Mr. Sticky Note ♥

159 3 0
                                    

"Without 'U'...hindi mabubuo ang isang 'LUKE'. Without 'AYL'...hindi mabubuo ang aking mga 'SMAYL'."

"Ayee! In fairness, nakakakilig yang mga sinasabi niya, ha kahit medyo korni! Tsaka lumelevel-up na mga pinagsasabi ni Mr. Sticky Note."

Yup. Kay Mr. Sticky Note galing yang mga yan. Everyday siyang naglalagay ng mga sticky note sa may locker ko na may mga quotes or messages niya for me. Hindi naman siya nagpapakita saakin eh, mag two-two months na akong nakakatanggap ng mga ganito sa kanya, kay "Luke". Nung una hindi niya sinasabi yung pangalan niya sa mga sticky notes na binibigay niya kaya tinawag namin siya ng bestfriend kong Mr. Sticky Note. Pero di nagtagal, rineveal din nya yung pangalan nya pero ang kaso, first name lang walang last name.

Ako nga pala si Ayl Mika Gonzales. Freshman sa college, simple lang naman akong babae eh, matalino, palakaibigan, masiyahin at syempre maganda. Hihihi! Pauwi na nga pala ako ngayon kasama ang bestfriend kong si Nicole.

"Ah, eh, Mikayl. May nakalimutan pala ako sa library. Kunin ko lang, ha? Sige." At tumakbo na siya palayo. Oo nga pala, Mikayl ang tawag saakin ni Nicole. Mika + Ayl= Mikayl. ^v^

"Ayl, Ayl!" Sabi ng isa sa mga classmate ko sa Trigonometry na hingal na hingal. "Pumunta ka sa may library, may naghihintay sayo dun. Sige ha. Bye!"

"Sino ba--" Pagkalingon ko, wala na pala siya. Ano ba yan, ang weird ng mga tao ngayon. Tsk tsk! Punta na nga lang ako, total andun din naman si Nicole eh.

Nakarating na rin ako dito sa 3rd floor kung saan matatagpuan ang library. Pagkarating ko sa tapat ng pintuan may nakita akong dalawang sticky notes na yellow. Yung una..."Ikaw ba si Hanna?" Ah so pick-up line pala. Samantalang yung pangalawa eh, "Ang nakatadHanna saakin?" Asuus! Dami talagang pakulo nung Luke na yun. Pano ko nalaman? May -L sa baba.

Binuksan ko yung pintuan at pumasok. Pero, nagulat ako sa nakita ko. Walang bahid na simbolo na may tao (Naks. Ang lalim nun ah!). At ang daming nakakalat na libro! Ano bang nangyayari? So no choice ako kundi pulutin sila isa-isa. Pero, nagulat nanaman ako! May something talagang nangyayari dito eh. Ano bang pakulo ang ginagawa ng Mr. Sticky Note na yun? Pano ba naman kasi, pagkapulot ko ng unang libro meron nanamang sticky note na nakadikit sa sahig,

"I'm like a statue, stuck staring right at you." Pinulot ko ulit yung pangalawang libro, 

"You're my sweetest downfall, baby." Bakit nya ba to ginagawa? Bat di sya nagpapakita saakin? Ang dami kong tanong pero tinuloy ko parin yung pagpulot ng books at lahat yun may mga sticky note sa ilalalim with quotations, of course.

Nasa huling libro na ako at kakaiba to kasi ito yung pinakamalaki at pinakamakapal. Weird naman. Binuhat ko yun at muntik ko ng mabitawan yung hawak kong libro dahil sa nabasa ko, "I think I love you, Ayl Mika Gonzales...Please, kung gusto mo akong makita, go to the garden. I'll wait." Ito na ba? Ito na ba yung chance ko para masagot ang mga tanong sa isip ko?

Pero nagtataka ako dahil sabi niya, sa garden daw. Eh ako lang naman yata ang estudyanteng nakakaalam nun eh, hidden garden kaya yun. Malay ko ba, baka hindi lang talaga ako ang nakakaalam nun. Pupunta na nga lang ako, sayang naman effort ni Mr. Sticky Note.

Habang tinatahak ko ang daan papuntang garden, lahat ng mga punong nalalagpasan ko ay may mga bulaklak na nakasabit at red hearts na gawa sa colored paper. Ang sweet naman nung Luke na yun, at maswerte narin ako dahil may ganitong taong nagmamahal saakin. Pumasok ako ng dahan-dahan sa garden.

WOW! WOW talaga! Sobra akong naamaze! Sobrang effort na ang nagawa ng Luke na to. Yung dinadaanan ko may mga red and white rose petals na nakakalat, parang kasal lang. Lahat ng sulok nitong garden, may mga sticky notes na nakadikit at mawawala ba ang mga quotations? Handwritten pa nga o. Pati yung fountain sa gitna meron din,

pero sa likod ng fountain ay isang lalaking nakagray na 3/4 polo at maroon na pantalong nakatayo. Siya na ba si Luke? Gwapo siya kahit likod palang, how much more kaya sa mukha. Lumapit ako sa kanya,

"Hello. Ikaw ba si Luke?" Pagkasabi ko nun lumingon siya na parang kinakabahan. Pinagpapawisan siya eh, pero ang gwapo nya!

"Ah. Oo. Hehe. Ako si Luke, Luke Espanto." Sabay abot ng kamay nya ng nakangiti. "Siguro nahuhulaan mo na kung sino ako. Oo, ako si Mr. Sticky Note. At alam mo na din naman siguro kung bakit ko to ginagawa." Hindi nya ako binigyan ng pagkakataon na sumagot sa sinabi niya. Instead, Kinuha niya yung gitara at dalawang upuan.

Pinagtapat niya yung dalawa at pinaupo ako sa isa, umupo din siya sa isa habang hawak yung gitara nya. So, face to face kami. Nagsimula syang magstrum ng gitara nya.

NP: Diskarte by Daniel Padilla

Ang galing naman niyang tumugtog at kumanta. Grabe yung boses nya ang manly at, oo na, nakakakilig! Pagkatapos niyang kumanta, binaba niya yung gitara at lumapit saakin. Kinuha niya yung kamay ko at...

...lumuhod!? Magpopropose ba to?

"Alam kong hindi mo pa ako masyadong kilala. Kilala mo lang naman ako bilang si Mr. Sticky Note eh. Ang torpe ko dahil di ko masabi sayo ang nararamdaman ko ng harap-harapan pero ngayon hindi ko na kaya at desperadong desperado na akong maging akin ka. Lagi kitang sinusundan, stalker mo na ko kumbaga. Kaya ko nga nalaman tong lugar na to eh. Sa tuwing nakikita kita, awtomatikong napapangiti nalang ako, kahit nga buhok mo sa malayo alam ko na agad na ikaw yun. Lahat yun ay dahil mahal kita. Sa totoo lang hindi kita sinimulang mahalin nung nagsimula rin akong maglagay ng mga sticky notes sa locker mo, actually magse-7 months na. Hehe! Ngayon handa na akong ipakita sayo ang tunay kong nararamdman, lahat gagawin ko para sayo, Mika. Mahal na mahal kita kaya...CAN I COURT YOU?"


"Hmm...ahh. Yes, OO Luke!"

And then, I kissed him...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Sa cheeks. ♥

             

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Sticky Note ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon