Napatawad na kita .
Mga pananakit mo kinalimutan ko na .
Sakit ng pangiiwan mo ibinaon ko na .
Pagmamahal kong tanging sayo lang ay nasa kanya na .
Pait ng kahapon na nagdaan .
Pagsibol ng mga bulaklak sa daan.
Pagiibigan na nagdaan.
Lahat ng iyon ay ala ala nalang .
Kinalimutan ko na mga pangakong napako.
Pagmamahal na akalay ipinangako.
Pagsuyong nagtapos sa tukso.
Iniwan , sinaktan pinaasa mo lang pala ako.
Humawak sa mga pangakong tayo lang dalawa .
Na ikaw at ako ang magkasama .
Ibinilin sa isat-isa na pagmatagalan ang pagmamahal nating dalawa .
Isinantabi mo at ikaw na ay sumama sa iba .
Ipinilit ko ibaon sa limot .
Ang puso koy puno ng hinagpis at puot.
Paglisan mo ,ikay hinintay akoy nilumot .
Sa mga pangako mong babalik ka na iyong nalimot .
Ngayon napatawad na kita sa sakit na iyong iniwan aking sinta .
Sa hinagpis na aking tiniis para sa atin dalawa .
Mga pinanghahawakan koy binitawan ko na .
Dahil masaya na akong mag-isa .
Magisa sa pagbuo ng pangarap nating dalawa .
Masaya para sa inyong dalawa .
Masaya ka rin sana sa akin sinta .
Dahil nakakapagod na