Hwayugi: A Korean Odyssey (Fanfiction) - FINAL

129 6 2
                                    

Hwayugi: A Korean Odyssey (Fanfiction) — FINAL
by Uristhane

Hindi mapakali si Jin Seon-mi nang mapansing nawawala na naman si Son Oh Gong. Matatandaang ilang beses na itong napagalitan at umabot nang pagbantaan ito ng sarili nitong guro matapos itong magdulot ng malaking disgrasya sa isang paaralan malapit sa kanilang bahay. Ayon sa kanyang asawa, may lumabas daw na masamang espiritu na hindi makadaan sa kabilang buhay na nanggulo sa naturang paaralan, ilang mga bata ang muntik ng mamatay nang dahil sa pag-atake nito.

Nauunawaan naman niyang walang ibang nais ang butihing asawa kung hindi tulungan ang mga bata. Kaya lang, labas na yata sa kwento na masunog nito ang buong paaralan. Ngayon malaking problema kung paano nila aayusin mag-asawa ang idinulot nito lalo't pinagpipiyestahan na ngayon ng media ang hindi maipaliwanag na pinagmulan ng sunog! May kumakalat pa sa social media na video na bigla na lang lumiyab ang paaralan na para bang ang apoy mismo ang lumapit dito at lamunin ito ng apoy sa isang iglap.

"Nasaan ka na ba ngayon, Son Oh Gong?!" sigaw niya nang ilang beses niyang sinubukang tawagan ito sa cell phone. She can't call him anymore whenever she wanted. Iyon ang naging bunga matapos siya nitong iligtas sa kabilang buhay. Tama yatang sabihin na kunin mula sa kabilang buhay.

Napasuklay na siya ng buhok nang magpasya siyang tawagan na si Ma Wang. "Hello... Sam Jang? It's been a while. Kumusta na ang pabo--"

"Can you help me find Oh Gong?"

There's a moment of silent when Ma Wang deeply sighed as if he is really bothered by what he has heard. "Look, Ms. Jin Seon-mi, tulad ng sinabi ng unggoy na iyon dati. He gave his half to you, mas madali para sa 'yo na makita o mahanap siya lalo't magkadugtong na ang inyong buhay na dalawa. Although the Geumganggo will still probably work hindi na ito kasing lakas tulad ng dati but your life and his life are now one. Why not try to calm down and think of him?" Natigilan siya at naalala ang mga bagay na 'yon. Magkarugtong na ang buhay nila ni Son Oh Gong, whatever he can do ay kaya na rin niyang gawin. "Now, find his presence using only your mind..." Ginawa nga niya ang sinabi nito pumikit siya at huminahon sandali.

In just a moment nakita niya agad kung nasaang lugar ngayon ang asawa. He's with the Ice Emperor right now!

"Pasalamatan mo na lang ako mamaya--" Hindi pa natatapos ni Ma Wang ang kaniyang sinasabi nang patayan na ito ng tawag ni Mi Jin.

"That brat! I can't believe her turning her phone off like that!" Ma Wang madly adjusted his eyeglasses and sip on his cup of tea.

"Should I kill her?" Secretary Ma expressionlessly asked Ma Wang.

"No, ayokong madagdagan pa ng ilang dekada ang taong bubunuin ko bago ako maging isang diyos. I can't be treated like a rug for the rest of my stay here on Earth but still kailangan maganda pa rin ang record ko lalo't magiging malaking tulong ang mag-asawang iyon." Naiyukom niya bigla ang mga kamay. "Pero hanggang kailan ba ako gagantihan ng mag-asawang iyon, I can't be like this! Mas malakas na ako sa unggoy na iyon! He is nothing compare to me now!"

Napukaw pareho ang pansin niya at ng sekretarya nang makatanggap ng mensahe sa kanilang group chat. "Thank you!" Nagmula iyon kay Seon-mi.

Biglang napawi sa isang iglap ang inis at iritasyong kaniyang nararamdaman ngayon-ngayon lang. Napalitan pa nga iyon ng isang munting ngiti sa kaniyang mga labi. "At least she knows how to say thank you. Let them be. Ayoko rin naman ng gulo." Tatawa-tawa itong ibinalik ang atensyon sa binabasang isang artikulo sa dyaryo.

Yumuko lang si Secretary Ma bilang tugon.

***

Napasabunot na si Son Oh Gong nang walang pag-aalinlangang isupalpal sa mukha niya ang totoo. "Iyon ang totoo at iyon ang tama Great Sage," dagdag pa ng Ice Emperor sa sinabi nito.

Hwayugi: A Korean Odyssey (Fanfiction)-FINALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon