Global Gwapito

90 4 0
                                    


June 16, 2015

Pinoy Big Brother 737 The BIG REVEAL

Nakasuot ng white dress sina Karylle at Anne. Si Karylle ay plain white dress samantalang si Anne naman ay may sinturon ang dress niya.

Itinataas at winawagay ni Anne ang kaliwa niyang kamay nang tumugtog ang instrumental ng PBB Theme Song habang ang kanan naman ay hawak ang microphone.

"Oras na para sa PBB 737 Big Reveal dito sa showtime kung saan everyday this week ay may patikim tayo sa mga housemates na magiging bahagi ng PBB 737 na magsisimula na sa Sabado". At tsaka tumingin si Anne kay Karylle pagkatapos ng kanyang spills.

"May isa na tayong housemates na nakilala kahapon. Ngayon naman ay isa pa ang makikilala natin. Madlang people PBB 737 housemate number 2". Pagkasabi ni Karylle ng 'number 2' ay nagpeace out silang dalawa ni Anne.

Bumukas ng automatic ang pinto. Nakatalikod ang lalaki na nakasuot ng white helmet. Nakasuot din siya ng leather jacket at may puting suit sa loob with necktie. Itim din ang pants niya.

Pagkaharap niya't pagkalakad ay nagsitilian ang mga tao sa studio.

"Hi palakpapakan natin si Bailey. Ang Global Gwapito ng UK ...". Nung una ay hindi pa mabasa ng malinaw ni Karylle ang spills sa global gwapito. Nang matapos niya ay tumingin siya kay Bailey.

"...parang naaamoy kong gwapo nga". Bahagyang inamoy nga ni Karylle ang binate kahit na distant ito mula sa kanya.

"Oo nga e ...". Pagsang-ayon ni Anne. "...para ka namang daft punk sa outfit mo ...". Bahagyang natawa si Karylle habang si Anne naman ay nakafocus kay Bailey na suot pa rin ang helmet sa ulo.

"...kamusta ka naman Bailey?"

"Po?". Unang salitang narinig ng mga tao mula sa binata sa kanyang first tv appearance.

"Kamusta ka na?". Ulet na tanong ni Anne.

"Mabuti po". May accent na sabi ni Bailey at nagsitilian ang mga madlang people.

"Mabuti—"- Anne

"May konting accent. How are you Bailey?". At tumingin na ang binata kay Karylle.

"I'm good thanks how are you". Dire-diretsong sagot at tanong ni Bailey sa kanya. Sabay na nagulat sina Karylle at Anne pati na rin ang mga audience.

Nagpamewang si Anne at tumingin sa madlang people. "UK na UK nga ...". Tumingin na siya kay Bailey at, "...pwede ba naming makita? Ano ba ang nasa ilalim ng helmet mo? Can we see?".

Mas lalong nagkumpulan ang tilian ng mga tao dahil sa tanong ni Anne kay Bailey. Pagkabukas ng binata ay nadismaya sina Anne at Karylle dahil nakashades siya.

"Ano ba 'yan nakashades". Dismayadong sabi ni Karylle.

"Nakashades". Sabi ni Anne habang nakaturo kay Bailey at nakatingin sa mga audience.

Natawa si Karylle at ipinukos ang camera sa mukha ng binata. Ngumiti siya at kumaway sa left side.

"Pero maganda ang ilong. Maganda ang smile". Pag-appreciate ni Anne ng kapogian ni Bailey.

Medyo itinutok ni Karylle ang mukha niya sa binata sabay sabing, "Patingin nga ...". At tumingin sa kanya si Bailey. "...ay pogi"

"Ay oo". Sabi ni Anne.

"Ikaw maganda". Sabi ni Bailey kay Anne.

"Ako maganda? ...". Tanong ni Anne sa kanya kaya tinuro niya si Karylle at tsaka si Anne. "...oh tayo maganda kahit ikaw gwapo kahit nakashades ha"

"At dahil nandito ka ngayon sa Showtime Bailey, pwede bang sample sample sample". Sabi ni Karylle at sinabayan na rin siya ni Anne sa huli niyang sinabi habang tinataas nilang dalawa ang kaliwang kamay nila at nakatutok ang mga palad nila sa ere habang tinataas nila't binababa.

Sumasayaw si Karylle at pumapalakpak habang kumakanta si Bailey ng Nasa'yo na ang lahat. Halata sa boses ng binata na hindi pa siya sanay sa Tagalog at nagslaslang pa.

Nasa 'yo na ang lahat
Minamahal kita pagkat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso ko...
Nasa 'yo na ang lahat
Minamahal kitang tapat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso ko...

"Wow maganda rin ang boses ni Bailey ...". Sabi ni Anne at tumingin si Bailey. "...hayan madlang people, palakpakan natin siya ..."

Pumalakpak ang mga audience. "...thank you Bailey"

"Thank you Bailey". Sabi ni Karylle pero nagulat si Anne nang yakapin siya ng binata.

"Sweet sweet si Bailey". Sabi ni Anne at tsaka nakipagbeso si Bailey kay Karylle habang may helmet pa siya sa ulo.

Dumating ang showtime dancer at inalalayan si Bailey na umexit.

"Abangan natin siya". Sabi ni Karylle.


--


Kahit Ayaw Mo Na (BAILONA)Where stories live. Discover now