The Day BaiLona Met

37 4 0
                                    


The Day Bailona Met



Unang pagkikita ... Unang mga ngiti ... Unang pagpapakilala ... Unang kilig ... Unang kamayan ... Unang hiyaan ... pero Unang Kilig ...




Pagkatapos makipag-usap ni Ylona kay Big Brother sa Confession Room ay lumabas na siya ng kwarto. Pagkalabas niya ay dire-diretso siyang naglakad.

Sa kabilang daku naman ay nag-uusap sina Bailey at ang mga lalaki sa Boys Bedroom. Magkatabi silang dalawa ni Kenzo. Nakasuot si Ken ng grae na damit.

Si Kyle naman ay nakatayo habang nasa likuran niya ang mga niyang magkahawak. Naksuot siya ng red polo, pants at nakasapatos.

Si Franco naman ay nakaupo malapit kay Kyle. Nakasuot siya ng jacket na kulay grade at naka-brown pants.

Si Jimboy ay nakasandal sa higaan habang nakikinig sa usapan ng ibang mga lalaki. Nakasuot siya ng itim na damit at itim na pants.

Nagsasalita si Bailey habang nakaturo sa malaking salamin samantala'y huminto si Ylona at binuksang muli ang pinto. Pagkabukas ay napaharap si Kyle at may tinuro sa labas. Nag-uusap kasi sila habang bukas ang pinto.

Naglalakad si Ailah. Nakasuot siya ng pang-Muslim na kulay pink at saktong bumukas mula sa ikalawang pinto palabas ng Confession Room.

"Hhhhhi". Sabi ni Ylona pagkabukas niya ng pinto.

Humakbang ng dalawang beses si Ailah at tinignan ang ibang housemates sa kusina sabay sabing, "Hoy merong ano"

Pagkarinig ng mga lalaki ay unang lumabas si Kyle sumunod si Jimboy. Tumayo na rin si Franco. Sina Kenzo at Bailey naman ay naglalakad sa ibabaw ng higaan. Paika-ikang bumaba si Bailey habang may hawak na towel na kulay puti. Nakasuot siya ng red t-shirt at kulay pula't asul na shorts.

Inekstend ni Kyle ang braso niya sabay sabing, "Hi! Edward ... Ay Kyle! Kyle"

"Oww ...". Nakipagkamayan si Ylona sabay sabing, "...Kylie ..Kyle! Sorry. Hi!"

Napalibutan na rin si Ylona nina Zonia, Ryan, Ailah at Barbie.

Nakipagkamayan si Ylona kay Zonia sabay sabing, "Hello

"I'm Zonia". Nakangiting pakilala ng dalaga habang nakasuot ng black dress.

"You're French". Pagtukoy ni Ailah kay Ylona.

"What you thought?". Tanong ni Kyle kay Ailah habang sinasara ng maayos ang unang pinto papuntang Confession Room.

Nasa pintuan si Bailey at nakadungaw. Nakita niyang nakikipag-usap ang babaeng naka-chocker sa ibang housemates.

Si Franco ay nasa gitna nina Bailey at Kenzo. Malapit si Kenzo sa pinto hanggang sa lumabas si Franco na nakangiting nakatingin kay Ylona habang kausap pa rin ng dalaga ang apat na housemates.

Kwento ng kwento si Ryan nang bumalik sa loob ng Boys Bedroom si Bailey at biglang lumabas na rin si Kenzo sabay sabing, "Introduce yourself"

"Owww". Sabi ng tatlong housemates na kausap si Ylona.

"Ylona"

"How do you pronounce your name again?". Tanong ni Kenzo samantalang si Franco naman ay nakatinging nakangiti kay Ylona.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kahit Ayaw Mo Na (BAILONA)Where stories live. Discover now