" Prince Ferrin.. anong ginagawa mo dito? baka makita ka ng step mother mo at maparusahan nanaman ako"
hindi siya kumibo lumapit siya sakin at umupo siya sa tabi ko.
ang sabi nya " Ang ganda ng mata mo, ang labi mo ang sarap halikan"
hinawakan nya ang pisngi ko, pababa sa labi ko.
naisip ko " hahalikan ba ko ni Prince Ferrin?"
pinikit ko ang mga mata ko at naghintay ng naghintay ng naghintay na dumampi ang labi nya sa labi ko. nararamdaman ko na ung hininga nya, ang bango...
pero bakit ganun hindi parin lumalapat ung labi nya sa labi ko....
"DOLORESSSSS"
" gumising ka na dyan! tanghali na pupunta pa tayo sa palengke!
sigaw ni Nanay Beth.
bumangon akong nakasimangot.
"Asar naman malapit na kong halikan ni Price Ferrin haay.
bumangon na ko sa aking higaan at ng ligpit ng pinaghigaan ,kung hindi bubuhusan nanaman ako ni Nanay ng malamig na tubig.
" Haay buhay nga naman"
Ako nga pala si Dolores Pinagtalo. 20 yrs old.
alam ko na iniisip nyo ang pangit ng pangalan ko. noong highschool pa ko tinanong ko si nanay kung anong ibig sabihin ng pangalan ko. sagot nya sakin
"hindi ko alam, binigay lang yan ng tita Gloria mo"
so ang ginawa ko nag search ako kung anong ibig sbihin ng pangalan ko.
DOLORES means "LADY OF SORROW"
ang sama diba? kaya ang sabi ko sa best friend kong si Belinda na meaning of her name is "VERY BEAUTIFUL". na itawag nya sakin ay Doly para sosyal ng konti.
hindi ko na nakilala si tatay, si nanay beth na ung tumayong tatay at nanay ko. pag tinatanong ko sya kung san ang tatay sabi nya lang patay na. masaya naman kaming mag nanay. tinaguyod niya akong mag isa at na katapos naman ako ng pag aaral. isa na kong lisensyadong teacher.
mahilig ako sa mga fantasy pinaka paborito kong libro ung twiglight, minsan naiisip kong ako si Bell at my dalawang lalakeng nag papatayan para sakin hahaha. sabi nga ng bestfriend ko mag sulat na daw ako ng libro kasi malawak ang imagination ko. hahaha
Author: 1st time kong sumulat sana magustuhan nyo :) enjoy reading!!
BINABASA MO ANG
My fantasy
FantasyThis is a work of friction. Names, character, places and events are product of author's wild imagination.any resemblance to actual person , living or dead are purely coincidental.