Wala Na...

7 0 0
                                    

Masaya ang simula
Lahat ay natuwa
Balita ay kumalat
Ikaw at ako ay naisiwalat

Araw ay nagdaan
Lahat sila'y nagmamanman
Ngiti sa labi
Sa tudyuan nauuwi

Galak sa puso'y tunay
Nahiwagan sa damdaming taglay
Nalulong sa saya
Dating gawi ay nag-iba

Naging sentro ka ng mundo
Sapagkat laman ka ng puso
Ngunit sa kaibigan ko
Tuluyan daw akong nagbago

Hindi ko sadya
Napahalagahan kang talaga
Kaibigan ko'y napabayaan
Na siyang naging likha ng kaunting hidwaan

Pinilit pagsabayin
At walang maiwan
Ngunit hindi ko napigilan
Nagtuloy na sa kawalan

Nang Dahil Sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon