Memories

18 0 0
                                    

"No matter what happen i will never leave you. Tandaan mo nandito lang ako sa tabi mo sabay nating aabutin ang pangarap natin"

Linyang binitawan niya na hanggang ngayon hindi ko makalimutan, Hanggang ngayon naaalala ko parin. Ang sakit maiwan. Bakit lahat nalang sila yan yung sinasabi pero sa huli hindi naman nila ginagawa. Umasa ako pinanindigan ang mga sinabi niya dahil nararamdaman kong mahal niya naman ako, na hindi siya tutulad sa ibang tao. Ngayon nangangarap ako ng ako nalang wala ng siya sa buhay ko. Pero wala naman akong magagawa diba? Kundi ang alalahanin nalang ang mga alala naming dalawa, alala niya nung mga panahong masaya pa siya.

*Flashback*

"Gusto ko paglaki natin sabay tayong hahanap ng trabaho. Pareho tayong pupunta sa ibang bansa." Sabi sakin ng childhood friend ko na si Nathan.


"Oo naman. Ano bang trabaho ang gusto mo paglaki mo? Tanong ko naman sa kanya

"Ako gusto ko maging doctor. Gusto kong tulungan yung mga taong may sakit. Lalo na yung mga batang tulad natin. Dati kase nung namatay si lolo may nakausap akong bata sa ospita na nagdadasal at humihiling ng mahabang buhay. Alam kong masakit para sa kanila ang mawala ng wala pang nagagawa sa mundo. Na wala pang napapatunayan sa sarili nila. Mga wala pang naabot na pangarap. Kaya magsusumikap ako para maabot ko yung pangarap ko." Malungkot na pahayag niya.

Mahirap maiwan ng taong mahal nila. Na hindi nila makita yung successful mo sa buhay. Si Nathan siya lang ang kaisa-isang kaibigan ko magmula ng mawala ang parents ko. Di niya ako iniwan. Lagi ko siyang kasama at sabay kaming nangangarap. Kaya kahit papaano malaki ang pasasalamat ko kay god ng dahil sa kanya gusto ko pang enjoyin ang buhay kasama si Nathan.


5 years later

"Wow Cali ang galing mo! Nakapasa ka sa isang sikat na Hospital sa Korea!" Masaya ngunit may mababakas na lungkot na sabi sakin ni Nathan

Gustong gusto ko pumuntang korea bata palang ako isa na siya sa pinapangarap ko. Pero kahit anong gusto ko ayaw kong iwan yung nag-iisang tao na kahit kailan hindi ako iniwan at pinabayaan.


"Oo nga pero ayokong tanggapin yan! Ang layo kase eh" pero sa totoo gustong gusto ko. "Pati marami namang sikat na Hospital dito sa Pilipinas ah! Kung saan ospital ka magtratrabaho dun na din ako Doc. Nathan. Wala kayang iwanan". Pabirong sabi ko na ikinawala ng masaya niya expression.

"Cali alam kong pangarap mo to. Mga bata palang tayo bukang-bibig mo na lagi na pag laki mo sa Korea tayo magtratrabaho. Ito na yung opportunity Cali! Ngayon ka pa ba aatras? " parang nanghihinayang na sabi niya


Magsasalita palang sana ako ng bigla siyang nagsalita ulit


"Alam ko at nararamdaman ko na kaya ayaw mo lang tumuloy dahil sakin. Ayaw mo akong iwan Cali. Wag kang mag-alala susuportahan naman kita gagawa ako ng paraan at susundan kita sa Korea. Dun na din ako magtratrabaho. Diba sabi ko naman sayo dati na sabay natin aabutin ang pangarap mo.?" Sabi niya

"Nathan nangako tayo na Pangarap natin ang aabutin. Pero Nathan naman pangarap ko lang ang nakasalalay dito paano naman yung sayo? " malungkot na sagot ko

Memories of You (One Shot)Where stories live. Discover now