Matalik kong Kaibigan

314 18 7
                                    

Matalik na Kaibigan

story written by ME! OhimeRika

Kung sino man ang mang agaw netong story ko... GO..TO..H--CR and take a shower. Masama po yun ahh wag magsteal.. Stealing is a crime :*

____________________________________________________________________________________________________________

Highschool tayo noon ng makilala kita. Isa kang Campus Queen.Maganda,matalino,mabait, at lahat ay gustong-gusto ka.Samantalang ako ay isang geek na kinaaayawan ng lahat. Kahit parang langit at lupa ang pagitan nating dalawa,bumaba ka sa langit at inakay mo ako papuntang langit na iyong kinaroroonan.Naging mag-kaibigan tayo,matalik na mag-kaibigan.Ikaw ang nagpabago sa akin,mula sa isang geek na kinaaayawan ng lahat ay naging isa akong prinsesa na minamahal ng lahat.

Naging katulad mo na ako.Nagkaroon na ako ng mga kaibigan,naging sikat,at tinitingala ng lahat. At dahil sa napakaraming nagbago sa akin ay nilamon na ako nito at nagawa kitang talikuran at kalimutan.Nagkaroon ako ng ibang kaibigan , at ang kaibigan na yun ay ang nagtulak sa aking magbago pa... at maging masama sayo. "Ginamit ka lang niya","She's backstabbing you", "Kami lang ang tunay mong kaibigan mo." yan ang lagi nilang sinasabi sa akin.

Dahil sa galit na naramdaman ko,lahat ginawa ko upang bumagsak ka.Pinagmalupitan kita,sinaktan kita,pinahiya at kung ano- anu pa mang pang bu-bully ang ginawa ko sayo.One time nga noong foundation day sa school,may event pageant nun at kasali tayong dalawa bilang representative sa kanya kanya nating section.I did everything I can do just to win pero nahigitan mo pa rin ako.Ikaw ang nanalo samantalang ako runner up lang na sumunod sayo.

Papalapit ka sa akin upang batiin ako.You walked your way to me with a smile and greeted me with a smile.Kaysa batiin din kita ng nakangiti ay mas pinili kong ipahiya ka ng pasimple sa maraming tao.Tinapakan ko ang maganda mong gown na nagsanhi upang masira ito at ikaw ay madapa.Lahat ay tinawanan ka,walang nagtangkang tumulong at tinawanan ka lang. Tumayo ka at lumingon sa akin nakangiti ka ngunit may luha sa iyong mga mata. Naglakad ka kahit masakit ang yong paa at lumuluha ka. Ako? tawa lang ng tawa kahit alam kong nasaktan ka bakit? kasi kinasusuklaman kita.

Matapos nun ay sunod-sunod na ang pang bu-bully sayo. Hanggang naging sikat ka bilang numero unong binubully sa school.

Pero sa kabila ng lahat ng yun,sa lahat ng pananakit at kung ano ano pa man tinuring mo parin akong kaibigan.Nanatali ka parin nakangiti sa akin....Kahit sa araw na yun...Nakangiti ka parin..

Isang araw pa-uwi na ako ng bahay ng habulin mo ako sa kalsada at kausapin.Inabutan mo ako ng isang maliit na box na kulay pink. Binuksan ko ito at nakita ko ang isang kwintas na may nakaukit na pangalan mo. Sabi mo regalo mo ito dahil ang araw na yun ay ang araw ng maging magbestfriend tayo.Nakangiti ka nun. Tinawanan kita at itinapon ang regalo mo. Nang pasakay na ako ng kotche ay nakita kita sa gitna ng kalsada at pinulot mo yung kwintas. Naglaki ang mga mata ko.

Sumigaw ako at lumingon ka sa akin na nakangiti. Sumigaw at tumakbo ako papalapit sayo.. Tumakbo ako para...para sana sagipin ka kaso...Na huli ako.Hindi kita nailigtas at nabundol ka na. Agad akong lumapit sayo. Umiiiyak ako.. iyak ng iyak pero ikaw nakuha mo paring ngumiti at patahanin ako. Humingi ako ng tawad.."Patawad..sorry..sorry kung hindi--" Hindi mo ako pinatapos at nagsalita ka."Alam mo masaya ako at naging kaibigan kita....wag ka mag alala napatawad na kita matagal na... kaya tumahan kana" Sabi mo at pinunasan ang luha ko. Iyak ako ng iyak at humihingi ng tulong. Tumingin ka sa akin at ngumiti at binigkas ang salitang

"Paalam"

Hanggang sa huli nakangiti ka.Hanggang sa huli inintindi mo ako.Hanggang sa huli pinatawad mo ako.Hanggang sa huli tinuring mo akong kaibigan mo....Pinagsisihan ko lahat...lahat lahat ng ginawa ko,pero ngayon wala ka na...wala na ang matalik kong kaibigan.

____________________________________________________________________________________________________________

Ohime's Note.

So here's a one-shot story of mine. I hope na sana po natuto po tayo ng lesson :)

(Kung meron man) Please Leave a VOTE And Also COMMENT.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Matalik kong KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon