Chapter 1
Alam ko na ang saya saya ko pag dinadalaw nya ko sa bakuran nang bahay namin. Ang saya ko tuwing nakikita ko sya sa mahamog na lugar sa gitna ng mabeberdeng damo sa paligid ng masukal na mabulaklak na hardin. Ang simoy ng hangin , ang aliwalas ng paligid , ang tahimik at malamig na pakiramdam sa tuwing nakikita mo ang tanawin. Di ko lubos akalain na mahuhulog ang loob ko sa lalaking ito. Na sa tunay na buhay ay lubos an gaming kabaliktaran at gusto. Maipaglalaban ko ba ang nararamdaman ko? O magpapakaduwag na lamang ako at aalis para matulungan ang pamilya ko?
“Chandria halika na at pupunta tayo sa kasiyahan sa mga Count “ sigaw sa akin ng aking ina.
“Nay, simula na naman po kayo dyan sa pag aasawa ! sinabi ng ayoko at marami pa akong gusting magawa sa buhay” sagot ko
“Ano ka ba! Kami lang naman ay nag aalala sa iyo. Paano ka susundan ng mga kapatid mo ! kung sariling panganay nilang kapatid ay hindi makahanap ng kanyang katipan! “ hay ayan na naman ang nanay.
“Sige na ho.. sasama na..” Sa totoo lang gusto ko talaga sumama haha. Hindi naman dahil sa ayokong pumunta dahil ayoko po makahanap ng kasintahan . natatakot lang ako .. dahil sa dami ng pinakilala ni nanay wala man lang ako nagustuhan o wala lang akong naradaman.Paano kung dumalo na naman ako tapos wala pa din!
Nakakahiya sa iba ko pang kapatid .. 7 kaming magkakapatid na halos lahat ay babae kaya walang tumulong na umunlad ang kabuhayan namin. maayos naman kami sa malaking bahay naming na isang poultry at farm na ata kung tawagin.. pero kahit ganoon Masaya kami dahil lahat kami ay kumpleto. Bakit kasi ako pa panganay ?! Hay.. ang hirap kasi hanapin ng alam nyo na yung TRUE Love :)
Ako nga pala si Chandria Adamson. Kami ay isang middle class sa lugar ng England. Dadalo na ako sa kasiyahan.
Magdadamit na lang siguro ako ng hindi kagandahan. Baka naman sabihin ng iba doon na dadalo daig ko pa yung pinaka bisita na sasalubungin dun. Mga anak ng Konde (count) wala naman akong pake doon. Kailangan ko na sigurong mag exert ng effort para mahanap SIYA.
Umandar na ang sasakyan naming kaya kinakabahan ako..Paano kung ! Nako Chandria wag ka mag isip ng hindi naayon! Kailangan malakas ang loob ko na mahanap yun. Paano nga naman sya magpapakita kung ayaw ko magpahanap diba?
Ang GANDA ! ang liwanag sobra at kita mo ang napaka classic na dating ng paligid. Ang yaman naman ng may-ari nito. Ayan mas lalo ako kinakabahan! Pansin ko lang ngayon lang ako kinabahan ng ganito ! sa mga pagtitipon na napuntahan ko.. feeling ko tuloy nanliliit ako
Music : Love Story – Piano Cover.
Ang ganda nung musika sarap tuloy libutin ang paligid ng mala palasyong mansion na ito. Ang gaganda ng mga tao at maayos ang suot.
Kanina pa ko lakad ng lakad ditto.. ayan nakarating na ako kung saan hindi ko na alam ang mga daan pabalik ! hayyss pagod na ako.! Makapunta nga dun muna at makakuha ng inumin.. Ang ganda naman nun. Nakita ko yung maliwanag na parang daan palabas doon ang ganda.. kita mo ang sikat ng buwan na tatama sa iyong mata.. wala nga lang bituin ! Maya ko na nga lang hanapin sina Nanay .. at mga kapatid ko.. kitang kita mo yung hardin dito na may Maze ! sosyal paano kaya nila nagagawa yun .. mukha nga lang nakakatakot pumasok kasi parang hindi ka na makakalabas.. Kaso ang daming Roses ! naakit ako !! Anu ba yan Chandria ! pigilan mo nga sarili mo.. At ayun humantong sa pag punta sa Harding ito ! di ko mapigilang amuyin yung paligid ! hay ! ito na ata ang Weakness ko !
Makapasok na nga ! wala naman sigurong masama hindi naman ako lalayo.. naglalakad ako habang paikot ikot na sinasayaw yung sarili ko. Kaso biglang..
“AAHHHHHHH !!!!! “ lagot ! anong gagawin ko!