Sinuot ko ang pulang dress na iniregalo sa akin ni Mama nong christmas. Naka off shoulder ito katulad ng damit ni Beauty sa Beauty and the Beast kaso ito ay pula, kay Beauty naman ay yellow.
May mga maliliit na beads sa kanang dibdib nito na bulaklak ang korte.
Nilagay ko na yung phone ko at panyo sa aking purse. Humarap muna ako ng salamin kung saan nakalagay ang mga make up set ko. Hinayaan ko lang na nakalugay ang mahaba kong buhok na hanggang dibdib ang haba. Naglagay lang ako ng kaunting pulbo at lip gloss bago ko naisipang bumaba na.
Linggo na ngayon, February twenty eight.
Araw ko ngayon and my parents decided na magsisimba kami. Kaya ito ako ngayon, nakangiti silang nakatayo sa ibaba habang hinihintay ako.
Nakasuot si Daddy ng formal attire na polo at maong pants.
Nag uusap silang dalawa at nagtawanan.
"I'm done."
Sabay sabay na napalingon sa direksyon ko si Mommy at Daddy. Naginitian ko sila at sinalubong ng halik at yakap.
"Happy Birthday, Princess."ani ni Daddy
He tap my head at hinalikan ako sa noo. Ginanon rin ako ni Mommy.
"Mom, Dad pwede ko bang imbitahan ang mga kaibigan ko dito mamaya?"
Nagkatinginan silang dalawa.
"Birthday ko naman po diba? Please! Payagan niyo na po ako."pinagsiklop ko ang dalawa kong kamay at nagsusumamong tinignan sila.
"O sige pero huwag kayong gagawa ng kalokohan dito sa bahay. Alam mo naman ang rules diba?"ani ni Daddy.
"Yes! Yes! Thank you, Daddy at Mommy."
Pinaliguan ko sila ng halik. Tumatawa naman si Mama na inawat ako. Hanggang sa nauna ng lumabas si Daddy.
"Nasaan na po si Kuya?"tanong ko sa kanila habang sabay sabay kaming lumabas ng bahay.
Kanina ko pa kasi napapansin na hindi parin nakababa si Kuya sa kanyang kwarto.
" I'm here, birthday princess!"
Napalingon kami kay kuya na kababago lang lumabas na bahay, tumatakbong lumapit siya sa amin.
Nakangiting hinalikan niya ako sa pisngi at binati.
"Happy Birthday!"aniya.
"Thank you po, Kuya."
Pinagbuksan ni Daddy si Mommy ng pintuan sa frontseat, si Daddy ang magmamaneho ng sasakyan, nasa backseat naman kami ni Kuya.
Panay ang usapan nina Mommy Daddy at pati ni Kuya tungkol sa business habang nasa loob ng sasakyan kami.
Naaalergic ako kapag trabaho ang pinag uusapan, binaleng ko nalang ang atensyon ko sa labas. Unti unting pumapatak ang ulan sa bintana kung saan ko sinandal ang ulo ko.
Makulimlim pala ang langit ng tignan ko ito.
I love rainy days, I love this season, unti unting tumatagaktak ang kaninang bilang lang na ulan na dumadampi sa bintana.
Hanggang sa ipark na ni Daddy ang sasakyan sa parking lot, sa likod ng simbahan. Nakayakap ako kay Mommy habang papasok kami sa loob. Ang lamig kasi naka off shoulder ako at ang lakas pa ng ulan sa labas. Parang niyayakap ako ng lamig.
Ang sarap pakinggan ng mga batang kumakanta sa harap, parang hinehele ako at pinapatulog. Sabay sabay silang kumakanta habang may nag be- beat sa harap nila.
BINABASA MO ANG
When Love Begins ( Campspeed Series #1 Book 1 )
General FictionGermainei fall to the eligible car racer na si McKhayne Vonn. But what she's longing for too long is, he can't love her back the way she do. Na head over wheels in love na nga siya dito. Love moves in a mysterious way. Pero gaya nga ng pagluluto ng...