Mr. Dreamboy ... For REAL?!

11 0 0
                                    

PROLOGUE

       Hay naku! Inip na inip na ko. Gusto ko na siyang makita. Gusto ko na siyang makilala. Gusto ko nang makilala at mapansin niya ko. Pero paano ? eh mukha lang naman akong invisible sa kanya kahit na nasa harap na niya ko. Ang tagal ko nang nagihihintay sa kanya... sa Mr. Dreamboy ng buhay ko! Haleeeer! I exist kaya!

       Hanggang imagination at daydreaming na lang ba ako ? Posible kayang si Mr. Dreamboy will turn into reality? Maybe yes. Maybe no. I don't know.

CHAPTER 1

    "Hoy Ciara ! Ano na naman ba 'yang sinusulat mo, ah ? Ilang araw ka nang nagsusulat sa notebook na 'yan ah . Para saan ba 'yan ?'

Sabi ni Andy sabay bagsak ng mga libro niya sa table kung saan ako nagsusulat.Bastusing bata talaga 'toh kahit kailan. -_-

    'I'm writing a novel,can't you see ?! Don't talk to me,I'm busy'.

Pinagpatuloy ko na lang 'yung pagsusulat ko, pero si Andy lalo lang akong kinulit at inagaw yung teddy bear kong ballpen.

   'Don't English me,I'm panic! Novel ka dyan! May balak ka bang palitan sina Bob Ong at Marcelo Santos ?!'

Sabay upo nya sa tabi ko at binuklat yung notebook na pinagsusulatan ko para basahin yung sinulat ko.Pero bago pa nya mabuklat iyon, inagaw ko na agad yun sa kanya with my full force.Wew! that was close!

  'Akin na nga 'yan Andy! Hindi noh, wala akong balak.Pero malay mo in the near future, sumikat ako dahil dito. Ikaw President ng Fans Club ko ah! hahaha! '

  'Sus! In your dreams! Assumera ka talaga! At kailan ka pa natutong magsulat ng novel, aber?!'

Napatingin ako sa kalangitan.Napangiti at napaisip. Kailan nga ba ? Siguro nung ...

  'Siguro nung makilala ko sya....'

*FLASHBACK*

   It all started when I was in 3rd year high school.Ni- required kasi kaming manuod ng teacher namin sa MAPEH ng laban ng basketball ng school namin.Hay! hassle naman oh! Imbis na uuwi na lang, manunuod pa ! Eh ano naman kasing pakialam ko dun ?! Hindi naman kasi ako mahilig sa sports,duh! Ni wala nga akong talent dun eh . But, no choice eh ! Required, Ibig sabihin, may grade 'yun. Utang na loob. Kung hindi lang sana ako isang dakilang Grade Conscious hindi ko talaga gagawin 'yun.

  At ito na nga, hanggang sa makarating na kami sa court ng kalaban naming school,naupo na sa bleachers na malapit sa playing area ng mga players (arte kasi ng mga kaibigan ko eh.Para daw malapit sa mga crush nilang Varsity ng school namin),nagrereklamo pa rin ako kasi wala naman talaga akong alam sa sport na ito. Hay buhay. -,-

  'Duh! Ciara! Wag ka na nga magreklamo dyan. Wala rin naman magagawa 'yan eh . Kay Sir ka magreklamo.'

Sabi ni Twinkle na mukhang kanina pa naiirita sa'kin. Irapan daw ba ako?

 'Sorry naman noh! Boring kasi manuod kung wala ka namang alam sa pinapanuod mo'.

Nagmamaktol na talaga ako. Gusto ko na lang talaga umuwi.

 'Ciara my friend,kaya nga tayo manunuod ng basketball para may malaman tayo at matuto kung paano nilalaro ang basketball.'

Sabay ngiti naman sa'kin ni Chloe. Sa aming apat, siya lagi ang pinakakalmado sa lahat ng oras at sa lahat ng sitwasyon. Hindi ko alam kung paano maging ganun. Sana mahawa man lang ako kahit 10% man lang.

  'Oh my gosh! Oh my goshes! Malapit na magstart yung game! Waaaaaaaaaahhhhh!!! Ciara! Enjoyin mo na lang 'yung laban! Icheer natin si Dave! Waaaaahhh! Lalabas na silaaaa!'

At ito naman si Rina na akala mo laging may emergency. Hyper much eh! Halos mabasag na yung eardrums ko sa kakatili nya. Kawawa magiging boyfriend nito, panigurado palaging bugbog sarado yun sa tuwing kinikilig si Rina. May dala pang malaking tarpaulin na may pangalan ni Dave,yung super crush niyang player sa team namin. 

Isa-isa nang tinawag nung announcer yung mga players ng magkabilang team. Ang lakas ng hiyawan sa loob ng court.Kanya-kanyang cheer yung mga tao kabilang na yung mga kaibigan ko. Nakakabingi,sobra.Ako, tahimik lang. Tinitingnan isa-isa ang mga players ng school namin.Sus! Wala naman palang gwa------ O__________O May isang player na biglang lumabas mula sa entrance ng playing area.

 'Coach, sorry I'm late''Andrew! Lagi ka na lang late! hindi ka na nagbago! Final game na natin ito at ikaw lang ang inaasahan ng team natin! oh sya, kayo ang first five ah. Galingan nyo! Ajaaaa!'

So.... Andrew pala ang name ni cutie guy. Lakas kasi ng boses nung coach nila eh, narinig ko tuloy.Huehuehue xD. Infairness, ang gwapo ah. Siya lang yata ang may itsura sa buong team... ay hindi, dalawa pala sila ni Dave,,, pero mas gwapo siya kay Dave. Ay,ewan! Tinitigan ko lang siya hanggang magsimula  na 'yung game. Hindi siya ganun katangkaran, sakto lang pero magaling sya ah! Unang quarter pa lang ng game pero nakakailang 3 point shot na sya,tambak na agad yung kalaban ng 12 points. Ang cute niya lalo na kapag ngumingiti siya, chinito kasi tapos may dimples pa. Ang tangos din ng ilong. Yung lips nya kissable rin... ang sarap i-kiss! tapos.. tapos... waaaaahh!!! I think I'm gonna die na! Tumingin kai sya sakin eh ... waaahh .. ang hirap magpigil ng kilig. Basta, ang gwapo nya lang talaga! Ang astig nya pa maglaro. Pati tuloy ako napapatili na kapag nakakashoot sya. Nakakainlove eh !

 Natapos ang Final Game sa score na 104-92. Syempre, ang team namin ang nanalo. Ang galing kasi ni Andrew my loves eh! ^-^

  'Oy Ciara, anong ngiti 'yan ? Akala ko ba boring manuod ?'.

Tanong ni Twinkle na paos dahil sa kakasigaw kanina.

'Wala 'toh noh. Syempre panalo team natin eh'.

Palusot ko na lang para hindi halata, Hindi pa rin mawala yung ngiti ko kahit papalabas na kami ng court . kesenemen eeeeehhh!  XD

'Sus. Palusot.com ka pa dyan. Alam ko namang si Andrew lang ang tinitingnan mo buong game eh '.

'Paano mo nalaman Rina?'

Nagulat ako dun ah . Napatakip tuloy ako ng bibig pagkasabi ko 'nun.

'I knew it! haha Ciara, paano ko nalaman ? Secret! Pero, kilala ko si Andrew, gusto mo ilakad kita?'.

Ilakad ? Mukha naman akong cheap pag ganun. Parang ako pa nanliligaw sa lalaki. No way!

'Naku Rina, wag na noh! Di ko naman 'yun crush. Tara na nga!'.

'Pakipot pa ah! Bahala ka nga dyan.'

After nun, umuwi na kami. Hindi pa rin talaga maalis sa isip ko si Andrew . Ang gwapo nyang pagmumukha at ang galing nya sa pagbabasketball. Haaaayy ... na-love at fist sight yata ako?! Kailan ko kaya ulit siya makikita?

*END OF FLASHBACK*

 ****************************** Please vote and write a comment for me to see if I would continue this story ... THank you ! Much love! :)))***********************

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Dreamboy ... For REAL?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon