bruised lips and cheeks. "Oh, Alex." She cried and held his right hand.

Hindi siya makapaniwalang makikita niya ang lalaki sa ganoong sitwasyon. He is always careful, calculative and strong. Kaya noong marinig niya na aksidente ito ay hindi siya makapaniwala. Hinaplos niya ang baba nito kung saan bahagya nang mas mahaba sa dati ang stubbles nito. Alex don't like to clean shaved his jaw. Simula kasi nang tumanda ito ay mas pinili nito ang "rugged" look. Mukha kasi itong bata kapag hindi. She could still remember kung paano niya ito asarin noon kapag wala iyon.

"Wake up, love." Bulong niya sa palad nito bago iyon nilapatan ng halik. Yes. She loves Alex. Hindi ganoon kadaling kalimutan ang pagmamahal niya para sa lalaki. Kahit gaano pa man kasakit ang nangyari five years ago ay hindi niya magawang makalimutan ang lalaki. Nililinlang niya lang ang sarili.

"Paula, pupunta lang ako sa doktor. Dito ka muna?" Napalingon siya kay Anderson na kanina pa nakatitig sa kapatid. Marahil ay hindi rin nito lubos maisip na mangyayari iyon sa kanyang kuya. Binigyan niya ito ng tipid na ngiti bago inabot ang palad nito upang pisilin.

"Go ahead, Andy. I will look after him." She assured him. Hindi siya aalis sa tabi nito hangga't hindi ito nagigising upang palayasin siya roon.

Nang makalabas si Anderson ay agad kinuha ni Paula ang isang upuan sa gilid tsaka hinila iyon palapit sa higaan ni Alex. Pinagmasdan niya ito pansamantala. She misses his dark brown eyes. His voice. His sweet smile. Paula smiled weakly. "Hello there, my love... my darling.", mahina niyang saad. All the sadness and longing for this man evident in her voice. Hindi niya pansin ang mga luhang tuloy-tuloy ang paglandas sa kanyang mga pisngi. "Did you miss me?", she had asked. Something that she would not dare to with a fully conscious and awake Alex.

Kinuha niya ang kamay ng lalaki at dinala iyon sa kanyang mga labi upang muling kintalan ng halik. "Because I have missed you so badly, darling.", aniya.

Ilang saglit niya pa itong muling tinitigan. Binalot ng katahimikan ang buong silid. Tanging ang tunog ng mga medikal na makinarya lamang ang naririnig. Hindi niya inaalis ang titig sa lalaki na animo ay mawawala itong bigla kung aalisin niya ang sulyap dito.

Suddenly she remembered one of those things she had read on those novels she often reads. Sabi roon ay makakabuti daw sa mga taong na-comatose na kausapin, kwentuhan. Pinunasan niya ang mga mata at ibinalik ang mga ngiti sa labi. Why not try talking to him about things they had shared? Mas lalong lumawak ang kanyang mga ngiti nang maalala ang unang-unang beses na nakita niya si Alexander. They were just kids back then...
**

YOUNG Paula and Anderson was silently building a leggo house in De Guzman's backyard. Ilang araw palang siyang naroon sa Moalboal ay heto at nakahanap na siya ng kaibigan. Sabi ng kanyang mama ay dito na sila titira at hindi na babalik sa siyudad. Sa mga De Guzman nagtatrabaho ang kanyang papa. Isa ito sa mga pinakapinagkakatiwalaan ng mag-asawang De Guzman. Noon ay umuuwi ito sa Cebu City tuwing Sabado at Linggo, ngunit noong mga nakaraang buwan ay bibihira na itong makauwi. Na-promote daw kasi ang kanyang papa ayon sa kanyang mama. Upang tanggapin daw iyon ng kanyang ama ay ini-offer ng mga De Guzman ang bahay sa di kalayuan upang tirahan nilang mag-anak.

"Paula, you stay here, okay? I will just go get something in my room." Napa-angat ng tingin si Paula sa lalaking kalaro. Mag-kasing edad sila ng lalaki. May katabaan ito at madaldal. Sabi ng kanyang mama ay wala daw kasi itong masyadong kalaro dahil malalayo ang mga bahay dito. Kaya naman nang pumasok bilang katulong sa bahay ang kanyang mama ay heto siya at naroon na rin araw-araw. Nakaka-nose bleed nga lamang ito minsan dahil parang ingles ang pangunahing lengwahe nito. Sabi ng kanyang mama ay makabubuti naman daw iyon sa kanya para mas matutuo pa siya ng ingles.

Naalala niya pa na sabi rin ng kanyang mama ay may kapatid daw si Anderson, pero noong mga nakaraang limang araw ay ni anino nito ay hindi pa niya nakikita. Mas matanda daw iyon sa kalaro at iba ang mga hilig kaysa sa nakababatang kapatid.

"Look out!" Agad na napalingon si Paula sa sumigaw. Ngunit mali ang ginawa niya. Tumama ang isang bola sa kanyang mukha! Natumba si Paula at tumama ang likod sa mga nagkalat na lego. Pinigil niya ang iyak. Kahit masakit ay hindi siya iiyak. Maaabala niya ang kanyang mama at mag-aalala lamang ito sa kanya. Napapikit siya at napahawak sa kaliwang pisngi kung saan tumama ang bola. Namamanhid iyon.

"I said look out, bakit ka tumingin sa akin." Saad ng tinig ng isang lalaki. Hindi iyon si Anderson. Dahan-dahang iminulat niya ang kanyang mga mata upang salubungin lang naman ng isang anghel. Nasa langit na ba siya? Ani Paula sa sarili. Tila nawala ang sakit sa kanyang pisngi at likuran.

Sa kanyang harapan ay isang lalaking kahawig ni Anderson. Ngunit iba ito sa kaibigan. Payat ito, may kahabaan ang buhok na sa tingin niya ay sumusunod sa bawat galaw ng lalaki. Umupo ito upang tignan pa ng mas maigi ang mukha niyang tinamaan ng bola. Napasiklot siya ng hawakan nito ang kanyang kamay. "Hey, I am sorry. Saan tumama?" Tanong ng lalaki. Hindi niya naiintindihan ang sinasabi nito. Tanging sa gwapong mukha lamang nito naka-ayon ang buong atensyon niya.

"Alex! What have you done!" Pareho silang napatingin sa tumatakbong si Anderson. Agad nitong dinamba ang lalaki sa kanyang harapan. "Sinaktan mo si Paula! Isusumbong kita kay Daddy!" saad ng kanyang kaibigan at pinaghahampas ang lalaki.

"Andy, okay lang hindi naman masakit." Bumangon si Paula at pinigilan ang kaibigan. "Sure ka?" Baling nito sa kanya at tumigil sa paghampas sa lalaki. "Ikaw kasi, kuya!" Hirit pa nito at pinalo ulit ang lalaking tinawag nitong Alex. Ito pala ang Kapatid ni Andy.

"Are you sure? We can put oinment on your face." Nag-aalalang tanong ni Alex kay Paula. Hawak na niya ngayon ang kamay ng kapatid upang hindi na siya mapalo. Tumango lamang si Paula at ngumiti

Ngumiti rin ang lalaki. Noon ay bumilis ang pagtibok ng puso ni Paula. Naalala niya ang kwento ng ina noong napagtanto nito na mahal nito ang kanyang ama. Her heart pounded. Sweat dripping off her forehead. Napatulala at ang buong mundo ay sa lalaki lamang nakatuon. Love at first sight?
**

"YOU had me at first smile, did you know that?" Patuloy ang paghaplos niya sa kamao ng lalaki habang kinukwentuhan pa ito ng mga bagay-bagay. Makalipas ang ilang minuto ay natagpuan niya ang sarili na inaabot ang may kalaguan na nitong facial hair gayon din ang buhok nito. Dinala niya ang mga kamay sa buhok nito upang haplusin iyon. Mamaya ay magpapabili siya kay Anderson ng shaving cream at gunting.

Napangiti siya ng maalala ang isang pangyayaring hinding-hindi niya malilimutan. Hinaplos niyang muli ang may kahabaan nang buhok ng lalaki.

"Remember the times when I cut your hair?" kwento niya sa lalaki habang sinusuklay ang buhok nito. Those days were brief yet wonderful times. "Sa sobrang satisfied mo, ayaw mo nang bumalik sa barber mo." Natatawa niyang saad. Naalala niya pa noong sobrang naging busy sila ni Anderson sa school dahil graduating na sila at hindi nakakauwi ng Cebu ay pinuntahan siya ng lalaki para lang magpagupit sa kanya. Nagtatrabaho na kasi ito noon. Sobrang namiss na daw kasi siya nito at higit sa lahat ay kailangan na nito ng haircut.

"Pasimple ka pa, miss mo lang ako noon, eh." Biro niya sa natutulog na lalaki. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa stool at sumiksik sa tabi nito at duon umupo. Malaking tao si Alex at hindi siya kasya sa maliit na hospital bed. Itinaas niya ang kamay at braso nito at duon pumwesto. Ipinulupot niya sa kanyang baywang ang kamay ni Alex.

"Gugupitan kita, ha?" Saad niya at hinaplos ang pisngi nito. "Just like the old times." She said before kissing his cheek. "Habang tulog ka pa at hindi mo pa ako pinapalayas." Malungkot niyang bulong sa tainga nito. Sumandal siya sa unan at pinalupot ang braso sa dibdib nito. "Pero dapat gigising ka, ha?" humigpit ang hawak niya sa braso nito. "Kahit hindi ka na akin. Basta gumising ka lang, masaya na ako." Pinunasan niya ang mga luhang naglandas sa kanyang mga pisngi. Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya. "Magising ka lang, Alex. Masaya na ako." She kissed his cheek one more time. "Masayang-masaya." She whispered, not even aware that on the other side of his face, a tear fell.

To Love a Devil [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon