Pagmulat ng mata sa tuwinA
Araw ay masaya sapagkat buhay pa
Ngiti sa labi ay walang kapantay
Isip ay nangagbuhayHanggang sa mgs kaibigan ay muling nasilayan
Ngiting nakapagkit sa mukha'y biglang nag-alangan
"Kailan ka ba magnonobyo?"
Mga salitang sa bibig nila ay nabubuoPinakitang masaya at kawalan ay hindi mahalaga
Ngunit para sa kanila buhay ko'y ibang-iba
Napilitan sa reto
Nakipagsapalaran ng totooSinubukang makipagkilala
Pinto'y tinanggal ang sara
Binata'y kinilala
Puso ay nadismayaNgunit hindi pa rin sumuko
Pagka't kaibigan ko ay pursigido
May muling nakilala
Nauwi lang sa walaIba't ibang uri ng lalaki
Sa akin ay pilit tumabi
Ngunit lahat sila'y nabigo
At ako'y natuliroSapagkat napagtanto
handa nga ang puso
Ngunit walang nakakuha
Sapagkat nabubuhay sa mundo ng pantasya